Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 145 - Ang Pagnanais na Magprotekta

Chapter 145 - Ang Pagnanais na Magprotekta

"Kumalma ka, titingnan ko…" matapos bigyan ng pagsusuri ni Lu Qi si Xinghe, sinabi niya, "Inaapoy siya ng lagnat. Marahil ay dahil ito sa naipong paghihirap niya na napakawalan ng biglaan sa oras ng kanyang kahinaan kaya nagkasakit siya ngayon."

"Tama ka, ang kapatid ko ay humarap ng maraming paghihirap nitong mga nakaraan." Mabigat na pagsang-ayon ni Xia Zhi.

Hindi nagkomento si Mubai. Tiningnan lamang niya ng mariin si Xinghe.

Mayroon na siyang naiisip tungkol sa pagbabago ni Xinghe at ang mga nangyari nitong nakaraan.

May alam na din siya tungkol sa mga pangyayari noong nakaraang gabi.

Nahihirapan siyang isipin na ang isang mahinang babae tulad nito ay magkakaroon ng kakaibang lakas at katalinuhan kaya nagawa nitong magapi ang mga kaaway nito sa loob ng isang gabi lamang.

Kahit na nagbigay siya ng tulong pero naniniwala siya na magagawa nito iyon kahit na wala ang tulong niya.

Hindi pa rin niya lubos na matanggap na mayroong dalawang 'Xia Xinghe' na lumitaw sa buhay niya.

Hindi pa niya nakikita ang nakakabilib na parte nito…

Ngunit, sa pagkakataong ito, siya ay walang kalaban-laban. Naging mahusay nga siya pero isa pa rin siyang babaeng gawa ng laman at dugo, na mayroon pa rin siyang mga oras ng kahinaan.

Isa ilang kadahilanan, ang madiskubre ang mahinang parte ni Xinghe ang nag-udyok na pangalagaan siya ng husto ni Mubai…

Nakatayo pa rin si Mubai doon matapos na maikabit muli ni Lu Qi si Xinghe sa IV drip.

Mausisa siyang tiningnan ni Xia Zhi. "Mr. Xi, bakit hindi pa po kayo umalis para magpahinga? Sugatan din ho kayo, 'di ba?"

Nabalik si Mubai sa realidad at magaang nagsalita, "Naroroon lamang ako sa katabing silid. Puntahan mo ako kung may kailangan ka."

"Okay… salamat po sa tulong ninyo nitong nakaraan," pasasalamat ni Xia Zhi ng may pagka-alangan.

"Walang anuman." Tiningnang muli ni Mubai si Xinghe bago umalis.

Pumunta naman si Lu Qi para gawin ang rounds nito matapos na bumalik ni Mubai sa kanyang silid. Sinuri ni Lu Qi ang sugat ni Mubai at inanunsyo na, "Maaari ka ng umuwi para magpahinga. Ipapalit mo sa family doctor ninyo ang iyong benda araw-araw at magiging ayos ka na tulad ng dati."

"Ok," sagot ni Mubai pero hindi ito nagpakita ng intensiyon na umalis.

Nanatili siya sa ospital, at dinala doon ang kanyang trabaho.

Ngunit, sa kabilang pintuan, nanatiling walang malay si Xinghe…

Dumadalaw si Lu Qi para ihayag sa kanya ang kondisyon ni Xinghe. Itinatango na lamang niya ang kanyang ulo sa bawat sandali pero hindi niya pinipigilan si Lu Qi na puntahan siya para magbalita sa kanya tungkol kay Xinghe.

Sa wakas, matapos ang maraming araw, bumaba na ang lagnat ni Xinghe.

Ngunit, dahil sa binibisita pa rin siya ng mga bangungot, naging dahilan ito na hindi siya magkaroon ng maayos na pagtulog.

Sa ilang kadahilanan, ang kanyang utak ay patuloy na ipinapakita sa kanya ang mga pangyayari na nangyari noong mga nakalipas na dalawampu't limang taon.

Ang kanyang kabataan kasama ang ina sa ibang bansa.

Ang mga eksena kung saan tinuturuan siya ng kanyang ina ng computer programming…

Ang aksidente na nagbago ng buhay niya, at ang kasal niya kay Mubai…

Ang mga memorya niya ay nahahati sa mga parte at mabilis na dumadaloy sa kanyang isip.

Hinawakan niya ang isa at naging mas malinaw ito habang ang iba ay nawala na sa kawalan.

Ito ay mula sa kanyang pagkabata, ang araw na umalis ang kanyang ina.

Xinghe, honey, kailangang umalis ni mommy kaya kailangan mong alagaan ang sarili mo okay? Magpokus ka sa pag-aaral mo at huwag mong kalimutan magpraktis sa computer para pagdating ng panahon ay magkakatagpo tayong muli.

Mommy, saan ka pupunta? Nag-aalalang tanong ni Xinghe.

Magiliw na ngumiti ang kanyang ina, Pupunta ako sa isang malayong lugar.. sa isang lugar na.. ikaw lamang… ang makakahanap sa akin…

Mommy, ano ang sinasabi mo? Isang naguguluhang Xinghe ang nagtanong.

Hindi sumagot ang kanyang ina hanggang sa nawala ito sa kadiliman ng gabi.

Mom, mommy- hinanap ni Xinghe ang kanyang ina sa dilim pero hindi niya matagpuan ang kanyang ina. Hanggang sa, natisod siya sa kanyang panaginip at nagulantang siyang nagising bago siya nilamon ng paparating na kadiliman.