Chapter 138 - Ang Demonyo

Pagkatapos, binigyan pang muli ng ilan pang sampal ni Xinghe si Wu Rong sa mukha nito.

Inilagay ni Xinghe ang lahat ng kanyang pwersa sa bawat sampal. Hilong nahulog sa sahig si Wu Rong. Matapos noon, dumugo ang ilong nito na nagpadumi ng kalahati ng mukha nito.

"Mom!" Sigaw ni Wushuang, "Xia Xinghe, papatayin kita!"

Dinakma niya ang paring knife na nahulog sa sahig at gusto niyang sugurin si Xinghe. Pero, pinigilan niya ang sarili ng mahawakan na niya ang hawakan ng kutsilyo.

Hindi, hindi niya pwedeng patayin si Xinghe.

Bata pa siya, may maganda pa siyang kinabukasan… Hindi niya maaaring sirain ang sarili niya ng ganito na lamang.

Plinano na ng kanyang ina na isakripisyo ang sarili nito para iligtas siya, kaya hindi niya pwedeng biguin ito.

Pero, ang sakit na nararamdaman ng puso niya kapag nakikita niyang tinatrato ni Xia Xinghe ang ina niya tulad nito.

Dumaloy ang luha sa mga mata ni Wushuang at lumuwag ang kanyang hawak sa kutsilyo.

Pahamong tinanong siya ni Xinghe, "Bakit ka tumigil? Hindi ba't magkasabwat kayo ng nanay mo na pinagpaplanuhan ang pagpatay sa akin? Ito na ang pinakamaganda mong pagkakataon."

Isang nanghihinang Wushuang ang napasalampak sa sahig at mariing umiling. "Wala akong ideya kung ano ang sinasabi mo! Hindi ako nakikipagsabwatan laban sa iyo. Wala akong alam isinusumpa ko!"

"So, ang sinasabi mo ba sa akin ay lahat ng ito ay plano ni Wu Rong at wala kang kinalaman dito?" Sarkastikong tanong ni Xinghe.

"Tama, wala akong kinalaman dito, wala akong alam!" Nabigyan ng script si Wushuang at alam niyang dapat niya itong sundan.

Tiningnan ni Xinghe ang kanyang pagkaduwag na hitsura, at patuyang inalis ang tingin sa kanya.

"Ate, ayos ka lang ba?!" Mabilis na pumasok sa silid si Xia Zhi. Kasunod niya ay ang dalawang bodyguards at ang nakataling si Black Three.

Umiling ng bahagya si Xinghe. "Ayos lang ako. Zhi, oras na para tawagin ang mga pulis."

"Okay!" Agad na inilabas ni Xia Zhi ang kanyang telepono. Sa sandaling iyon, biglang nakawala si Black Three sa pagkakahawak ng dalawang bodyguards at sinugod si Wu Rong.

Binuhat niya ang katawan nito, ang mukha ay hindi na maipinta sa sobrang galit. "You b*tch, ginawa mo akong gag*, ang bastardong babaeng iyan ay hindi ko anak! Nakakasuka kang hukluban ka, sinira mo ang buhay ko, at ngayon papatayin kita!"

Kinuha ni Black Three ang paring knife at iniamba ito kay Wu Rong. Sinipa ni Xinghe ang kutsilyo paalis sa kamay nito.

Sinigawan siya ni Black Three, "Ano ang ginagawa mo? Bakit ayaw mo akong hayaang patayin siya?"

Malamig na ngumisi si Xinghe, "Bibigyan mo siya ng paraang maligtasan ito kapag pinatay mo siya. Kapag hinayaan mo siyang mabuhay para pagdusahan ito ay ang pinakamainam na paghihiganti."

Natigilang napatitig si Xinghe at hindi sinasadyang nanginig.

Sa ilang rason, may suspetsa na siyang haharapin din niya ang kaparehong kapalaran…

Nakaramdam si Wu Rong ng mala-impyernong lamig.

Sa sandaling iyon, si Xinghe, sa kanyang mga mata, ay nagmukhang isang ice demon, na mas demonyo pa sa kanya.

Pero, ang katotohanan na niloko siya ni Xinghe tungkol kay Black Three na malaman ang katotohanan ang nakasakit sa kanya ng husto!

Ito ay dahil tanga siya para malinlang tungkol dito…

Mabilis na dumating ang mga pulis.

Si Wu Rong at Black Three ay nadala na sa kotse ng mga pulis, habang si Wushuang naman ay sinabihang sumunod sa kanila sa istasyon ng pulis para makipagtulungan sa imbestigasyon.

Bukang-liwayway na ng lumabas si Xinghe sa villa.

Puno ng pangyayari ang gabing iyon pero hindi pa ito tapos.

Inis na nagrereklamo si Xia Zhi, "Ate, kahit na makakuha tayo ng hustisya galing kay Wu Rong at Black Three, si Chui Ming at Wushuang ay nakalalaya pa din."