Chapter 130 - Takipsilim

At sumapit na ang dilim.

Marahil dahil sa katahimikan ng gabi, ang langit ay walang makikitang bituin at natatakpan ng makakapal na ulap ang buwan.

Ang kadiliman ay bumalot sa kapaligiran, dahilan para mapasinghap sa takot ang mga tao.

Sa ibang kadahilanan, ang mga kabahayan ay biglang nawalan ng kuryente.

Maliban sa iilang emergency street lights, ang mundo ay nabalutan ng kadiliman.

May nakakatakot na ere ang dala ng gabi na tila ba alam nito na dadanak ang dugo.

Ni walang pusa na gumagala-gala sa malaking lugar ng pamayanan na iyon.

Ngunit, mayroong pitong kahina-hinalang mga anino na patungo sa villa ng Xia Family…

Walang ingay na sinira nila ang harap na pintuan at pumasok patungo sa sala. Binalak nilang umakyat sa hagdanan para hanapin ang mga naninirahan doon.

Nang biglang may narinig silang kaluskos.

May kung sinong nagsindi ng posporo…

Ang ilang nahintakutang pigura ay napatingin sa pinanggagalingan ng maliit na liwanag. Iniilawan ng posporo ang isang patpating kamay at isang kaaya-ayang pigura ang nakahilata sa sofa.

Ang ilaw ng posporo ay masasalamin sa pares ng maiitim na matang nakatitig sa kanila. Walang takot o surpresang makikita sa mga matang ito, kundi pagkaseryoso at pagsasanggalang.

Ang biglaang pagsalubong sa tingin na ito ang nagpanerbyos sa iilang anino.

Sa sandaling iyon, nakaramdam sila ng matinding kaba. Mukhang pumalpak ang kanilang plano.

Gayunman, kasama nila ang kanilang pinuno, isang lalaki ang biglang tumalon patungo kay Xinghe. Wala siyang sinabi pero makikita ang kalupitan sa kanyang mga mata.

Agad na pinatay ni Xinghe ang posporo.

Ang biglaang kadiliman ang nagpatigil panandalian sa lalaki.

Dati, masasabi niya kung saan ang lokasyon ni Xinghe pero kung walang liwanag, hindi niya ito matukoy.

Pareho ito sa kanyang mga kasamahan.

Ang maiksing sandali na ito ng kahinaa ang nagbigay ng pagkakataon sa mga kalalakihang nagtatago. Ilang malalaking lalaki na nakasuot ng night-vision goggles ay agad na kumilos at natalo ang mga pumasok ng ilang minuto lamang.

Agad na naglabas ng isa pang posporo si Xinghe at sinindihan ang kandila na nasa kanyang kamay.

Hawak ang kandila, lumapit siya patungo sa mga walang malay na lalaki. Mayroong tatlo doon.

"Ate, nakatali na silang lahat!" Sabik na sambit ni Xia Zhi habang tumatayo.

Ang ilang tao ay mahigpit na naitali ni Xia Zhi, Xiao Mo, at ng apat na bodyguards na ipinadala ni Mubai.

Kapag nagising sila ngayon, hindi sila makakakilos.

Nasisiyahang tumango si Xinghe. "Ialis na ninyo sila rito at baka matakot pa nila ang susunod pa nating bisita."

"Oo!"

Ang tatlong lalaki ay agad na naitago. Agad na bumalik sa pagtatago sina Xia Zhi at ang grupo.

Naupong muli sa sofa si Xinghe. Iniwanan niyang nakasindi ang kandila sa mesa sa tabi niya. Matapos noon ay kinuha niya ang isang libro at nagsimulang magbasa ng tila walang iniintindi.

Ilang sandali pa, isang pares ng mga nakakatakot na mata ang nag-oobserba sa kanya mula sa labas ng bintana.

Dinilaan ng taong ito ang kanyang mga labi ng nasisiyahan nang makita na mapayapa pa siyang nagbabasa sa ilaw ng kandila.

Hindi magtatagal, ang malayang oras nito ay gagawin niya na pinakamasamang bangungot na mararanasan nito!

Ang pintuan, muli, ay walang ingay na bumukas. Isang matangkad, may kaitimang lalaki na nakasuot ng baseball cap ay tahimik na lumakad patawid sa entrada ng villa.

Walang ingay ang kanyang mga hakbang sa sahig ngunit sa oras na buksan niya ang pinto, isang malamig na ihip ng hangin ang pumasok.

Kumutitap ng kaunti ang apoy ng kandila.

Ang mga mata ni Xinghe ay panandaliang nanlaki at nagtanong siya ng hindi lumilingon, "Zhi, ikaw ba iyan? Bakit gabing-gabi ka na umuwi?"