Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 131 - Ikaw ang Bumangga sa Akin

Chapter 131 - Ikaw ang Bumangga sa Akin

Hindi niya inaasahan na alerto ito para maramdaman na may pumasok sa silid.

Itinigil na niya ang pagtatago ng kanyang presensiya at sumara ang pintuan ng may lagitik. Wala siyang sinabi habang papalapit siya kay Xinghe, tangan ang isang malaking baseball bat sa kanyang kamay.

Hindi nagpakita ng takot ang boses ni Xinghe habang inulit nito ang, "Zhi, ikaw ba iyan?"

Matapos noon ay nakarinig siya ng nakakakilabot na hagikgik sa kadiliman.

Mabilis itong tumalikod at tumitig sa mukha niya.

Naiilawan ng mahinang liwanag ng kandila, ang mga mata ng taong ito ay may kabaliwang mababanaag at ang ngiti nito ay nakakakilabot. Nakatitig si Xinghe sa mukha ng isang sira-ulong mamamatay tao.

Ang mabilis na kilos ng isang normal na tao sa mga pagkakataong ito ay ang sumigaw para humingi ng tulong.

Pero, si Xinghe ay pinag-aaralan ang mukha ng lalaki ng maigi ng walang bahid ng takot sa kanyang mga mata.

"Ikaw iyon!" Bulalas ni Xinghe sa pagkagulat.

Ang kanyang pagkagulat ay nabahagi sa lalaki. Sa isang malalim na boses, umangil ito, "Kilala mo ako?"

Nanigas ang katawan ni Xinghe, naghahanda laban sa kanya. "Oo, kilala kita! Ikaw iyong bumangga sa akin na nakakotse anim na taon na ang nakakaraan! Hindi ko makakalimutan ang mukha mo!"

Ang pagkasorpresa sa mga mata ng lalaki ay napalitan ng pagnanasang pumatay.

"Mas mainam na rason para ikaw ay mamatay na." Sinabi nito, at itinaas na nito ang baseball bat na nasa kanyang mga kamay.

Hindi natinag si Xinghe. Itinupi niya ang kanyang mga hita at mahinahon na nagtanong, "Sino ang nag-utos sa iyo para tapusin ako? Si Wu Rong ba?"

"Paano ka tutulungan ng sagot na makaligtas mula sa hukay? Bagaman, ang masasabi ko, ikaw babae ay may kahanga-hangang lakas ng loob." Ang pamalo ay nakataas na sa kanyang ulo, at preparado na itong ibigay ang huling hampas.

Kahit na nagulat siya sa kakaibang reaksiyon ni Xinghe ay kailangan niyang tapusin ang kanyang trabaho.

Kahit ano ang mangyari, kailangan ni Xinghe na mamatay ngayong gabi!

"Well, mas mainam na rason para sabihin mo sa akin, hindi ba?" Panggagad ni Xinghe sa nauna niyang sinabi. "Si Wu Rong ang gustong mamatay na ako anim na taon na ang nakaraan at siya ulit ang nag-utos ngayon, tama ba?"

"Oo, siya nga—" Habang lumabas ang mga salitang ito sa bibig ng lalaki, ang bat na nasa kanyang kamay ay malakas ng pababa kay Xinghe.

Sinipa ni Xinghe ang mesa na may kandila at ginamit ang pwersa para humilig palayo sa kapahamakan. Nagmintis ang lalaki sa kanyang target at dahil sa kadiliman, pansamantala siyang natigilan.

Nasanay na ang mga mata niya sa ilaw sa silid kaya ang biglaang pagkawala ng liwanag ay nagpalito sa kanyang mga pandama.

Naibaba niya ang kanyang depensa panandalian pero sapat na ito para sa mga tao na nagtatago para matalo siya!

Nakaramdam siya ng malalakas na hampas sa kanyang katawan at siya ay pinanawan na ng malay.

Sabay-sabay na nabuhay ang mga lamplight na pinatatakbo ng baterya ang nagpailaw sa silid.

Muli, si Xia Zhi ang sabik na sumigaw, "Sa wakas, tapos na rin tayo para sa gabing ito!"

"Itali na ninyo siya," Utos ni Xinghe habang tumatayo siya.

Agad na sumunod ang apat na bodyguards.

Lumapit si Xia Zhi at sinipa ang payat na katawan ng misteryosong mamamatay-tao. "Bastard ka! Ang kapal ng mukha mong targetin ang buhay ng ate ko?!"

Parang isang manika na yari sa basahan, ang walang malay na katawan ni Black Three ay namaluktot sa lakas ng sipa.

Nakatitig si Xiao Mo sa walang malay na mukha ni Black Three at sumimangot. "May nakakatakot na awrang bumabalot sa kanya na nagsasabi na hindi ito ang unang beses niyang ginawa."

"Mukhang marami-rami na siyang napatay," sang-ayon ni Xia Zhi, "Pero ang pinili niyang pamatay ay isang baseball bat?"