Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 129 - Genius Xia, Pakiusap Magsalita Ka ng English

Chapter 129 - Genius Xia, Pakiusap Magsalita Ka ng English

Masyado pang maaga para magdiwang dahil sina Chui Ming, Wushuang, at Wu Rong ay buhay pa.

"Tama ka, ate, pero ano ang magagawa natin ngayon?" Tanong ni Xia Zhi.

Akala niya matapos nilang matalo ang Chui Corps sa Hacker Competition at kapag nakuha na nila ang partnership sa Xi Empire, maaabot na nila ang katapusan ng plano nila.

Pero kung titingnan ang mga bagay, nagsisimula pa lamang sila.

Inisip ni Xia Zhi na may iniisip pang plano si Xinghe pero isang salita lamang ang sinabi niya.

"Maghintay tayo."

Nabigla si Xia Zhi. "Maghintay?"

Tumango si Xinghe at nagpaliwanag, "Tama iyon, ang magagawa na lamang natin ngayon ay maghintay. Bumabagsak na ng mabilis ang Chui Corps. Gaya nga ng sinabi ninyong dalawa, kakailanganin niyang ianunsyo ang pagiging bangkarote ngayon o bukas. Gagawin ni Chui Ming ang lahat mapigilan lamang iyon. Ang ibig sabihin nito ay ang tanging pagkakataon niya ay ngayong gabi. Kaya naman, kikilos na sila mamayang gabi."

Seryosong napakunut-noo si Xiao Mo. "Ano sa tingin mo ang gagawin ni Chui Ming?"

Pamilyar na siya sa gawain ni Chui Ming kaya nag-aalala siya na baka may gawing kabaliwan si Chui Ming sa kanila.

May ngiting sumagot si Xinghe, "Lahat ay nakadepende sa kung ano ang gagawin ni Xia Wushuang."

Nalito sina Xia Zhi at Xiao Mo.

"Ate, ano ang ibig mong sabihin? Hindi ko maintindihan."

Napakurap ng ilang beses si Xinghe. "Hindi mo maintindihan…?"

Pakiramdam niya ay kasing linaw na ng araw ang sitwasyon, paanong hindi nila ito maintindihan?

Ang paraan ng pagpapaliwanag ni Xinghe, o ang kulang sa pagpapaliwanag niya, ay nagpatigil kay Xia Zhi at Xiao Mo.

Pakiwari nila ay para silang bata na nakikipag-usap kay Xinghe.

Henyong Xia, pwede bang magsalita ka sa English?

Nakita ni Xinghe ang kalituhan ng dalawa at magpapaliwanag na sana ng tumunog ang kanyang cellphone.

Galing ang tawag kay Xi Mubai.

Hindi siya nakalista sa mga contact ni Xinghe sa telepono pero pamilyar pa din siya sa numero nito sa telepono…

Nanginig ng isang segundo ang kanyang iris bago niya ito sinagot. Deretso siyang nagtanong, "Ano ang kailangan mo?"

Wala na ding sinayang na oras si Mubai para magpaliguy-ligoy pa. Sumagot siya, "Siguradong gagantihan ka ni Chui Ming ngayong gabi. Maghanda kayo. Uutusan ko ang ilang tauhan ko para protektahan kayong lahat."

"Hindi na kailangan. Alam kong kikilos siya mamayang gabi at may sarili akong plano kung paano siya pakikitunguhan," puno ng tiwalang sagot ni Xinghe.

Si Mubai naman, sa kabilang linya, ay napataas ang kilay. Masyadong matalino ang babaeng ito kaysa sa iniisip niya.

Hindi sinasadyang napangiti siya. Hindi niya alam kung ano ang plano nito, sa halip ay sinabi niya, "Kahit na, kailangan mo ng mga tutulong sa iyo. Bigyan mo ako ng numero, para maging patas, ikaw na ang magbabayad sa kanila."

Tama siya, kailangan nga niya ng mga tutulong sa kanila.

"Sapat na ang apat."

Inisip ni Mubai na tatanggihan na naman nito ang alok niya. Sino ang mag-aakala na tatanggapin niya ito agad-agad sa oras na ito.

Dahil dito, naging maganda na ang mood ni Mubai. "Sige, aayusin ko na ito mamaya malipas ang isang minuto."

"Salamat."

"Walang anuman." Sabay na ibinaba ng dalawa ang linya. Pareho silang ayaw ng mag-aksaya pa ng oras.

Inilagay ni Xinghe ang tawag ng naka-speaker phone kaya narinig nila Xia Zhi at Xiao Mo ang kanilang usapan.

Mas naawa silang dalawa sa kanilang sarili.

Paanong nangyaring naiintindihan ni Xi Mubai ang sinasabi nito pero sila ay hindi?

Kinakailangan bang ang isang henyo lamang ang makaintindi sa isa pang henyo?

Gusto ng magmukmok nila Xia Zhi at Xiao Mo sa isang sulok para ipagdalamhati ang kanilang mababang IQ pero inutusan na silang bumalik sa trabaho ni Xinghe.

Kailangan nilang maghanda para sa plano nila ngayong gabi.

Ang gabi na iyon ay puno ng antisipasyon.

Inaabangan ito nina Chui Ming, Wu Rong, at Wushuang.

Inaabangan din ito ng grupo ni Xinghe!

Maging si Mubai ay inaabangan din ito…

Maraming pwersa ang magkakasagupa ng gabing iyon at maaaring ang pinakamahusay na lalaki o babae ang magwawagi!

Related Books

Popular novel hashtag