Ang sumunod niyang sinabi ay nagpabigla pa sa kanya…
"Ang tanga mo! Paano mong hindi nalaman na hindi lamang mahusay sa computer programming si Xia Xinghe pero napakahusay pala niya dito?! Kung sinabi mo na ito sa akin noon pa, hindi ko na sana binigyan pa siya ng pagkakataon na sumali sa Hacker Competition! Kung hindi siya lumitaw sa kumpetisyon, ang software sana ng Chui Corps ang nanalo at hindi tayo malalagay sa ganitong sitwasyon! Kasalanan mo itong lahat, ikaw na bobong b*tch. Paano mo aasahang matatalo si Xia Xinghe kung ang utak niya ay isang daang higit na mahusay kaysa sa utak mo?! Hindi pa man, lagot na tayong lahat!"
Hindi makapaniwalang tumitig sa kanya si Wushuang.
"Ano ang sinabi mo…" Sigurado siyang hindi siya nagkamali ng rinig. "Alam ni Xia Xinghe ang computing at natalo ang software ng Chui Corps? Paano iyon naging posible!"
"Kilala mo na siya ng higit sa dalawampung taon, kaya paano mo hindi nalaman na isa siyang hacker? Xia Wushuang, paano ka nabulag ng ganoon katagal? Ngayong pabagsak na ang Chui Corps, ang susunod na ay ikaw! Mamamatay tayong lahat sa kamay ni Xia Xinghe!" Sigaw ni Chui Ming sa mukha niya.
Hindi niya inakala na ang buhay niya ay manganganib sa nakakaawang lagay dahil lamang sa hindi kilalang babae.
Bago mangyari ito, si Xia Xinghe ay hindi naman kilala, mas mababa pa sa mga pulubi sa lansangan.
Sino ang mag-aakala na magbabago ito ng ganoon na lamang kalaki?
Napakadali para sa kanyang sirain ang Chui Corps… na itinaguyod niya buong buhay niya.
Nasukol siya ng isang babae na dati ay wala ni isang kusing!
Ito ang sukdulan ng kanyang kahihiyan, ang pinakamalala na naramdaman niya sa tanang buhay niya.
Hindi, alam niya na lalala pa ito, at dahil ito sa babaeng iyon.
Habang iniisip niya ito, lalo siyang namumuhi. Parte ng problema niya si Wushuang.
Galit na tinitigan niya ito at nagbanta, "Ikaw ang nagdala kay Xia Xinghe, ang salot na ito sa buhay natin kaya ikaw ang bahala sa kanya! Kung hindi, maupo ka dito at maghintay na iburol kasama ng Chui Corps!"
Matapos noon, tumalikod na siya para umalis. Mayroon pang nalalabing oras, kailangan niyang makaisip ng paraan para maisalba pa ang Chui Corps sa pagkakalugmok.
Iiwanan niya si Wushuang para ito na ang mag-asikaso kay Xia Xinghe.
Pero, pagkatapos niyang maresolbahan ang krisis, gagawa siya ng paraan para tapusin silang lahat.
Walang nanakit kay Chui Ming ang nakakaligtas!
Ang banta ni Chui Ming ay nagdala ng takot kay Wushuang.
Subalit mas nag-aalala siya na si Xia Xinghe ay makakapagdala ng ganitong panganib sa kanila…
Paano nga iyon naging posible? Sigurado siya na dati ay tatanga-tanga si Xia Xinghe na hindi nakatapos ng kanyang kurso sa unibersidad. Kaya, ano ba talaga ang totoong nangyari?
Siguro ay itinago nito ang tunay na sarili sa kanila noon pa man? Kung hindi ay paano nito perpektong naitago ang pagiging hacker?
Dapat ay pinatay ko na siya noong nagkaroon ako ng pagkakataon. Kasalanan koi to sa pagiging maawain sa kanya.
Kung ginawa koi to noon, hindi na sana ako nagkaproblema ng ganito ngayon!
Ngayong tila punyal na nakatutok sa kanilang leeg si Xinghe, wala ng iba pang pagpipilian si Wushuang kung hindi ituloy ang kanyang plano.
Isang nakakamatay na kalupitan ang saglit na nakita sa mga mata ni Wushuang.
Xia Xinghe, pinilit mo ako! Kaya huwag mo akong sisisihin kung mapapatay na kita!
Nilinis ni Wushuang ang kanyang sarili at nagmadali na para pag-usapan nila ni Wu Ron gang kanilang plano.
Nasorpresa din si Wu Rong nang marinig ang balita.
"Ginawa ni Xia Xinghe ang alin? Kung napakatalentado niya, bakit hinayaan niya na malugmok ang sarili sa nakakaawang sitwasyon ilang taon na ang nakaraan?"