Iyon ay mabilis at mahabang pagbaba. Hindi pa ito nangyari dati!
Ang pagbaba ng mga stocks ng Chui Corps ay masasabing nagpagulat sa buong bansa.
Wala ng magawa si Chui Ming para pigilan ang pagbaba. Sa loob lamang ng isang oras, nakaranas ng malaking ikinalugi na hindi na mababawi pa ang Chui Corps.
Kapag nagpatuloy pa ito, mag-aanunsiyo na ng pagkabangkarote ang Chui Corps makalipas ang dalawang araw.
Napasalampak sa sahig si Chui Ming sa sobrang kalungkutan habang pinapanood ang mga pangyayaring ito. Masyado siyang nabigla sa mga nangyari.
Maski ang grupo ni Xinghe ay hindi ito inaasahang mangyari.
Nawakasan ang Chui Corps ng wala pa silang direktang ginagawa.
Napapalatak si Xia Zhi, "Mabuti nga sa kanya! Marami nang ginawang kaaway si Chui Ming sa mga nakalipas na taon. Lahat ay gusto na mamatay siya, kaya paano nila hahayaan ang mahalagang pagkakataon na ito na durugin siya? Kahit ang mga tao ay nasa panig natin! Tapos na ang lahat para kay Chui Ming at tapos na din si Xia Wushuang at kay Wu Rong din!"
Mababakas din ang kasiyahan kay Xiao Mo.
Namumula ang kanyang mga mata sanhi ng emosyon. "Totoo ba ito? Ito na ang katapusan ni Chui Ming…"
Noong isang linggo, hindi man niya naisip na makukuha ni Chui Ming ang ganting nararapat sa kanya. Ngayong nangyari na nga ito, pakiramdam niya ay nananaginip siya.
Ito na nga kaya ang katapusan para kay Chui Ming?
Narinig na kaya ng Diyos ang aking mga panalangin?
Walang makakaintindi ng mga emosyong nararamdaman ni Xiao Mo dahil walang nakaranas ng mga nangyari ng tulad ng sa kanya. Pero, hindi pa ito sapat, para sa kanya, mas masahol pa ang nararapat kay Chui Ming!
Misteryosong napakomento si Xinghe, "Ang weird lang. . ."
"Ano'ng ibig mong sabihin, ate?" Tanong ni Xia Zhi.
"Hindi dapat bumagsak ng ganito ang stocks ng Chui Corps."
Tumawa si Xia Zhi. "Ate, ito ang natural na balik ng mga bagay. Ang mga masasamang gawain ay pagbabayaran din. Sa dami ng masasamang ginawa ni Chui Ming, hindi na ako magtataka kahit mamatay pa siya."
Tama naman siya. Bakit ba mag-aalala sila para sa kapakanan ni Chui Ming?
Pero, hindi pa rin maialis ni Xinghe ang pakiramdam na mayroong nagmamanipula ng lahat sa likod ng eksena kung hindi ay hindi mabilis na babagsak ang mga stocks ng Chui Corps.
Hindi na niya ito pinag-isipan pa at hindi rin niya naisip ang posibilidad na si Xi Mubai ang may pakana nito.
"Ikaw ang may gawa nito, tama?" Tanong ni Junting kay Mubai sa telepono, "Ang pagbagsak ng mga stocks ng Chui Corps ay masyadong biglaan. Iilan lamang ang mga tao sa bansang ito na kayang makaimpluwensiya dito."
Deretsong sumagot si Mubai, "Maraming kaaway si Chui Ming, ito lamang ang repleksyon ng kagustuhan ng publiko."
"Kahit na, hindi pa din nito maipapaliwanag ang agarang pagbagsak. Sige, huwag mo na ngang sabihin sa akin pero alam ko na may kinalaman ka dito," sabi ni Junting na may bahid ng saya sa boses niya. Hindi siya naaawa sa pagbagsak ng Chui Corps. Ang totoo, masaya siya dahil dito.
Ngumiti si Mubai. Hindi siya umamin o tumanggi.
Ngunit, mababanaag na may bahid ng kalamigan ang kanyang maiitim na mga mata.
Ang mga hindi nakakakilala ng maigi kay Mubai ay maiisip na isa siyang tunay na maginoo, pero ang mga malalapit na kaibigan niya ay alam na kaya niyang maging malupit kung nanaisin niya.
Nang sa kanyang pakikialam, wala ng pagkakataon kay Chui Ming na makabalik pa.
"Pero bakit mo tinarget si Chui Ming? Dahil ba ito kay Miss Xia?" Tanong ni Junting. Ito ang talagang gusto niyang usisain.
"Hindi ito ang linya para sa mga nagtatanong. Ibababa ko na ito." At pinutol na ni Mubai ang tawag ng hindi nagbibigay ng sagot. Napapamura sa inis si Junting sa kabilang linya ng telepono.
Paano niya binaba na lang ng ganoon kung kailan naman interesante na ang lahat? Hindi ba o para kay Xia Xinghe kung kaya niya tinarget si Chui Ming?
Pero bakit nga ba niya gagawin ito para sa dati niyang asawa?
Nag-iisip na napakamot sa kanyang baba si Junting. Mukhang may nalaman siyang hindi kapani-paniwalang sikreto…
Hindi umuwi sa bahay si Chui Ming ng buong magdamag.
Natulog si Wushuang hanggang hapon ng kinabukasan. Humihikab pa siya habang bumababa sa hagdanan patungo sa sala. Nagtanong siya sa dumadaang katulong, "Hindi pa ba umuuwi ang master?"
"Opo, madam, hindi pa rin ho umuuwi ang master," sagot ng katulong.