Natulala si Xia Zhi.
Hindi niya akalaing napakahusay ni XInghe sa programming…
Mayroong nag-uudyok sa kanya na tanungin siya kung paano siya humusay bigla pero pinigilan niya ang sarili para hindi masira ang pokus ng ate niya sa ginagawa ng trabaho.
Tahimik siyang nakatayo at pinagmamasdan siya na nagtatrabaho. Nahihirapan na siyang huminahon sa nakikita…
45 minuto!
Natapos ni Xinghe ng wala pang isang oras ang pagtapos sa program.
Minasahe niya ang kanyang mga kamay, bumuntung-hininga, at hinarap si Xia Zhi para lamang makita ang nagtataka nitong mga mata.
Ibinalik na ni Xinge ang laptop nito. "Tingin ko ay natapos ko na iyon. Subukan mo nga at baka may mga pagkakamali. Kapag ayos na ito, i-send mo na ito sa iyong senior at hingin mo na ang bayad."
"Huh? O…okay…" natutulirong tinanggap ni Xia Zhi ang laptop habang nakatitig sa kanya. Naghihintay siya ng paliwanag.
Si Xinghe naman ay masyadong napagod para mapansin ang kakaibang ikinikilos ng kapatid.
Masakit na ang kanyang mga mata gawa ng matagal na pagkakatitig sa screen at nakadagdag iyon sa sakit ng kanyang ulo…
Bumagsak na si XInghe sa kama, ipinikit ang kanyang mga mata, at… nakatulog ng mahimbing!
Lahat ng pagpipigil sa sarili ay nagawa na ni Xia Zhi huwag lamang yugyugin at gising ang natutulog niyang ate.
Sis, paki-paliwanag nga muna ang nangyayari bago ka managinip! Saan mo natutunan ang kahanga-hangang skills mo sa programming?
Nanggigigil siya na masagot ang kanyang mga katanungan, pero hindi niya gustong gisingin ang kanyang ate.
Ang tangi niyang magagawa ay sikilin ang kanyang pag-uusisa hanggang sa ito ay magising.
Dalawang oras ang nakalipas ng magising si Xinghe, at ang paghihintay na iyon ay parang torture kay Xia Zhi.
Pagmulat na pagmulat ni Xinghe, nahimasmasan siya ng malamang nakatingin siya sa nakatitig na mga mata ni Xia Zhi na puno ng mga tanong at pag-uusisa.
Nagulantang si Xinghe, "Ano ang tinitingnan mo?"
Agad namang sumagot si Xia Zhi, "Gusto mo bang kumain ng mangga, ate? Ibibili kita."
"Mangga?", napasimangot na tanong ni Xinghe.
"Yup, paborito mong prutas, 'di ba? Gusto mo ba?" masigasig na sabi ni Xia Zhi.
Pinilit ni Xinghe na mapaupo sa hinihigaan gamit ang bedframe bilang suporta at nagtatanong na tinitigan si Xia Zhi.
Tumitig din si Xia Zhi, kinakabahang hinihintay ang sagot niya.
Naningkit ang mga mata ni Xinghe. "Ano ang pinaplano mo, Xia Zhi? Alam mo na allergic ako sa mangga."
Ginagap ni Xia Zhi ang mga kamay niya, napapaluha ang mga mata. "Ikaw nga, ate! Natatandaan mo ba na iniligtas mo ako sa pagkakalunod noong limang taon gulang ako?"
"High ka ba? Hindi natin kilala ang isa't isa noong limang taon ka pa lang."
"Sis, it is you!", mangiyak-ngiyak sa kasiyahan si Xia Zhi. "Akala ko namatay ka na at yung katawan mo ay may ibang kaluluwang sumanib katulad noong sa mga nababasa kong reincarnation-themed web novels. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa loob ng lumipas na dalawang oras."
Nag-uusisang tinitigan siya ni Xinghe. "Ano ba ang pinagsasabi mo?"
"Alam mo yun, yung namatay yung kaluluwa mo, tapos yung katawan mo naging host para sa kaluluwa ng ibang tao… yung ganoong pangyayari."
"Akala mo hindi na ako yung dating Xia Xinghe?"
Tumango si Xia Zhi habang ito ay napangiti. "Masisisi mo ba ako? Bigla kang humusay sa programming pagkatapos ng car accident. Hindi ba madalas ganoon ang plot sa mga nobelang iyon? Takut na takot nga ako na baka ibang tao ka na. Mabuti na lang ikaw pa din yung original!"
Natigagal si Xinghe.
Pero hindi pa din niya masisisi si Xia Zhi sa naisip nito, dahil hindi niya naipakita dito ang kanyang programming talent.