Sinabi niya ito ng malakas at malinaw.
Hayagang hinahamon at pinapahiya ni Xinghe si Chui Ming!
Mabilis na dumilim ang mukha ni Chui Ming.
Tuluyan ng nawala ito. Tumayo siya at malupit na sinabi, "Talo ako? Xia Xinghe, hindi ba masyado kang bilib sa sarili mo? Ang tagumpay sa kumpetisyong ito ay nangangahulugan na mas angat ka lang ng bahagya sa isang pangkaraniwang hacker pero hindi nito pinatutunayan na ang software mo ay mas mahusay pa sa Chui Corps! Ilang kakayahan lamang sa hacking ang alam mo at malakas na ang loob mong sabihin na natalo ako? Saan nanggagaling ang tiwala mo sa sarili?"
Nagalit si Xia Zh isa mapanglait na pagtatanong ni Chui Ming. "Chui Ming, ang katotohanan ay natalo ka. Hindi mawawala ang mga salita…"
"Tama siya." Itinaas ni Xinghe ang kanyang kamay para pigilan na magpatuloy si Xia Zhi.
Nagulat si Xia Zhi at bumaling sa kanya. "Ate, bakit ka sumasang-ayon sa kanya?"
Mahinahong nagpaliwanag si Xinghe. "Dahil tama nga siya. Ang kompetisyon na ito ay walang pinapatunayan maliban na lamang na isa akong mahusay na hacker. Hindi nito mapapatunayan na ang software natin ay mas mahusay kaysa sa kanila. Dahi lang kaparehong software packages ay na-hack lamang ng iisang tao. Kung gagamitin natin ito para mapatunayan ang kalidad ng software, masasabing mababaw ang antas ng resultang ito."
"Mabuti naman na alam mo iyan!" Tuya ni Chui Ming, halatang pinagtatawanan ang katangahan ni Xinghe.
Dahil siya na mismo ang umamin nito, hindi na niya masisisi pa na ipagdiinan siya nito!
"Kaya, Xia Xinghe, ang lakas ng loob mo na sabihin na kami, ang Chui Corps, ay natalo? Kung hindi mo maipapakita ang ebidensiya para patunayan ang sinasabi mo, gusto kong humingi ka ng tawad!" Wala nang pakialam pa si Chui Ming kahit na sabihin pang makitid ang utak niya. Kailangan niyang mabawi kahit kaunti ang kanyang kapangyarihan at awtoridad kahit na anong mangyari.
Isa pa, hayagan siyang hinamon ni Xinghe, hindi na niya kailangan pang magkunwari na maging magalang sa bwisit na ito.
Kailangan niyang maipaalam sa babaeng ito na hindi tama na kalabanin siya!
Hindi natinag si Xinghe. Kalmado itong nakatingin na tila ba ang tagumpay ay nasa kanyang mga kamay.
"Sinabi koi to dahil itoa ng totoo," sinabi niya ito ng payapa.
"Ha!" Nangungutyang sinabi ni Chui Ming, makikita ang kalamigan sa kanyang mga mata, "Ang katotohanan? Dahil lamang sa ikaw ang naunang naka-hack sa software namin?"
"Dahil sa resulta mula sa testing committee."
Lahat ay nagulantang.
Ang testing result ay hindi pa naman isinisiwalat, kaya paano niya malalaman agad ito?
May agam-agam na napatanong si Chui Ming, "Alam mo na ang resulta?"
"Hindi pa."
"Kung ganoon ay paano mo iyon nasabi?!" Puno ng malisya ang mga mata ni Chui Ming, at idinagdag, "Isa ka lamang maliit na hacker, kaya ang kapal ng apog mo na magsabi ng ganyan o hindi mo ba kinunsidera na ang Chui Corps ko ay karapat-dapat na katimbang mo!"
At sa kanyang pagkabigla, tumango si Xinghe. "Tama ka, hindi ko kinunsidera na kayo ay kapantay ko."
"Ikaw… Xia Xinghe, pinagbigyan na kita pero sinasagad mo ako?! Tingnan mong maigi ang iyong sarili kung hindi ay hindi na kita papalampasin!" Pagbabanta ni Chui Ming. Gusto niyang malaman ng lahat ng nasa silid na kung may mangyari kay Xinghe, kasalanan niya ito dahil ginusto niya ito.
Hindi natinag si Xinghe. Sinalubong niya ng tingin si Chui Ming habang mabagal na naglakad palapit dito. "Oh talaga? Ano ang plano mong gawin?"
"Narito ka ba para i-frame ako, ipadukot ang kapamilya ko o ipapatay mo ako?!"
Nag-aalab na ang galit ni Chui Ming sa pangungutya ni Xinghe.
Kinuyom niya ang mga kamay niya sa kanyang likuran ng mahigpit para hindi niya sugurin at pisikal na saktan ang babae.
Pero hindi pa tapos si Xinghe.
Mariing naglakad si Xinghe patungo sa VIP area, at sinabi ito sa kanyang mukha, "Chui kahit ano pa ang pangalan mo, ano pa bang panloloko at pandaraya ang alam mo maliban sa mga ito? Narito ako ngayon para sabihin sayo, na mula ngayon, ako, si Xia Xinghe, ay ipapakita sa iyo kung ano ang mga kunsekwensiya sa pagkalaban mo sa akin!"