Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 113 - Ang Pinakamagandang Bagay sa Mundo

Chapter 113 - Ang Pinakamagandang Bagay sa Mundo

Narinig ni Chui Ming ang sarkasmo sa mga salita nito.

Pakutya siyang sumagot, "Hindi pa tapos ang kumpetisyon; ang first place ay hindi pa din tiyak."

"Taman ga, maghintay na lamang tayo ng ating makita," masayang winakasan ni CEO Wang ang usapan. Maganda ang kanyang mood dahil mayroong lumitaw na nagbabanta kay Chui Ming.

Pero… kaya ba talagang manalo ng babaeng ito?

Walang makakapagsabi.

Dahil marami na ding ginawang nakakabilib na bagay si ET. Isa pa, huli nang dumating si Xinghe kaysa dito. Kahit na mahusay pa siya kaysa kay ET, mahihirapan pa din siyang humabol dito.

Pero, bakit nga ba inaasam nila na manalo ito?

Ang tagumpay ni Xinghe ay nangangahulugan ng kanilang pagkatalo pero mas masaya silang makita na magtagumpay ito.

Masasabi na sigurong isang kabiguan para sa pagiging tao si Chui Ming. Lahat ng nasa silid ay gustong makita na siya ay mabigo.

Naiintindihan ito ni Chui Ming at nagbigay ito ng karagdagang pahirap sa kanya.

Dahil hindi siya maaaring matalo sa kumpetisyong ito, dahil kung matalo nga siya… nangangahulugan ito ng game over para sa kanya!

Oo, hindi siya pupwedeng matalo!

Habang tinititigan niya si Xinghe, isang masamang balak ang namuo at nabanaag sa kanyang mga mata. Kinawayan niya ang kanyang assistant at ibinulong dito ang kanyang mga utos.

Tumango ang kanyang alalay at lumabas sa bulwagan ng hindi napapansin ng mga tao.

Ang third defense ng King Kong Internet Security ay lubhang mahigpit at mahirap lampasan pero wala pa rin sinabi ito kay Xinghe.

Ang kanyang kalmado at payapang hitsura ay naglalarawan ng kaalwanan at lakas ng tiwala sa sarili, kaya maging ang kanyang katunggali na si ET ay naimpluwensiyahan din.

Masaya si ET na nakahanap siya ng nararapat na katunggali, pero nagsimula na din siyang kabahan.

Ito ay dahil sa hindi niya inaasahan na ang third wall ng depensa ng X PC Manager ay ganito kalakas.

Ginawa na niya ang lahat ng kanyang makakaya at ibinuhos na ang lahat ng kakayanan niya rito pero nananatili itong matatag. Hindi siya umusad at nakagawa ng progreso sa loob ng nakalipas na sampung minuto.

Sa kabilang banda naman, ang kanyang karibal ay nakakahabol na sa kanya.

Ang sinumang nakakasulat ng ganito kagaling na depensa ay may magaling na pagsalakay.

Nararamdaman na ni ET sa kanyang intuwisyon na ang ikatlong depensa ng King Kong Internet Service ay malapit ng matalo.

Pero hindi niya matatanggap ang kanyang pagkatalo. Lalaban siya hanggang sa huling segundo!

Ngunit sa loob-loob niya ay hindi niya maiwasan na amining lumalaban na lamang siya ng patalo…

Hindi lamang siya ang nakaramdam nito. Lahat ng nasa loob ng silid ay nakikita na mananalo na si Xinghe!

Kahit si Mubai ay bahagyang ninenerbiyos para kay Xinghe.

Ang kanyang mahahabang daliri ay napapatapik sa kanyang mga tuhod, ang mga mata ay nakatuon kay Xinghe.

Noon niya napagtanto na ang Xinghe na nakikita niya ay mas kaakit-akit, mas kapansin-pansin kaysa sa nakita niya na dumalo sa party ni Lin Lin.

Noong party, nakasuot si Xinghe ng may perpektong make-up at damit na nagkakahalaga ng milyones.

Ngayon, ang buhok niya ay simple lamang na nakatali sa isang ponytail at suot niya ang pinakasimple na putting T-shirt at walang make-up. Sa totoo lamang, mukha pa siyang maputla at nanghihina.

Kung lohikal na usapan, ang kanyang dating hitsura ay nararapat na mas kaakit-akit kaysa sa anyo niya ngayon.

Pero, sa ilang rason, ang kasalukuyang Xinghe ay nagpapakita ng kakaibang tiwala sa sarili na nakakaagaw-pansin.

Tumitig si Mubai, na tila ba ay nahipnotismo siya kay Xinghe.

Bahagya din niyang naaamoy ang tagsibol sa ere.

Marahil ito ay ang dahilan kung bakit sinasabi nila na ang tagsibol ay ang panahon ng pag-ibig. Pakiramdam niya ay niyayakap siya ng payapang pakiramdam kaya isinara niya ang kanyang mga mata ng may ngiti.