Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 111 - Napukaw ang Kanyang Paningin

Chapter 111 - Napukaw ang Kanyang Paningin

Kahit ang kanyang dating asawa ay hindi nakuha ang kanyang interes.

Ang kasalukuyan niyang fiancé na si Chu Tianxin ay hindi rin makuha ito.

Sigurado si Junting na walang babae sa mundo ang makakakuha nito.

Masyadong mataas ang pamantayan ni Mubai pagdating sa mga babae, kakailanganin niyang magkaroon ng kakaibang kakayahan at napakaganda para makuha ang atensiyon ni Mubai.

Mayroon pa bang klaseng babae na ganoon sa mundong ito?

Naku, maliwanag niyang nararamdaman na nagpapakita ng hindi kapani-paniwalang tutok ng interes si Mubai sa babaing iyon.

Siya ay… napukaw ang kaniyang pansin.

Hindi nakarating si Junting sa birthday party ni Lin Lin kaya hindi niya nakikilala si Xinghe.

Natural lang na hindi niya maintindihan kung bakit kumakampi si Mubai kay Xinghe kahit na wala pa namang ginagawa ang huli.

Tumingin si Junting kay Xinghe. Aaminin niya, may nakakaakit na parte sa babae lalo na sa paraang nagtatrabaho ito gamit ang computer.

Pero may kaputlaang dala ng sakit ito. Ang kanyang pisikal na anyo ay hindi perpekto, pero pasado na ito.

Sa ibang salita, si Xinghe, kung titingnan ang kanyang pisikal na anyo, ay hindi nakakamangha.

Kung hindi naakit si Mubai sa pisikal na anyo ng babaeng ito, ibig sabihin ba ay interesado siya sa… talento nito?

Napahagikgik si Junting sa naisip. Ngayon ay mas sigurado na siyang si Mubai ay mamamatay ng walang alam sa pag-ibig.

Hindi naman sa hindi niya tinitingnan ang kapakanan ng kaibigan niya pero hindi niya lubus-maisip na magkakaroon ng interes si Mubai sa isang hindi kilalang babae.

Isa pa, may kasunduan na si Mubai na ikakasal. Hindi tama para sa kanya na magkaroon ng interes sa ibang babae maliban sa kanyang kasintahan.

Gayon pa man, aaminin na ni Junting na ang presensya ng babae ay humihingi ng atensiyon.

May ngiti na nagtanong si Junting, "Mubai, sa tingin mo ay mananalo siya? Pero paano nakilala ni Xia Zhi ang isang tulad niya? Pagkatapos nito, kailangan ko siyang tanungin."

"15 minuto," sagot ni Mubai.

Nalito si Junting. "Ano'ng 15 minuto?"

Ngumisi si Mubai, "15 minuto lamang ang kakailanganin niya para matalo ang King Kong Internet Security ng Chui Corps."

Napanganga si Junting. "Paano iyon naging posible?"

Sinubukan na niyang i-hack ang King Kong Internet Security at inabot siya ng ilang oras para magawa ito. Ang silid na puno ng mga hacker ay mas masahol pa sa kanya, kalahating oras na ang nakalipas pero wala pa ang nakakagawa kahit kaunti na mapasok ang King Kong Internet Security.

Kaya paano ito maka-crack ng babaeng ito sa loob ng 15 minuto?

Buong kumpiyansa pang idinagdag ni Mubai, "Kung siya nga iyong naiisip ko, iyon lamang ang oras na kailangan niya."

Pagak na tumawa si Junting, "CEO Xi, huwag kang magpaloko sa katapangan niya, hindi ibig sabihin noon ay bihasa na. Kahit ako ay humihiling din na manalo siya pero hindi posible na magawa niya ito sa loob ng 15 minuto!"

"Well, gusto mo bang gawin natin itong interesante? Sabihin mo na ang ipupusta mo. Payag akong pumusta ng kahit ano."

Ipusta… ang kahit ano?

Nagulat si Junting, ganoon na lang ang tiwala ni Junting sa babaeng ito?

Kung hindi ay bakit siya papayag na ipusta ang lahat sa tagumpay nito?

Tiningnang muli ni Junting si Xinghe, mas seryoso sa oras na ito. Sa hindi masabing rason, sa pagkakataong ito ay may nararamdaman na siyang kakaiba sa babaeng ito.

May munting tinig sa kanyang kalooban ang nagsasabi sa kanya na magiging matagumpay ang babaeng ito at magiging tanyag siya matapos ang kumpetisyon na ito!

Pero… sino ba siya? Paanong hindi niya naririnig ang tungkol dito noon pa?

Lahat ng mga bigatin at tanyag na tao sa loob ng silid ay nag-uusisa din sa pagkakakilanlan ni Xinghe pero may mas importante silang iniisip ngayon, ay kung mananalo ba siya sa kumpetisyon.

Related Books

Popular novel hashtag