Chapter 108 - Mga Emosyon

Nananaginip ba siya?

Bakit narito ang ate niya?

Hindi ba't nadetena siya sa presinto…

Kinuskos ni Xia Zhi ang kanyang mga mata at kinumpirma ang payat na pigura na nasa pintuan ay ang kanyang ate, si Xia Xinghe. Matapos umalis sa istasyon ng pulis, nagmadali siyang pumunta sa venue sa pinakamabilis na paraang posible.

Tinapunan niya ng mabilis na tingin ang higanteng TV Screen at nakahinga ng maluwag ng mapansin na hindi pa nahahack ang X PC Manager. Mabuti, mayroon pa siyang oras.

"Ate?!" Agad na itinapon ni Xia Zhi ang sarili patungo sa kanya, at tuwang nagtanong, "Ate, ikaw ba talaga yan? Paano ka napunta dito? Nakita kitang kinuha nila ng dalawang mat ako."

"Miss Xia…" Napatayo din sa upuan si Xiao Mo. Hindi din niya napansin na nanginginig ang kanyang mga kamay sa sobrang pagkabigla.

Namangha ang lahat ng nasa silid.

Nang makita ni Chui Ming si Xinghe, nag-iba ang kanyang mukha!

Hindi ba't inutusan niya ang mga tauhan na dalhin sa istasyon ng pulisya si Xinghe? Paano siya nakalabas at ano ang ginagawa niya dito?

Nag-iisip na tinitigan siyang tinitigan ni Mubai. Maski siya ay nagtataka rin.

Ang tanong na nasa isip ng lahat ay kung ano ang ginagawa ng babaeng ito rito?

Lahat ng mga kasali sa kumpetisyon na hacker ay pawang mga lalaki. Hindi sa walang babaeng hacker pero iilan lamang ang mga ito.

Sa Hacker Competition ngayong taon ay walang babaeng hacker na nakarehistro kung kaya ng may babaeng lumitaw sa venue, walang umasa na isa siya sa mga ito.

Si ET lamang ang tanging tumingin ng kakaiba kay Xinghe, na tila ba naaamoy niya ang pagkakapareho nilang dalawa.

Siya kaya ang programmer sa likod ng X PC Manager?

Masigasig na lumiwanag ang mga mata ni ET sa pag-iisip na isa itong posibilidad…

"Mapag-uusapan na natin iyan mamaya, dali, sabihin sa akin kung ano ang sitwasyon ngayon," agad na isinawalang-bahala ni Xinghe ang mga tanong ni Xia Zhi at buong kumpiyansa na tinungo ang lugar ng paligsahan.

"Ate, dito, kunin mo na ang upuan ko." Agad na sumunod si Xia Zhi at dinala siya sa kanyang upuan. Mabilisan niyang sinabi kay Xinghe ang mga pangyayari.

"Ate, ang software natin ay kinakaya pa pero ang hacker na iyan, si ET ay nagawa ng matalo ang dalawa sa ating mga depensa. Ako at si Brother Xiao ay nagawa lamang na mapahina ang unang layer ng depensa ng King Kong Internet Security."

Tumuro si Xia Zhi sa lalaking nakasuot ng itim na cap na nasa kabilang ibayo. Tumingin si Xinghe sa direksyong iyon at napansing nasalubong niya ang tingin ni ET.

Mabilis lamang ang tinginang ito pero isang hamon ang naibigay at natanggap. Naging personalan na ang paligsahang ito.

"Gaano niya katagal ito nagawa?" Madaling tanong ni Xinghe.

Napabuntung-hininga si Xia Zhi bago ito sagutin. "Hindi pa hihigit sa total na 20 minuto."

"Hindi na masama, talentado nga siya," puri ni Xinghe. 'Kung 20 minuto lamang ang ginamit niya para matalo ang unang dalawang depensa ng X PC Manager, kapuri-puri talaga siya.'

Ngunit, sa mga mata ni Xinghe, ang ganitong galing ay para lamang madaling gawin.

Nalito si Xia Zhi. Nag-aalala siyang nagtanong, "Ate, tingin mo din ay magaling siya?"

"Oo, magaling din siya."

"Pero, ano ang gagawin natin? Sinisimulan na niya ang ikatlo sa ating mga depensa!"

Matatalo sila kapag napagtagumpayang ma-hack ni ET ang huling linya ng depensa na ito.

Hindi naman natinag si Xinghe. Ang ikatlong layer na ito ay hindi madaling mapasok.

May oras pa siya, maraming oras sa madaling salita.

"Miss Xia, pakiusap, magsimula ka na magtrabaho," pangmamadali ni Xiao Mo. Nag-aalala siya na baka hindi na sila makahabol pa.

"Walang dahilan para magmadali," komento ni Xinghe habang tumingin siya sa VIP area. Nanlamig si Chui Ming ng maramdaman ang malamig na titig ni Xinghe sa kanya.

Sa 'di masabing rason, pakiramdam niya ang biglaang paglitaw ni Xinghe ay nagbabadya ng pagdating ng unos.

Lalo lamang tumindi ang pakiramdam na ito ng magtagpo ang kanilang mga mata, at ang sumunod na segundo ay nakita niyang itinuturo siya ni Xinghe…