Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 109 - Isang Opisyal na Digmaan laban sa Chui Corps

Chapter 109 - Isang Opisyal na Digmaan laban sa Chui Corps

Ang malaharing presensiya ni Xinghe ang nagpatahimik sa buong silid. Tinitigan niya ng matalim si Chui Ming na nasa dulo ng kanyang daliri.

Nakuha niya ang atensiyon ng lahat ng nasa silid.

Nagtaka sila kung ano ang gagawin ni Xinghe. Kung ano man ito, alam nilang hindi siya naroroon para makipagkaibigan.

Tama sila na may galit nga si Xinghe pero ang nag-iisang target niya ay si Chui Ming!

"Chui Ming!" Pinagdiinan ni Xinghe ang bawat salita, "Ginamit mo na ang lahat ng mga kasuklam-suklam na bagay para madiin ako pero sa kasamaang-palad para sa iyo ngayon; ako, si Xia Xinghe, ay nakatayo pa rin! Kaya naman, gusto kong makinig ka ng maigi, dahil mula sa pagkakataong ito, ay ang opisyal na digmaan laban sa ating dalawa. Ipapakita ko sa buong mundo ngayon bakit sinasabi nilang ang mga kontrabida ay palaging masama ang nagiging wakas!"

Matapos noon, ay hindi na pinansin ni Xinghe ang tingin ng mga tao sa kanya at nagsimula ng magtrabaho sa computer.

Hiniling ng mga tao na sana ay kasing kalmado sila nito.

Ang mga bagay na sinabi at ginawa ni Xinghe ang nagbigay ng malaking palaisipan sa buong silid!

Ano ba ang nangyayari?

Ang katotohanan na may isang babae na nahulog na lamang mula sa langit ay naglakas loob na bastusin si Chui Ming ay napakahirap para sa kanilang intindihin, pero ngayon nagkukutingting siya sa computer?

Isa ba talaga siyang hacker?

Seryoso ba siyang pataubin ang security software ng Chui Corps?

Ang ideyang ito ay isang kalokohan.

Ang King Kong Internet Security ng Chui Corps ay hindi matalu-talo.

Kung madali lang itong gawin, ang mga lalaki sa kumpetisyon ay matagal na sanang nahack ito!

Paano magagawa ng isang babae ang isang bagay na hindi magawa ng mga lalaki dito?!

Pero nagbabago na ang panahon. Siguro ang detalyadong ugali ng mga babae ay mas nararapat para sa hacking. Ngunit, ang tunay na susi ay kung magagawa niya ito sa maikling oras na mayroon siya!

Kung titingnan ang mga bagay-bagay, parte pala siya ng kumpanya na gumawa ng X PC Manager.

Maha-hack nga kaya niya ang King Kong Internet Security bago matalo ang kanilang X PC Manager?

Halos lahat ng naroroon ay pumupusta ng laban sa kanya, pero nag-aalala din sila para sa kanya. Hayagang sinalungat ni Xinghe si Chui Ming, kapag nabigo siya, hindi magiging maganda ang kanyang katapusan.

Gayon pa man, ang lahat ng kalalakihan sa silid na iyon ay may hindi matatawarang paghanga sa kanya.

Ang kanyang tapang na harapin si Chui Ming ay kapuri-puri.

Dahil si Chui Ming ay wala sa silid ng mga kakampi. Wala ni isa man sa mga naroroon ay magiliw sa kanya.

Kaya naman marami ang lihim na natuwa noong nagdeklara ng giyera si Xinghe laban kay Chui Ming. Ang totoo, marami ang lihim na kumakampi sa kanya.

Hindi nila alintana na natalo ang kanilang produkto laban sa X PC Manager, ang importanteng bagay ay ang matalo ang King Kong Internet Security!

Hindi pa nagkaroon ng ganitong adrenaline rush sa mga nakalipas na panahon si CEO Wong.

At sa sandaling ito, nakaramdam siya ng ibayong kasiyahan. Ang ere sa loob ng silid ay punung-puno ng antisipasyon, hindi na siya makahintay na mabunyag ang resulta ng kumpetisyon.

Sa hindi malamang rason, mayroon siyang pakiramdam na ang babaeng ito ay makakagawa ng isang himala at matatalo niya ang Chui Corps.

Nanalangin siya na maging tama sana ang kanyang kutob.

Nagnakaw ng tingin si CEO Wang kay Chui Ming at nagulat siya sa galit na galit na mukha nito. Tinititigan nito si Xinghe na parang baliw na tinitingnan ang susunod niyang bibiktimahin.

Walang duda, may ginawa ang babae para magalit ng husto si Chui Ming.

Kung hindi siya mananalo sa kumpetisyong ito, ang kapalaran niya ay… hindi na naglakas-loob pa si CEO Wong na isipin pa ang mangyayari, puno ng sinseridad na lamang siyang nanalangin para sa tagumpay ng babae.

Nasa gitna siya ng tagumpay at trahedya.

Iyon din ang iniisip ni Junting.

Napakunot-noo siya at seryosong nagkumento, "Sino ang babaeng iyon, pakiramdam ko ay nakita ko na siya dati. Ano nga kaya ang hidwaan nila ni Chui Ming kaya hayagan niya itong hinamon? Hindi ba niya alam na hindi ito matalinong hakbang, kung ikukunsidera kung sino ang makakalaban niya?"

Napako na ang mga mata ni Mubai kay Xinghe sa oras na bigla itong lumitaw.

Tumibok ang kanyang puso ng makita niya kung paano kumilos ng maigi ang mga daliri ni Xinghe sa keyboard.