Sa pagkakataong iyon, ang pintuan ay sinipa pabukas. "Itigil iyan!" Nakita ni Chang An ang gagawin ni Wushuang, kaya nagmadali itong pumasok at itinulak ito palayo.
Lumipad si Wushuang papunta sa pader at nakakita siya ng bituin sa pagkahilo.
"Lahat kayo, itigil ito, ano ang nangyayari dito?!" Ang hepe ng pulisya ay pumasok matapos suriin ni Chang An ang silid at nagtanong ng may awtoridad.
Nang makita ng dalawang pulis ang biglang pagpasok ng mga tao, lalo na ng hepe, agad na nagbago ang kanilang mga mukha. Binitawan nila si Xinghe at agad na lumayo sa kanya.
Ngayong wala na ang mga lalaking nakahawak sa kanya, ang nanghihinang katawan ni Xinghe ay bumagsak sa sahig.
"Miss Xia!" Mabuti na lamang at nasalo siya ni Chang An sa ere at nag-aalalang nagtanong, "Ayos ka lang ba?"
Pinakalma ni Xinghe ang kanyang paghinga, at nagsumikap na tumayo sa tulong ni Chang An at mapayapang sumagot, "Ayos lang ako."
Ngunit, para kay Wushuang at Wu Rong, naramdaman nilang hindi ayos ang mga bagay para sa kanila!
Dahil sa madaming dagdag na mga saksi, mababago ang kanilang plano.
"Mabuti at narito na kayo. Inakusahan kami ng walang basehan ni Xia Xinghe na nagdulot ng malaking pinsala sa Chui Corps. Ikulong na ninyo siya agad. Kami, ang Chui Corps, ay gagamitin ang lahat para makasuhan siya ng libelo!"
Pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita, isang sampal ang dumapo sa kanyang pisngi.
Natigilan si Wushuang, naramdaman niyang nag-init ang kanyang mukha.
Hawak ang parte ng mukha niyang nasampal, litong tiningnan ni Wushuang si Xinghe.
"Puny*ta ka, ang lakas ng loob mong sampalin ako! Papatayin kita!"
Tila nababaliw na pilit inaabot ni Wushuang si Xinghe pero nahawakan ni Xinghe ang kanyang braso at itinulak ito ng malakas. Napatumba sa sahig si Wushuang, napilayan ang kanyang sakong dahil sa suot niyang heels na masyadong mataas. Napahiyaw siya sa sakit.
"Wushuang!" Agad na lumapit si Wu Rong para tulungan ang anak, at nagtanong ng may pag-aaruga, "Ang pinakamamahal kong anak, ayos ka lang ba?"
"Mom, gusto ko siyang patayin, kailangan ko siyang patayin…" nagpupumilit tumayo si Wushuang pero dahil sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang mga sakong, patuloy ang kanyang pagdulas sa mga bisig ni Wu Rong.
Nakita ng hepe na hindi na nagiging maayos ang sitwasyon kaya ito ay sumigaw, "Ito ang istasyon ng pulisya! Ang sinumang gagawa ng mali ay paparusahan ng batas!"
"Hindi mo ba nakita kung paano sinaktan ng babaeng iyan ang anak ko? Hahayaan na lamang ninyong makalaya iyan?!" Sigaw ni Wu Rong tulad ng isang bababaliw na babae.
"Paano naman ang mga bagay na ginawa ninyo kay Miss Xia?" Galit na sawata ng hepe. Para maging patas, hindi naman talaga kumakampi ang hepe kay Xinghe. Dahil siya ang nagbigay pahintulot na gawin ng mga tauhan niya iyon kay Xinghe.
Kaya naman, halos matae siya sa kanyang salawal ng biglang lumitaw si Chang An sa kanyang presinto. Hindi niya inaasahan na ipapadala ni Xi Mubai ang kanyang tauhan para piyansahan si Xia Xinghe at pilitin siyang palayain ito.
Hindi niya akalain na mahalaga kay CEO Xi ang hindi kilalang babae na ito. Kung may mangyari man kay Xinghe, bilang na ang oras niya para maging hepe.
Ngunit, walang alam sina Wushuang at Wu Rong sa pag-aalala ng hepe ng mga pulis.
Akala nila ay nasa ilalim pa din ng kanilang kapangyarihan ang buong istasyon ng pulisya.
Nakatindig na din sa wakas si Wushuang. Gamit ang kanyang huling lakas, sinugod niya si Xinghe. Hindi siya papayag na mapahiya pang muli!
Nakita ito ni Xinghe at mabilis na umalis sa direksyon nito. Nagmintis si Wushuang at napasalampak ito sa sahig.
"Wushuang…" tumakbo si Wu Rong sa tabi ng kanyang anak, ang mukha niya ay putlang-putla.
"Wala bang nakakarinig sa akin? Men, pumasok kayo dito at paghiwalayin sila! Posasan ang sinumang tatanggi na sumunod!" Utos ng hepe. Naging mapayapa din ang silid matapos na mapaghiwalay ng mga pulis ang dalawang magkasalungat na partido.
Kalmado na si Wushuang ng panahong iyon. Sa tulong ni Wu Rong, nakatayo na din siya ng maayos. Ang tinging ipinupukol niya kay Xinghe ay punung-puno ng lason.