Kinbukasan.
Nasa ulo ng balita na naman si Gong Xu.
Ang pinakasikat na paksa na trending ay #Gong Xu's repertiore of bad acting#.
Halata na isa itong plano na pag-atake para siraan si Gong Xu pati na din ang tsansang paghila pababa sa pelikula ni Ye Wan Wan, A Life and Death STruggle, sa paghula na masisira ito dahil kay Gong Xu.
Simula nang ibunyag ni Ye Wan Wan ang totoong personalidad ni Gong Xu, wala nang makakapaghuwad ng mga tsismis sa kanya. Para sa pag-arte niya naman… hanggang ngayon, kahit si Ye Wan Wan ay hindi siya kayang tulungan...
Isang idolo si Han Xian Yu na may abilidad at halos perpekto na. Si Luo Chen, na kasabay niyang magdebu, ay nakapag-arte na sa Terrifying Dragon ni Direktor Song Jin at muli sa Terrifying Dragon 2, na nakapagpatunay na may tunay siyang talento.
Si Gong Xu lang ang hindi nakatakas sa titulo niya "saro ng bulaklak".
Kahit na karamihan ng mga artista ay nakaasa sa panlabas nilang anyo at walang tunay na kakayahan, sobrang panget ng pag-arte ni Gong Xu at masyado siyang nalantad. Kung magiging totoo ang isang tao, sobrang panget ng pag-arte niya na maaalala ang sinumang manood nito. Sobrang panget ng kanyang pag-arte na walang makakagkumpitensya sa kanya sa industriya para sa pinakapanget na pag-arte.
Kung babanggitin ng isang tao ang panget na pag-arte, unang iisipin agad ng tao ay si Gong Xu.
Tinitignan ni Ye Wan Wan ang mga forum habang nanonood ng trending na video na palihim pinapanood ni Jiaojiao. Isang video na nakalista sa mga clip ni Gong Xu sa panget na drama.
Ang batang ito… hindi ba kakaiba ang panlasa niya...
Gusto niya ang trahedya at dramatikong eksena. At bilang resulta, naging paborito niya ang mga eksena ni Gong Xu...
Bukod sa mga paninira kay Gong Xu, may isa ding post mula sa Weibo ni Gong Xu ilang oras pa lamang ang nakalipas.
[P*ta! Alam niyo lag siraan ako uong araw. Panget ang pg-arte ko? Dahil sa wala akong pakialam! Kung magiging seryoso ako, matatakot ako sa sarili ko! Hindi ba pag-arte lang? Hindi ba abilidad lang? Sa susunod kong pelikula, mananalo ako ng Golden Orchid para sa Best Actor at ibabato ko 'yon sa mga mukha niyo! Kung hindi ko kayang gawin iyon, gagawa ako ng livestream na kumakain ng tae kasama si Luo Chen! Isang sumpa 'tong post ko at hinding-hindi ko ito buburahin!]
Mas sumakit ang ulo ni Ye Wan Wan sa nakitang Weibo post.
Gong Xu, ang batang 'to, kailangan lagi gumawa ng gulo...
Ang pangunahing punto ay, kung kakain ka ng tae, sige. Anong ginagawa mo mo at dinadamay mo si Luo Chen dito?
Nang napost ito ni Gong Xu, agad na binaha ang comment section...
[P*ta hahahaha! Anong nakita ko?! May problema ata sa Weibo, talagang sinasabi ni Gong Xu na mananalo siyang Best Actor!]
[Ito na yata ang malaking biro na narinig ko buong taon! Mukang nabaliw na si Gong Xu, 'di ba? Paano niya nasasabi ang ganitong bagay? Hindi ba dapat mas alam niya kung gaano kapanget ang pag-arte niya?!]
[Hindi ba ang pangunahing punto… bakit idadamay ni Gong Xu si Luo Chen sa pagkain ng tae kasama siya?]
[Hahaha, kahit na masyadong bulwak siya, bakit bigla kong naisip na ang cute ni Gong Xu?]
…
Mabuti na ang relasyon ni Gong Xu sa kanyang mga tagahanga ay hindi na masama. Bukod sa mga panget na komento, ang iba naman ay mahabag na pagbiro. Kahit na ang mga CP na tagahanga nila Luo Chen at Gong Xu ay sumama na sa saya, na nagkontrol sa buong atmospera.
Kakatapos lang ni Ye Wan Wan sa pagsuri ng mga forum ng tumunog ang kanyang telepono.
Tumatawag sa kanya si Dong Zai. "Ye-ge, tapos na. May ginawang gulo na nman si Gong Xu…"
Nanghimutok si Ye Wan Wan. "Alam ko. Nakita ko na."
"Pasensya na, Ye-ge. Hindi ko siya napigilan… Ye-ge, ano nang gagawin natin?! Mas gugustuhin pang mamatay ni Xu-ge kaysa burahin ang post. Talaga bang gagawin niya ang livestream kung saan kakain siya ng…"
Tumawa si Ye Wan Wan. "Huwag kang masyadong pesimista. Malay mo, talagang manalo si Gong Xu ng Best Actor?"
Para bang gustong umiyak ni Dong Zai mula sa kabilang linya. "Ye-ge, 'wag kang magbiro ng ganyan…"
Hindi ba dapat mas alam ko kung anong pag-arte ang kaya ng artista ko?