Ng gabing iyon, sa isang lokasyon ng pinagkukuhanan ng A Life ang Death Struggle.
Isang grupo ng mga tao ang kinakabahang kumukuha ng eksena ng isang malakas na ingay ang dumating mula sa saradong entrance.
Tinanong ni Ye Mu Fan ang kasamahan niya, "anong nangyayari?"
Nagtinginan ang mga empleyado bago sumagot, "tila baga parang may ilang fans ang nagpupumilit na pumasok at hinaharangan sila ng mga security guards. Dahil dito, nagsimula silang magalit sa amin at nagdulot ng gulo…"
Nagpunta patungo sa ingay si Ye Mu Fan at nakita ang ilang pamilyar na mga mukha.
Nagdilim ang itsura ni Ye Mu Fan. "Hindi mga fans ang mga taong ito…"
Nakilala niya ang mga taong ito bilang mga tauhan ni Old Three Zhang.
Malinaw na nandoon ang mga taong ito upang magdulot ng kaguluhan!
Ang insidenteng ito ay madalas na nangyayari sa industriya ng entertainment. Laging kumukuha ang kalaban ng ibang tao upang manggulo sa wala at gumawa ng gulo sa mga bagay bagay.
Ang ginastos na kanilang binayaran upang rentahan ang kanilang film location ay may bayad sa umaga. Kapag sila at delayed sa filming ng isang araw, hindi lamang extra fee ang kanilang binabayaran, ngunit delay din ang completion date ng kanilang film at maaring mawala din ang best date para sa screening. Kapag nangyari iyon, hindi masusukat ang pagkalugi.
Hindi karaniwang inaabala ng mga tao ang malalaking kumpanya pero ang maliit na kumpanya tulad nila ay madalas na humarap sa ganitong klaseng senaryo.
Naglakad papalapit si Ye Mu Fan. "Zhang-ge, gaano ka kalibre ngayon para bumisita? Ano kung humanap tayo ng isang lugar at umupo para makapag usap?"
Kung mayroong kwarto para sa pag-uusap at kung ang maayos lang pera ang isyu, mas magiging maayos ito...
Tumawa si Old Three Zhang at direktang sumagot, "walang dapat pag-usapan! Kaya umalis na kayo!"
"Ikaw…" biglang nagbago ang itsura ni Ye Mu Fan.
Matapos sabihin iyon ni Old Three Zhang, umupo siya sa isang malapit na upuan. "Ilabas ninyo ang batang si Gong Xu na iyan para makita ako!"
Nagpakita ng ilang hinala si Ye Mu Fan saka siya nagbigay ng utos sa assistant ni Gong Xu, Dong Zai. "Tgnan tignan mo si Gong Xu at huwag mo siyang palalabasin!"
Kapag nasaktan ang pangunahing artista, hindi na magagawang makapag-film ng pelikula.
Kakausapin sana ni Ye Mu Fan si Old Three Zhang ng biglang tumunog ang kanyang telepono. Tumatawag si Ye Wan Wan.
"Hey, Ye Wan Wan…" Tumabi si Ye Mu Fan.
"Hey bro, ngayon, ako…" magsasalita na sana si Ye Wan Wan ng marining niya ang isang malakas na tunog sa kanyang telepono mula sa panig ni Ye Mu Fan at mabilis na nag tanong, "anong nangyayar sa panig ninyo? Bakit ang ingay?"
"Wala lang ito." nanunuod si Ye Mu Fan habang hinahanda ng mga tao ang kanilang mga makina at nagmamadaling naglakad palayo. Sinubukan niyang baguhin ang usapan. "Anong gusto mong kausapin ako ngayon?"
"May dumatin ba upang manggulo?" kalmadong tanong ni Ye Wan Wan.
Iniisip lang niya ang mga bagay kahapon at hindi inaakala na may darating ngayon.
"Bro, huwag ka magmadali. Siguraduhin mong nakaalis na ang mga artista, lalo na si Gong Xu. wala siyang pasensya, kaya kailangan mo siyang pigilan at iwasang siyang gumawa ng kahit anong kapusukan. Tatawag ako agad ng tao para tumulong," kaagad na sinabi ni Ye Wan Wan.
"People? Sino ang tatanungin mo?" simangot ni Ye Mu Fan.
"Nagkataon, may kilala akong ilang mga master. Subukan mo munang panatilihin ang sitwasyon. Tatawagan ko kaagad sila."
Ye Mu Fan: "Masters? Wan Wan, marahil hindi mo ala, pero ang mga tao ni Old Three Zhang ay karamihan mga Chinese boxers at hindi kayang pigilan ng ordinaryong tao. Hindi nabanggit ang impluwensya ni Old Three Zhang sa industriya.
"Bro, alam ko ang limitasyon ko. Subukan mo lang panatilihin muna ang mga bagay-bagay at huwag kang mapusok."
Nagbigay ng isa pang babala si Ye Wan Wan kay Ye Mu Fan bago mabilis na ibaba.
Sa Little Rose Garden, tinawag ni Ye Wan Wan ang grupo ng lima.
Ye Wan Wan: "May isang bagay na kailangan ko sa inyo upang pakitunguhan."
Tahimik na nagpakita ang grupo. "Master, kahit ano man iyon, pakiusap ibigay ninyo sa amin ang utos."
"May mga taong sinu-subukang mag dulot ng gulo sa production side at kailangan nila ng backup," sagot ni Ye Wan Wan.
Inisip niyang mabuti kung sino ang pinaka-akma sa trabaho...