Chapter 979 - Aesthetic gap

Matapos mag salita ni Xie Zhezhi, hindi nagbago ang itsura ni Si Ye Han kahit kaunti at sumagot, "patay na siya."

Ng makitang hindi siya magaling umamin sa kahit ano, napa-kibit balikat na lang si Xie Zhezhi at iniwang hindi nasasabi ang mga bagay-bagay.

"Hey hey hey, anong sikreto ang pinag-uusapan ninyong dalawa? Xie Zhezh alam ko sa simula palang na sinusubukan mong agawin ang 9th brother! Paghihimutok ni Lin Que. "anong klaseng sikreto ang tinatago ninyo at bakit ninyo ito tinatago sa akin?! At anong meron sa batang iyon?"

Tumingin si Xie Zhezhi kay Lin Que. "May tinutulungang tao si Little Ye para alagaan ang batang iyan ng mga ilang araw. Ang iyong 9th brother ay pansamantlang ama lang."

Tumingin si Lin Que na para ba ang mundo ay bumaligtad. "Tang*na, hindi ba sobra na iyon? Hinahayaan lang ng 9th brother na gawin ang gusto niya?"

Bahagyang ngumiti si Xie Zhezhi. "Si 9th brother ba ang kasintahan niya o ikaw?"

"Hindi ko sinabi iyan noon, ngunit ang puwang sa aesthetic ng 9th brother ay masyadong malaki…" bulong ni Lin Que saka siya biglang may naalala. Huminto muna siya bago magpatuloy, "noong nakaraang buwan… ang ranggo ng demon's martial arts sa Scarlet Flames Academy ay nakuha…"

Nananatiling kalmado ang tingin ni Si Ye Han kahit na marinig niya ang mga sinabi ni Lin Que.

"Laging mayroong bagong talent kada henerasyon, lalo na sa ganitong uri ng kapaligiran. Sa kahit anong record, laging mayroong araw kung kailan may makakasira dito." sagot ni Xie Zhezhi.

Nagpakita ng kaunting galit si Lin Que ngunit hindi mapabulaanan si Xie Zhezhi. Tahimik niyang sinabi, "wala pang kahit anong balita mula sa matandang head ng association. Kamakailan, ang sitwasyon sa Dusk of Immortals ay nakuha…"

Sa sandaling ito, isang set ng yapak ang dumating mula sa kabilang dulo ng hallway. Tahimik na inobserbahan ni Ye Wan Wan ang tatlo na magkakasamang nag-uusap-usap. "Bakit gustong gusto ninyong mga lalaki na punta sa banyo ng magkakasama?"

Hindi na niya kailangan isipin para malaman na ang dalawang ito ay siguradong nagtatanong tungkol kay Tangtang.

Gayunpaman, isang guhit ng kahina-hinalang ang dumaan sa kanyang mata. Ano ang narinig ko? "Dusk of Immortals"?

"Anong pinag-uusapan ninyo? Anong immortals…?"

Naging malamig ang mga mata ni Si Ye Han at nagtungo papunta kay Ye Wan Wan. "Nag-uusap kami tungkol sa kumpanya."

Napaurong si Lin Que mula sa malamig na tingin ni Si Ye Han.

"Huh? Anong meron sa kumpanya ko?" hindi na intindihan ni Ye Wan Wan.

Hindi makapagsalita ng balis o mabagal si Xie Zhezhi ng siya ay sumagot, "sa hinaharap, mayroong gustong bigyan ka ng gulo. May maayos kung kukuha ka ng maraming tao sa production side."

Nagpakita ng kahina-hinala si Ye Wan Wan sa payo ni Xie Zhezhi pero sumagot, "kuha ko na. Salamat sa tip."

Siya ay mabilis na sumuisikat sa industriya ng entertainment, kaya mayroon dapat siyang ilang selosong kakumpetensya. Mula sa rason na iyon, inaasahan na niya ito.

Hindi niya lubos maisip na si Xie Zhezhi ay biglang magbibigay ng tip sa kanya...

Ito ay dahil kay Si Ye Han...

"Tama, Boss Ye, alalahanin mo ang sinabi ko." Bahagyang ngumiti si Xie Zhezhi.

Ye Wan Wan: "…"

Ang bagay na ito ay hindi mga bagay na kailangan niyang isaalang-alang. Gusto ng bawat kumpanya si Xie Zhezhi, at siya din, pero ang problema ay ang kanyang maliit na kumpanya ay hindi bahay na tulad sa isang malaking butuin tulad niya...

Kalmado si Si Ye Han ng makita niya na nabago ang pokus ni Ye Wan Wan, ngunit mukha padin siyang kinakabahan.

Little Rose Garden:

Matapos kumain ng dinner, bumalik na sila sa bahay. Nilagay ni Ye Wan Wan si Tangtang sa kama saka pumunta para kausapin si Si Ye Han.

Ye Wan Wan: "Kailan andito si Mr. Mu sa bansa?"

Si Ye Han: "Sa makalawa."

Tumango si Ye Wan Wan. "Ah, kailangan ko ba maghanda?"

Si Ye Han: "Hindi na kailangan."

Ang pagtatanong sa kanya ay katumbas ng hindi na pagtatanong...

Handa siya kahit ano man ang dumating!

Sumimangot si Ye Wan Wan habang nakatingin kay Si Ye Han. "Anong problema? Pakiramdam ko may mali sayo ngayong gabi. Galit kaba?"

Marahil si Ye Wan Wan lang ang may kayang magbasa ng kahit ano mula sa walang emosyong mukha ni Si Ye Han at kayang malaman kapag siya ay galit...

Related Books

Popular novel hashtag