Hindi alam ng matanda at batang pares na ito kung paano magsaya. Mabuti na lang, naroroon si Ye Wan Wan.
"Wow! Talagang napaka-suwerte natin! May parada ngayon! Mayroon ding fireworks show!"
"Whoa! Napaka-cute ng headband! Kailangan kong mabili ito!"
"Whoa! Mukhang masarap ang lollipop na iyon! Bibilhin ko ito!"
"Gusto ko din ng balloon na iyon…"
Mas sabik pa si Ye Wan Wan kaysa sa bata, lumukso habang hinihila ang dalawa kung saan-saan. Halos bumili siya ng isa sa lahat ng naka sale. Msigsig na umaaligid-aligid si Si Ye Han sa kanyang likod, inaalalayan ang mag-ina mula sa maraming tao maliban na lang kapag pumupunta siya sa harapan upang magbayad para sa mga pinamili ni Ye Wan Wan.
Hindi nagtagal, puno na ng mga gamit ni Ye Wan Wan ang kamay ni Tangtang. Sa kanyang kaliwang kamay may isang mala-higanteng makulay na lollipop at sa kanyang kanang kamay ay isang balloon. Sa kanyang ulo, siya ay naka-suot ng cat ears at sa palibpot ng kanyang leeg, supt-suot niya ang isang magandang bulaklaking korona.
Mayroon ding mabulaklaking korona sila Ye Wan Wan at Si Ye Han sa kanilang mga leeg ngunit si Ye Wan Wan ay nakasuot ng bunny ears habang si Si Ye Han ay nakasuot ng wolf ears at isang itim na maskara na pinasuot sa kanya ni Ye Wan Wan.
Napadaan sila sa isang photobooth at hinila ni Ye Wan Wan ang "mag-ama" upang magpakuha ng litrato. Ang mga ito ay hindi mabibili ng salapi.
Tumatawa si Ye Wan Wan habang siya ay paulit-ulit niyang tinitignan bago iabot ang mga ito kay Tangtang. "Tangtang ito oh, pwede mo ba silang alagaan!"
Maingat na tinanggap ng bata ang mga ito, tinatrato na parang mumurahing alahas habang nakatingin sa kanila na may malaking mata. "En!"
Agad na dumating ang gabi at nagsimula na ang parada ng mga bulaklak. Padami ng padami ang mga taong dumadalo at lalong nagiging masikip. Mga sabik na boses ang naririnig sa paligid ng lugar.
Napakaliit ni Tangtang kaya ang kanyang tingin ay kaagad na naharangan ang maraming tao.
Tumingin si Si Ye Han sa mag-ina at pinahawak ang kanyang pagkain kay Ye Wan Wan. "Hawakan mo ito."
"Huh? Oh…" kinuha ni Ye Wan Wan ang pagkain.
Pagkatapos, nakita ni Ye Wan Wan na yumuko si SI Ye Han. Gamit isang kamay, binuhat niya si Tangtang at sa kabila niyang kamay, hinila niya si Ye Wan Wan sa kanyang bisig, hinihiwalay sila sa dami ng tao…
Kumurap si Ye Wan Wan. Naramdaman niyang bumubilis ang tibok ng kanyang puso.
Talagang mas naging gwapo si Si Ye Han kaysa sa nakasanayan ng buhatin niya si Tangtang.
Sa una, napakahirap para sa kanyang isipin kung anong magiging itsura ng mayroong anak kay Si Ye Han, ngunit ngayon, ramdam niya na kapag talagang naging isang ama si Si Ye Han, siya ay magiging maalaga…
Dahan-dahang bumababa ang araw at ang kanilang lakad sa amusement park ay malapit ng matapos. Nahahawi ang sikip ng umalis ang mga tao.
Tumakbo si Ye Wan Wan upang bumili ng isang souvenir habang naghihintay si Si Ye Han habang hawak-hawak si Tangtang.
Nang oras na para umalis, pinanuod ni Ye Wna Wan ang mag-ama at hindi napigilang ilabs ang kanyang telepono upang kuhanan ang sandali.
Gabi na at nag-booked ng reservation si Si Ye Han sa isang restaurant na kilala sa kanilang private home cuisine, kaya ang umalis na ang tatlo sa amusement park at dumiretso na sa restaurant.
Nakasuot padin ng parehong damit ang tatlo mula sa amusement park. Suot-suot ang parehong damit at dala-dala ang mga animal na headband, kendi, at souvenir gifts.
Ang private home cuisine restaurant na ito ay napaka sikat sa Imperial City. Kada araw, sampung lamesa lang ang kanilang hinahanda at kapag gusto ng maykayang tao na kumain doon, kailangan nilang mag pa-reserve ng maaga.
Papunta na si Ye Wan Wan, Tangtang, at Si Ye Han sa restaurant ng may nakita silang pamilyar na mga mukha.
Nakikipag-usap si Lin Que kay Xie Zhezhi ng mapansin nila ang tatlo. Nadama nila na parang mayroong tumusok sa kanilang acupuncture points at napatayo, nagulat ng tinitigan niya Si Ye Han. "Ano… iyon…"
Inobserbahan ni Xie Zhezhi si Si Ye Han ng may pagka-interes habang nakatingin sa naka imprentang pink na baboy sa kanyang damit saka siya tumingin sa bata na hawak-hawak ni Ye Wan Wan. siya ay bahagyang tumawa at saka sinabi, "Hm… nakakita kami ng… isang himala…"