[Nameless Nie: Uh, naniwala sayo si Tang Tang?]
[Ye Wan Wan: Siyempre! Tingin mo ba bobo siya tulad mo?]
[Nameless Nie: Famous Ye, talagang maasahan ka! Mas maasahan ka kaysa sa aking kapatid na umalis ng bahay at ang brother-in-law na hindi alam na siya ay may anak!]
Hindi nakapagsalita si Ye Wan Wan: "..."
Huwag na nating pag-usapan ang iba, okay? Hindi maasahan ang buong pamilya mo!
Pagkatapos na pagkatapos sa Weixin, napagpasyahan ni Ye Wan Wan na palitan ang palayaw ni Nameless Nie sa [Nie Hollow Pit].
Samantala…
Sa loob ng isang underground bar sa isang bayan sa Northern Europe.
Nakatingin si Nameless Nie sa litrato ni Tangtang. Matapos makita na maayos na ang munting bata, makakahinga na siya ng maluwag. Higit sa lahat dahil ito na nakatanggap na ng isa pang life-saving pass.
Kaagad na pinadala ni Nameless Nie ang litrato sa kanyang ama.
Matapos niyang ipadala ang litrato, tumunog ang kanyang telepono.
Personal na sinama siya ng kanyang pamilya sa WeChat!
Sobrang takot ni Nameless Nie nanginginig ang kanyang kamay. Kaagad niyang pinindot ang accept.
Matapos mablocked ang account niya sa WeChat, hindi na siya na-add ulit ngunit ngayon, sinama siya mismo ng empress dowager!
[Nameless Nie: Mom, nakita mo? Maayos si Tangtang doon. Nakakakain siya ng tama at nakakatulog ng maayos. Sabi ko na sa inyo na maasahan ang taong nahanap ko! Napakabait ng magkasintahan na iyon!"
Pinabutihan ni Nameless Nie na i-type iyon.
Matapos ang matagal na panahon, may sumagot na.
[May litrato ka ba ng babaeng iyon?]
Ng makita ni Nameless Nie ang tugon ng knayang ina, siya ay nagulat. Gusto niya ng litrato ni Ye Wan Wan?
Pinag-isipan ito ni Nameless Nie at nagdesisyon na magtanong. [Mom, para saan mo kailangan ang litrato ni Ye Wan Wan?]
Pagkatapos, tumunog ang telepono ni Nameless Nie at tumatawag ang empress dowager ng kanyang pamilya.
Hindi niya mapigilang magalak ng sagutin niya…
Maingat na sinagot ni Nameless Nie ang tawag. "Hello, mom… ano iyon?"
"Hindi mo ba ramdam na may pagkakahawig siya sa ating Worriless?" Ang tao sa kabilang linya ay pagod ang tono.
Hindi makapagsalita si Nameless Nie pero tumugon, "ito… medyo may pagkakahawig. Noong makita ko siya ng unang beses, hindi ko mapigilang tumingin sa kanya ng maraming beses ngunit kung ako ay totoo, maliban sa pagiging maganda kaysa sa ating Worriless, hindi siya katulad nito."
"Bukod dito, mom, napa-imbestigahan ko na ito. Siya ang ikalawang miss ng mga Ye sa Imperial City. mayroon siyang mga magulang at isang kuya. Mayroon din siyang disenteng boyfriend kaya hindi siya maaaring maging si Worriless…"
Natural, umaasa parin siyang mahanap si Worriless, ngunit hindi siya maaaring humanap lang ng tao sa kalsada na kamukha ng kanyang kapatid saka magpanggap na kanyang kapatid…
Nanahimik ang telepono saka nagsimulang magsalita si Madam Nie. "Tulungan mo akong magpasalamat sa kanya sa pag-aalaga kay Tangtang."
Nameless Nie: "Huwag ka mag-alala, mom, gagawin ko. Laging tumatakbo ang Little Sis kahit saan simula ng siya ay bata pa. Hindi niya kailan man naabot ang dulo ng patpat kaya marahil siya ay nagsasaya lang kung saan saan at kapag nakuha na niya ang gusto niya, babalik siya…"
Bumuntong hininga si Madam Nie upang matago ang kanyang pagkabalisa. "Asahan na lang natin na ganun nga…"
China, Little Rose Garden.
Dahan-dahang minulat ng munting bata ang kanyang mata upang makita ang kanyang sarili na nakakulong sa loob ng isang matigas na yakap.
Ito ay hindi tulad ng kanyang Mommy at mas maluwag…
Marahil naramdaman ni Si Ye Han ang paggalaw sa kanyang bisig kaya siya ay nagising agad.
"Gising na kayong dalawa!"
Masayang sabi ni Ye Wan Wan na maagang nagising, "Baby, magandang umaga!"
Matapos magsabi si Ye Wan Wan ng magandang umaga…
Bigla niyang napansin na ang orihinal na katahimikan ng kapaligaran ay nagsimula ng umigting.
Ang munting bata at si Si Ye Han, na parehosng kagigising lang, ay parehong kalmadong nakatitig sa kanya…