Nang marinig ito, nangatog si Ye Wanwan at napagtanto nito na para bang may kakaiba kay Si Xia ngayong araw. Madalas, siya ay tulog lamang sa lamesa at hindi man lang siya titignan sa buong araw.
Ngunit ngayon, siya na mismo ang kumausap sa kanya, at inalok pa nito na turuan siya ng math?
*cough* "Maraming salamat na lang, Ayoko din mamatay sa kahihiyan! Oo nga pala… Saan ka pumunta ngayong araw? Bakit ngayong last period ka lang pumasok? Lahat ng babae dito ay nababaliw na sa pag ka miss sayo!"
Ang pinakamahalaga, sa akin nila isinisi ang hindi mo pag pasok!
Biglaang naisip ni Ye Wanwan, "Kung hindi pumasok si Si Xia ng dahil sakin, baka pwede kong tanungin sa aming guro kung maari akong lumipat ng upuan. Hindi ko man mapalitan ang role ko sa palabas, pero maari ko namang subukan na lumipat ng upuan…"
"Talaga ba?" Mahinanhong tanung ni Si Xia.
"Oo!" Tumango si Ye Wanwan, at kinuha ang pagkakataong upang magtanong, "Hindi kaba pumasok ngayong araw, Ito ba ay dahil…"
Bago pa man matapos si Ye Wanwan, agad na inabala ni Si Xia ang kaniyang pagtatanong, "Ikaw ba?"
"Huh? Bakit ako?" Hindi maintindihan ni Ye Wanwan ang ipinupunto ni Si Xia.
Nahihiyang tinignan ni Si Xia si Ye Wanwan sabay tanong, "Namiss mo ba ako?"
Natigilan si Ye Wanwan ng: "..."
Damn!!!
Ang klaseng kalokohan ito?!
Nabalot ng kilabot ang buong katawan ni Ye Wanwan ng tumingin ito pabalik sa kanya, malaking takot ang nasa kaniyang mukha, "Ikaw… May sakit kaba?"
"All right, tumigil kayong lahat! Kukunin ko na ang iyong mga sagot ngayon. Kung meron man kayong problema sa mga tanong, makinig at mag bigay atensyon!
Tila nag bago ang ihip ng hangin sa mga sinabi ni Zhao Xing Zhou.
Dinakma ni Ye Wanwan ang kaniyang dibdib, ang buo niyang mukha ay takot at patuloy na iniisip ang mga salitang binanggit na muntik niyang ikamatay sa takot!
Inaansar lang ba ako ng lalaking ito?
Nang matapos ang na ang klase, ang mga babae ay tinitignan padin ito ng masama na para bang sinusunog na ang kaniyang katawan sa kanilang isip.
Kahit na hindi nila naririnig ang pinag uusapan nila ni Si Xia, alam naman nila na hindi lamang ito sumandal sa kaniyang balikat bagkus sa unang pag kakataon kinausap na rin niya ito. Ano man ang paksa ng pinag uusapan nila, ito ay sapat na para saktan at lunuirin si Ye Wanwan.
Napagkasunduan ng lahat ng babae sa paaralan na sa kanila lang si Si Xia at bawal kalabanin ang isat isa. At kung sinuway man ang unspoken rule, ang sumuway ay kanila nang kaaway.
Kahit na gusto ng isang babe na suwayin ang kasunduan, patago na lamang nito aaminin na mahal na niya si Si Xia, kundi haharapin niya ang galit ng iba.
Kung nalaman lang niya, hindi na sana siya papasok sa paaralan kahit kailan.
Sa mukha pa lamang nito, para bang nais na akitin ni Ye Wanwan si Si Xia sa harapan ng lahat at naka akit ito ng madaming kagalit.
Pero syempre, ang katotohanan ay si Si Xia ay aksidenteng napasandal sa kaniya at si Si Xia rin ang nag pasimulang kausapin ito, at wala silang pakialam sa mga katotohanang ito-- alam ng mga tao na si Ye Wanwan ang may mali rito.
Iniisip na lamang ni Ye Wanwan na mawawala rin ito pagkatapos ng school. Sinong mag aaklang si Si Xia, na lumiban sa ensayo ng sunod-sunod na mga araw ay nagpakita ngayon?
Habang nageensayo, si Ye Wanwan ay nagagambalang nagsasanay habang naka kunot ang mga kilay niya. At biglang itong nakakutob nang may pagbabanta…
Umupo si Si Xia sa bintana at gaya ng dati, siya ay napapalibutan ng grupo ng mga babae na gumagawa ng malaking abala.
"Si Xia, sumusobra na ang panget na iyon-- pinagsamantalahan ka pa niya sa klase.
"Wag kang mag alala Si Xia, nag pasa na kami ng petisyon na kailangan mapaalis si Ye Wanwan. Alam naming aapbrobahan ito ni Miss Liang.
"Sa totoo lang hindi mo na kaikangan pumunta dito ngayong araw, bukas sasabihin na ni Miss Liang ang kaniyang desisyon!"
"Tama, bakit hindi ka na lang bumalik at magpahinga. Para ka kasing nasusuka pagkatapos ng klase sa mathematics!"
...
Habang nagkukumpulan ang mga babae kay Si Xia, ang ibang mga estudyante na nauna sa kanya ay tapos na sa kanilang pag sasanay at siya na ang susunod.
Ang taga tingin ng klase ay pumunta kay Si Xia at mahina nitong tinanong, "Um… Si Xia, Ikaw na ang susunod, Gusto mo… ba na mag sanay ngayon?"
At nabaling ang atensyon ng lahat, dahan dahang tumayo si Si Xia sa kaniyang inuupuan at tumingin sa entablado, "Oo naman."