Chapter 94 - Si Ye Wanwan at si Si Ye Han?

Nang makita niya ang kaniyang tiyuhin na hahalikan nito ang parang nabangungot na mukha ni Ye Wanwan...

Biglang naalala muli ni Si Xia ang ingay ng pagsabog sa kanyang isip.

Ito...

Anong nangyayari dito...

Ye Wanwan… at Si Ye Han?

Ang dalawang ito ay para bang galing sa magkaibang mundo, magkaibang lugar, at magkaibang lebel, pero sa mga oras na ito, silang dalawa ay nakitang magkasama. Hindi rin masabi sa ganitong magulong klase ng relasyon.

Maaring ito ang laging bukambibig ng boyfriend ni Ye Wanwan...

Matatag na nakatayo si Si Xia habang ito ay nakitingin lamang sa mga ilaw. Ang tanging nakikita niya lamang ay ang lalaki paalis habang naglalakad si Ye Wanwan pabalik sa girl's dormitory.

Si Si Xia ay matagal na nakatayo sa dilim habang nakatingin sa likod ni Ye Wanwan.

At biglang tumunog ang kaniyang telepono dahil sa mensahe. Kinuha niya ang kaniyang telepono at bumalik na sa boy's dormitory.

Pag karating na pagkarating pa lamang niya sa unang palapag ng kanilang dormitoryo, nakita na niya si Cheng Xue na nakatayo.

Bagamat gabing gabi na , si Cheng Xue ay naka naka bestidang maayos. Suot niya ang kaniyang bestida na walang bahid ng gusot. Pero kung titignan mo nang mabuti, siya rin ay may pampaganda sa mukha.

"Bakit nandidito ka padin sa labas?" tumingin si Cheng Xue kung saan nanggaling si Si Cia, at nasilayan niya ang dilim sa kaniyang mga mata.

Mukhang totoo ng ang balita; na meron ngang walang hiyang babaeng lumalandi sa kaniya sa kalagitnaan ng gabi!

"May problema ba doon?" Mas maayos ang pagkikipagusap ni Si Xia kay Cheng Xue kesa sa babaeng kausap niya kanina.

"Hindi mo ba ako pwedeng samahan saglit? Kailan lang, palagi kang abala doon sa nakakatawang panget na si Ye Wanwan, at sa umaga lagi ka ding inaabala ng mga babae, Halos wala na akong pagkakataon para maka usap ka!" Paglalarong sabi ni Cheng Xue ng may pag kalungkot at inis.

"kung wala namang problema bukas na lang tayo mag usap-- May kailangan din akong gawin ngayon." Sinabi ni Si Xia habang paakyat sa hagdan ng dormitory.

"Gabing gabi na din nga pala, ano bang gagawin mo? Kasama mo ba si Han Xiao Ru kanina?" Gulat na sinabi ni Cheng Xue.

"Oo," Hindi na ito ikinaila ni Si Xia

Hinawakan ni Cheng Xue ng mahigpit ang kaniyang mga kamay, "Ano bang gusto niya?"

Bigkas ni Si Xia: "Para bigyan ako ng tsokolate."

Han Xiao Ru, Ang babaeng yon!

Nang gigil si Cheng Xue ng marinig niya iyon, pero nang makita niya na walang hawak si Si Xia, halatang hindi niya ito tinanggap, "Nakakairita na lagi ka nalang iniinis ng mga babae dito sa school araw araw! Binigyan ka niya ng tsokolate pero hindi niya alam na allergic ka sa cocoa powder?"

At nilabas niya ang bag at ibinigay nito sa lalaki, "Ito nga pala ang paborito mong almond cake-- kainin mo yan sa almusal bukas!"

"Salamat," Tinanggap ni Si Xia ang regalo.

Nang makita niyang tinanggap ni Si Xia ang cake na bigay niya, agad na nag iba ang mood ni Cheng Xue. At tinignan niya ito ng may pag kaningning at mahiyain, "Hindi mo naman kailangan maging mabait sakin. Pwede naman kitang gawan sa susunod kung gusto mo! Sinabi kasi sakin ni auntie Si na humuhusay na daw ako mag bake!"

Alam kong para sa kanya kakaiba ako sa lahat ng mga babae dito!

Tsk, Hindi ako makapaniwala na ang aking lalaki ay inaagaw ng mga asungot dito sa paaralan!

"Hindi na ako magtatagal, matulog kana agad pag katapos mo sa mga gagawin mo!"

Nahimasmasan si Cheng Xue ng malaman niyang wala namang pakialam ito kay Han Xiao Ru, Agad agad itong umalis ng may galak sa kaniyang puso.

Sa kabilang banda, nang pagkaalis ng babae ang mabait at maamong mukha nito ay bigla na lang nag iba sa ipinakitang ugali niya sa harapan ng babae, meron pa itong konting bahid ng lait at pandidiri.

Naglakad ng bahagya ang lalaki, at dahan dahan nitong itinapon ang cake sa basurahan malapit sa kanya.

Pag kapasok nito, hindi agad ito dumiretso sa kaniyang kwarto. Bagamat umakyat pa ito upang makita si Ling Dong.