Masyadong abala sa batang lalaki si Ye Wan Wan kaya nawalan na siya ng oras para alalahanin pa ang limang tao. Narinig niya ang mga ito na sinabing kamukha niya ang batang ito.
Napansin lang ito ni Ye Wan Wan ngayon. Hindi niya pa ito maunawaan noong una, pero nang mabanggit nila ito, kamukha niya nga ang batang ito, huh?
Gayunpaman, sinabi na rin ni Nameless Nie na kamukha ni Ye Wan Wan ang kapatid na babae ni Nameless Nie, kaya naiintindihan niya kung bakit kamukha niya ang batang ito.
Sinenyasan ni Ye Wan Wan ang lima na magtrabaho na muli sola. Ang kaninang nagdadaldalan na lima ay naging mga ibon na lumipad at naghiwa-hiwalay.
Wala nang oras si master na alalahanin pa sila.
Sa oras na iyon, wala nang tao sa salas at ang natira na lamang ay si Ye Wan Wan at Nie Tang Xiao.
May dinalang mga tsitsirya si Ye Wan Wan at naghanda siya ng isang basong orange juice pasa sa bata. Umupo siya sa sofa habang katabi niya ang batang lalaki.
Maayos ang pagkaka-upo ni Nie Tang Xiao. Ang maitim niyang mga mata at sinusuti ang salas na parang isang kuting na inaalam ang paligid.
Hindi alam ni Ye Wan Wan kung paano makihalubilo sa bata at hindi niya pwedeng pekein na matatag siya, kaya inisip niya kung ano ang sasabihin niya.
"Haha, Tang Tang, ang ganda ng pangalan mo. Anong ibig sabihin nito?"
Nie Tang Xiao: "Nakalimutan mo na mommy?"
Naramdaman ni Ye Wan Wan ang pagsisisi nang makita niya ang inosenteng mga mata ng bata. "Ay, pasensya na. Na-injure si mommy noon kaya marami akong nakalimutan sa mga nangyari noon…"
Nagsalita si Ye Wan Wan at bigla niyang napagtanto na parang may mali.
Ay? Bakit ako nagsisisi? Hindi naman ako ang tunay niyang nanay, eh!
Nie Tang Xiao: "Sige na nga, sasabihin ko na lang kay mommy."
Mabilis na sumagot si Ye Wan Wan, "En. Sige, sige! Sabihin mo na pala kay mommy!"
Sumagot ang batang lalaki, "Binigay mo ang pangalan na ito sa akin noong pinagbubuntis mo ako, mahilig ka kasi sa maliliit na sweet and sour pork chops. Ang 'Tang Xiao' ay homonym nang may 'Tangxiao'. Kaya pinangalanan mo ako ng Nie Tang Xiao."
Ye Wanwan: "…"
Walang masabi si Ye Wan Wan. Sampung segundo siyanv nakatulala bago siya makasagot sa bata.
Ano ba talaga ito?!
Tang Xiao? Sana pork chop na lang ang pinangalan niya sa bata! Bakit ginawa niyang katatawanan ang isang paslit?
Akala ni Ye Wan Wan na espesyal ang ibig sabihin ng pangalan na ito, pero pinangalanan lang pala siya sa paboritong pagkain ng nanay niya na sweet and sour pork chops? Inayos ba ang ugali ng babae na iyon?!
*Cough cough* "Pasensya na Tang Tang… minadali ni mommy ang pagpapangalan sayo…"
Sobrang miserable si Ye Wan Wan dahil nagkukunwari siyang nanay ng batang ito. Siya tuloy ang kumukuha ng lahat ng paninisi!
Nie Tang Xiao: "Okay lang."
Hindi ito pinersonal ng bata at muling naramdaman ni Ye Wan Wan na hindi ang batang ito ang binabanggit ni Nameless Nie na little devil.
Hinahanda niya na ang sarili niya sa malalang mangyayari noong una...
Masakit sa damdamin ni Ye Wan Wan na makita ang walang muwang at manhid na mukha ng batang lalaki na may kakaibang pagtingin sa buhay sa edad niyang iyon.
Siguro dahil hindi niya nakapiling ang kanyang mga magulang simula noong paslit pa lamang siya, kaya nasa ugali na niya na maging mapag-isa. Ang mararamdaman ng tao sa batang ito ay mapag-isa at hindi siya masayahin at makulit na bata.
Bumuntong hininga si Ye Wan Wan at nag-squat siya sa harapan ng batang lalaki. Inunat niya ang kanyang kamay at hinaplos niya ang maliit na ulo ng bata. "Kahit na hindi matandaan ni mommy ang nakaraan, Tang Tang. Pinangalan ka ni mommy sa paborito niyang pagkain na sweet and sour pork chops. Ang ibig sabihin nito, mahal na mahal ka ni mommy!"
Lumiwanag na parang mga bituin sa kalangitan ang mga mata ng bata...