Tiningnan ni Ye Wan Wan ang prinitong mga hipon na nasa harapan niya at bigla niyang hinaplos ang kumukulo niyang tiyan. Makikita sa kanyang mga mata ang pagkatakam.
Gayunpaman, sinabihan siya ng kanyang konsensya na bawal na siyang kumain ng sobra. Dalawang araw na siyang navpapakabusog ng sobra...
Pero...
Nilapitan ni Ye Wan Wan ang matatabang mga hipon na napakaganda at nakakatakam ang amoy. Inamoy niya ito at parang kalangitan ang amoy ng pagkain na nasa harapan niya...
"Halika, Jiao Jiao, kumain ka na."
Tinitigan ni Ye Wan Wan si Little Lolita na nababaliw na sa pinapanood niyang drama serye at ilang beses niya itong tinawag para kumain.
"Master, ayokong kainin 'yan kasi tataba ako!" Kaawa-awang tiningnan ni Jiao Jiao si Ye Wan Wan.
Sa oras na iyon, biglang pumasok sa loob ang old housekeeper at sinabi niya, "Master, may nakita akong bata kanina at dumadaan siya sa bakuran natin. Hindi ako sigurado kung saan aiya nanggaling."
"Isang bata? Siguro mga kapitbahay nating may pamilya…" walang pakialam si Ye Wan Wan na may batang dumadaan sa bakuran nila.
Bago pa makapagsalita ang old housekeeper, naririnig ang dalawang malakas na "bang" na nanggaling sa labas ng bahay.
"May nagpaputok ng baril!" Agad na sumilip sa may pintuan ang old housekeeper.
Mabilis na tumayo si Little Lolita at ang mataba at bumalik sila sa kani-kanilang mga kwarto. Sa isang saglit, pumunta silang lahat sa hall.
"Anong nangyayari?" Nagmadaling pumunta sa hall ang lalaking may mahabang buhok at ang balbas sarado na lalaki nang marinig nila ang mga putok ng bala.
"Nandito sila para sa atin," sabi ni Little Lolita.
"Parehas siguro sila ng mga taong pumunta dito kanina. Song Qiang at Tang Bin, protektahan niyo si master habang kaming tatlo ang sisilip sa labas!" Inutusan sila ng old housekeeper.
"Okay!"
Tumango ang lalaking balbas sarado. "Huwag kang mag-alala, papasabugin ko ang mga utak nila kapag sinubukan nilang lumapit kay master."
"Qiang-ge… ang galing mo at napaka-cool pa…" tiningnan ng lalaking may mahabang buhok ang lalaking balbas sarado at makikita na binabalot ng pagkamangha ang kanyang mga mata.
"Masasabi natin na matapang na uri ng tao si Qiang-ge," ngumisi ang lalaking balbas sarado.
Habang nag-uusap sila, ang mataba, si old Ghost Jiang at si Little Lolita ay sumugod na sa labas.
Sa isang saglit, maririnig ang malakas na mga putok ng baril sa labas at mukhang nagtatakbuhan ang dalawang panig.
"Hng, mga bobo - pumunta sila dito para mamatay lang," sinabi ng lalaking balbas sarado.
"Hinihingi na nila iyon, lalo na't nandito si Qiang-ge para kalabanin sila!" Maangas na sinabi ng lalaking may mahabang bubok.
Napakunot si Ye Wan Wan. Hindi ganoon ka-dali iyon.
Ang kaninang sumugod na mga mersenaryo ay pumunta upang kunin si Ye Wan Wan at wala itong kinalaman kay Little Lolita, Old Ghost Jiang at sa iba pa.
Gusto sanang isumbong ni Ye Wan Wan ang tungkol sa insidente, pero si Si Ye Han ay nasa ibang bansa pa at alam niyang uuwi agad ito kapag nalaman niya ang tungkol sa sagupaan. Ayaw niyang mangialam pa sa business ni Si Ye Han, kaya hindi niya na lamang ito sinabi sa kanya.
"May tao ba sa loob ng bahay na ito?"
Biglang may kumatok sa pintuan at maririnig dito ang boses ng binatang lalaki.
"Master" tiningnan ng lalaking balbas sarado si Ye Wan Wan.
"Buksan mo ang pintuan!" Nag-isip muna si Ye Wan Wan bago siya sumagot.
"Sige." Agad na lumakad at binuksan ng lalaking balbas sarado ang pintuan.
Nakatayo ang ilang kalalakihan na nakasuot ng itim at ang nangunguna sa kanila ay may edad na 27 o 28 na taong gulang, ngunit ang kanyang buhok ay kulay at may suot siyang kulay ginto na salamin. Mukha siyang maamo at pino.
"Doon lang kayo sa labas," sinabi ni Tang Long sa mga kasama niyang mersenaryo. Mag-isa siyang pumasok sa hall.
"Sino ka?" Tinanong ng lalaking may mahabang buhok si Tang Long na mag-isang pumasok sa hall. Guwardiyado ang lalaking may mahabang buhok nang makita niya ito.
Nang marinig iyon ni Tang Long, bigla siyang ngumiti at maingat siyang nagsalita, "Hello sa inyong lahat. Hayaan niyong ipakilala ko ang sarili ko - ang pangalan ko ay si Tang Long, kapitan ng Noise of Dragons mercenary group."