Tumawa ang lalaking may mahabang buhok. "Syempre narinig ko iyon, Qiang-ge!"
Katangi-tangi ang pagtawa ng lalaking balbas sarado. "Hahaha, akala namin magnanakaw lang siya noong una… hindi ko inasahan na… may makikilala pala tayo na kaparehas ng trabaho natin…"
Nang marinig nila ang sinabi nila na "kaparehas ang trabaho…"
"AH—" Sumigaw ang mersenaryo ag tumalsik ang buong katawan niya at malakas ang paghampas nito sa pader.
"Joe!!!" Namutla ang dalawang mersenaryo dahil sa sobrang takot habang hindi sila makapaniwala sa lalaking balbas sarado.
Ano ang sinabi ng lalaking ito… parehas daw kami ng trabaho?
Ang bodyguard ay mersenaryo rin?
Leche! Dapat hindi tayo nagpa-kampante!
Hirap na tumayo si Joe ngunit habang sinusubukan niyang tumayo, tumalsik na naman ang buong katawan niya ng ilang beses.
Maririnig ang malalakas na "bang" na malaking salas. Tunog ito ng katawan ng mersenaryo na humahampas sa pader.
Napagtanto ng lider ng mga mersenaryo na hindi umaayon ang sitwasyon sa kanila kaya lumaban na rin siya. Nang humakbang siya, nakita niya ang lalaking may mahabang buhok at hinarang nito ang dapat niyang dadaanan.
"Gusto mong mamatay?" Pinakita ng lider ang kanyang kamao at bigla siyang umangal.
"Crash—"
Sa isang saglit, ginawa rin ng lalaking may mahabang buhok ang technique na ginawa ng lalaking balbas sarado at tumalsik rin ang katawan ng lider sa kwarto.
Muntikan nang hindi nakaiwas ang matambang chef noong tumalsik sa direksyon niya ang lider, kaya umangal siya, "F*ck! Hoy, yung lalaking may apelyidong Tang! Bakit mo siya tinalsik sa akin! Bakit mo naman sinaktan ang little crayfish ko?! Kakalabanin talaga kita, eh!"
"Punyeta…" ang pangalawang mersenaryo na tumalsik kanina at hindi makapaniwala habang tinitingnan niya ang mukhang maamo at mahina na lalaking may mahabang buhok.
Ano nang nangyayari?
Bakit ang lakas ng lalaking ito...
Hindi maaari! Kailangan kong makahanap ng solusyon!
Kumislap ang mga mata ng lider at bigla siyang sumugod sa matambang chef na nasa harapan niya.
Ngunit nang gumalaw siya, parang multo na nawala ang matambang chef na kanina ay nasa harapan nita lamang...
Ilang saglit lamang at narinig niya ang nakakatakot at malamig na boses na nasa likod niya: "Ako ba ang hinahanap mo?"
"Ah—" Takot na takot ang lider. Bigla siyang tumakbo papuntang pintuan, ngunit nang makaabot siya sa pinto, bigla siyang tumalsik dahil may sumipa sa kanya ng malakas.
Ang sumipa sa kanya ang kaninang tinawag nilang "tanda"... Ang old housekeeper...
Sino… sino ang mga taong ito...
Bakit hindi makalaban ang C-rank na mga mersenaryo?!
Ang mersenaryo na may hawak kay Little Lolita ay naliwanagan na hindi umaayon sa kanila ang sitwasyon kaya sinubukan niyang tumulong at pinakawalan na niya si Little Lolita.
Marahas niyang tinulak si Little Lolita at bayonteng yumugyog ang katawan ng babae. Nahila ang hugis kuneho na kwintas niya at ang kristal nito ay nabasag at nahulog sa lapag.
"Ang… little bunny… binigay ito ni master sa akin…"
Tuliro na tumayo doon si Little Lolita at tinitigan niya ang kwintas niya na nasa lapag. Unti-unting nawala ang inosente ang cute niyang pagkatao at naging nakakatakot at nakakamatay ng tao ang kanyang mga mata.
Naging ang kabilang gilid ng kinalalagyan ng mataba kaya bigla siyang bumahing. "Aiyaya, yari…"
Napalunok ang lalaking balbas sarado. Tinigil niya bigla ang pambubugbog niya sa lalaking mersenaryo.
Aalis na sana ang mersenaryo, ngunit si Little Lolita, na nakatayo sa harap nita ay bigla aiyang hinablot.
Narinig niya ang maamong boses ng isang babae. "Little ge-ge, saan ka pupunta? Hindi pa natin natatapos ang pag-arte sa eksenang ito…"
"Umalis ka nga diyan!" Hindi ito pinansin ng mersenaryo at sinubukan niyang itulak ang babae, ngunit hindi gumagalaw ang kamay ng babaeng ito. "Ikaw…"
"Pinatay mo ang bunny ko, buhay mo ang kabayaran ng kamatayan bunny ko…"
Sa isang saglit, maririnig ang malakas na "slam." Hawak ng payat na babae sa balikat ang maskuladong lalaki at hinampas niya ito sa lapag.