Chapter 897 - Mataas ang tingin sa kanya

Malalim na ang gabi.

Nakaupo sa leather sofa si Si Ming Li habang seryoso niyang tinititigan ang kanyang confidant. "Hinanda mo na ba ang plano?"

"Huwag kang mag-alala, old master. Mga eksperto ang mga pinadala ko at binayaran sila ng mataas na halaga. Kahit pa malakas ang babaeng iyon, hindi niya kakayanin na talunin ang maraming tao na aatake sa kanya. At tsaka, mga bayad na mandirigma ang mga iyon kaya hindi natin kailangang magpakita sa kanila; sikreto ang mangyayari at walang makakaalam na tayo ang gumawa nito."

Desedidong sumagot si Si Ming Li, "Sigurado ka ba na walang nagpo-protekta sa babaeng iyon?"

Seryosong sumagot ang kanyang confidant, "Dalawang beses ko nang tiningnan, old master - may limang katulong na kasama ang babaeng iyon. Maliban sa bodyguard niya na may martial arts skills, ang iba sa kanila ay mga matatanda na kaya hindi natin masasabi na mapanganib sila. Ito ang magandang pagkakataon na umatake tayo dahil nasa ibang bansa si Si Ye Han habang kasama niya ang Mu family."

Dumilim ang ekspresyon sa mukha ni Si Ming Li. "Malinis dapat ang trabaho niyo at tandaan mo, dalhin mo siya sa akin ng buhay."

"Opo!"

Pagka-alis ng confident, biglang nagsalita si Si Yi Qian na nasa katabing sofa ng kanyang tatay, "Pa, sigurado ka ba na dadakipin mo ang babaeng ito para pagbantaan si Si Ye Han?"

Ngumisi si Si Ming Li at manhid ang pagkaka-sagot niya, "Bastardo, sumobra na si Si Ye Han. Kapag hindi tayo lumaban, maiisip niya na madali lang tayong kayanin!"

"Anak ko pa rin si Yie Jie kahit na wala siyang pakinabang. Hindi ko talaga mapagtimpi ang pamamahiya na ginawa ng binata at ng pokpok na iyon. Gusto kong malaman kung importante ba talaga ang babaeng ito kay Si Ye Han at kung kaya niya bang ipaglaban ang kanyang minamahal!"

Tiningnan ni Si Ming Li ang pangalawa niyang anak ang mayabang niyang sinabi, "Yi Qian, alam kong maingat kang tao, pero ang pinadala kong mga mersenaryo ay C grade pataas - mahihirapan ang babaeng iyon na kalabanin sila!"

Ito ang ranggo ng mga mersenaryo mula sa baba hanggang pataas: S, A, B, C, D, E at F. Lahat ng sasama sa grupo ng mga mersenaryo ay dapat marunong sa labanan. Napakadakila kung mag-hire ka ng mersenaryo na A ang ranggo at bukod tangi kabang kukuha ka ng isang mersenaryo na S ang ranggo. Hindi basehan ang pera sa pag-hire ng mga mersenaryong ito.

Mataas din ang kabayaran para sa mababang ranggo na mga mersenaryo. Paano pa kaya nagawang makuha ni Sj Ming Li ang tatlong mersenaryo na C ang ranggo na may mahal na kabayaran.

Mataas na tao si Ye Wan Wan dahil gumamit pa si Si Ming Li ng ranggong C na mga mersenaryo upang dakpin siya.

Kaya naging malumanay na ang kaisipan ni Si Yi Qian.

Bumalik sa little house of Rose si Ye Wan Wan dahil pumunta sa ibang bansa si Si Ye Han upang pagusapan ang ibang mga businesses niya.

Binabalot ng amoy ng bulaklak ang munting bahay at normal nang tahimik sa lugar na ito.

Umakyat sa pangalawang palapag si Ye Wan Wan pagkatapos niyang kumain.

Maingat na sinuri ng housekepeer na si Old Jiang, ang mga pinto at bintana ng bahay. Nililinis ni Fatty Heidi ang kusina habang nagnanakaw ng kaunting pagkain. Ginugupitan ni Tang Bin na may mahabang buhok, at ng malbas sarado na si Song Qiang ang mga bulaklak habang tamad nilang pinapatrolya ang lugar. Naglalaway naman ang lolita maid na si Jiao Jiao, habang mahigpit niyang hawak ang kanyang phone at pinapanood niya ang melodramatic idol drama series...

Sa madilim na parte ng bakuran ay may tatlong tao na tahimik na lumalapit sa bahay.

Nagsalita ang pinuno ng mga mersenaryo, "May matandang lalaki, may chef at may katulong sa loob ng bahay - silang lahat ay walang kakayahan na makipaglaban. Ang may gulang lamang ay ang hardinero at ang security guard. Silang dalawa muna ang uunahin natin…"

Tumango ang isang mersenaryo na katabi niya.

"Okay, sige. Joe, umakyat ka sa pangalawang palapag at si Mack na ang bahala sa chef. Ako na ang bahala sa dalawang lalaki!"

"OK!"

Maghahanda na sana silang makipaglaban nang biglang napatitig ang isang mersenaryo sa dalawang lalaki na malapit lamang sa kanila at nagtaka siya. "Saglit, saglit lang...?"

Parang pamilyar sa kanya ang hardinero na may mahabang buhok at ang balbas sarado na security guard, para bang nakilala na niya sila sa ibang lugar...

"Ano iyon?" tinanong siya ng katabi niya.

Umiling ang mersenaryo na nakatitig sa dalawang lalaki at hindi niya na pinansin ang haka-haka na ito. "Wala naman… tara, sundin na natin ang plano!"