Nang marinig ni Si Ye Han ang pagkaskas ng ngipin ni Ye Wan Wan, kumiling ang kanyang ulo at tinitigan niya ang mga mata ng babae hanggang sa mapunta ito sa phone screen ni Ye Wan Wan.
Nakita niya na galit na nagta-type si Ye Wan Wan.
[Ye Bai: Para sa akin, maayos naman ang pamumuhay niya ngayon.]
[Gong Xu: Paano ka nakakasiguro, Ye-ge? Hula mo na naman ba iyan?]
[Ye Bai: Dahil nasa kama ko siya ngayon.]
Si Yehan: "…"
[Gong Xu:…]
Nabaliw si Gong Xu nang mabasa niya iyon.
Tiningnan ni Si Ye Han kung gaano ka-galit si Ye Wan Wan habang kinakaskas niya ang kanyang ngipin kaya bigla siyang natuwa at naging malumanay ang kanyang ekspresyon.
Pagakatapos ng sampung segundo, nakaisip si Gong Xu ng maisasagot.
[Gong Xu: Ye-ge, okag lang sa akin na nagbibiruan tayo ng ganito - lalaki at babae tayong lahat kaya naiintindihan ko! Pero huwag mong hahayaan na malaman pa ito ng botfriend mo! Ito lang ang masasabi ko sayo, mas nakakatakot kapag nagselos ang lalaki kaysa sa babae…]
Hinagis ni Ye Wan Wan sa gilid ang kanyang phone at hindi na jiya pinansin ang dinadaldal ni Gong Xu. "Parang bunganga ng uwak ang meron sa lalaking ito - wala siyang masabing mabuti! Patay na lang lagi ng patay - napakamalas talaga…"
Inunat ni Si Ye Han ang kanyang mga braso at sinuklay niya gamit ang kanyang kamay ang buhok ni Ye Wan Wan. "Hindi importante kung ano ang sasabihin nila."
Natandaan ni Si Ye Han ang sinabi ni Ye Wan Wan kay Si Ming Li noong nasa dark chamber sila. "Mabubuhay hanggang sa matunaw ang kabaong mo."
Tumango si Ye Wan Wan. "Tama! Kailangan nating maniwala sa siyensya! Sinabi naman na ni Dr. Sun na magiging maayos ang kalagayan mo kapag pinagpatuloy natin ang pagpapagaling mo!"
Sinabi ni Mo Xuan kay Si Ye Han na si Ye Wan Wan ang "point of balance" sa kanya at walang problema ang magaganap sa kanyang buhay dahil ito si Ye Wan Wan sa kanya!
Maliban sa pamamalakad ng sarili niyang kumpanya, siya ay nag-aaral habang nasa tabi niya si Si Ye Han. Minsan lamang siyang pumupunta sa eskwelahan upang makuha ang course credits na kailangan niya at simple lamang ang buhay at ang mga kaibigan niya. Mas matibay na ngayon ang relasyon niya kay Si Ye Han, wala nang pangyayari sa kanyang buhay na masira ang pagiging "point of balance" niya.
Pagkatapos ay may natutunang malalim na leksyon si Ye Wan Wan na nagkaroon ng malaking marka sa kanyang puso. Hindi ka pwedeng maglagay ng watawat sa lalaking ito...
Binaba ni Si Ye Han ang dokumento na nasa kamay niya. "Matulog ka na."
Napakurap si Ye Wan Wan nang marinig niya iyon, "Ah? Matutulog na lamang tayo? Wala na tayong ibang gagawin?"
Tiningnan lamang siya ni Si Ye Han. "Ano ba ang gusto mong gawin?"
Hinaplos ni Ye Wan Wan ang kanyang baba. "Kahit na ayaw mong magkaroon ng anak, ayaw mo bang ang proseso kung paano gumawa nito? Hindi ba't mas maayos na ang kalusugan mo ngayon? Sinabi ba ni Dr. Sun na bawal nating gawin iyon?"
Natatakot lamang si Ye Wan Wan na baka lumala ang sakit ni Si Ye Han...
Uminit ang paningin ni Si Ye Han, ngunit nabanlian ito ng kamanhidan na muling nanumbalik sa kanyang mga mata.
Manhid na sumagot si Si Ye Han, "Sinabi naman ni Dr. Sun na pwede nating gawin iyon, pero kailangan nating alamin kung ilang oras natin ito gagawin."
"Ah? Yung tagal ba?" Tinanong siya ni Ye Wan Wan.
Tiningnan siya ni Si Ye Han. Gusti niyang kumagat nang makita niya ang itsura ni Si Ye Han.
Ngunit bigla niyang narinig ang sagot ni Si Ye Han: "Sampung minuto."
"Uh…" naawa sa kanya si Ye Wan Wan nang sinabi niya, "Matulog na lang pala tayo…"
Paano nila gagawin iyon ng sampung minuto kung hindi pa malakas si Si Ye Han...
Kinaumagahan.
Normal nang magising nang maaga si Ye Wan Wan upang mag-ehersisyo. Hindi niya alam kung bakit, pero nainis siya sa sinabi ni Si Xia.
Napansin ni Eleven, na kasabay niyang mag-ehersisyo, ay parang wala sa sarili si Ye Wan Wan, kaya bigla siyang nagtanong dahil nag-aalala siya, "Okay ka lang, Miss Wan Wan?"
Dinura ni Ye Wan Wan ang damo na nasa bunganga niya at agad niyang inangat ang kanyang ulo at tinanong niya si Eleven, "May itatanong ako sayo, Eleven - wala bang kwenta ang mga kakayahan ko?"
Eleven: "...huh?" Mali ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya?
"Tinatanong ko kung wala ba akong kwenta?" Inulit ni Ye Wan Wan ang tanong dahil akala niya na hindi siya narinig ni Eleven.