Chapter 891 - Speak of the devil

Dragon Burial Hill sa loob ng Beijing suburbs:

Sa loob ng kagubatan, sa isang puno na binabalot ng mga dahon at malalaking kahoy...

Nakabitin sa ere si Nameless Nie sa isa sa mga kahoy ng puno habang naka-dekwatro siya. Nginangata niya ang isang piraso ng damo at pinuputol niya ang mga malapit na dahon sa kanya.

Sa ilalim ng dambuhalang puno, may isang lalaki na may halo ang dugo na nagaalalang tiningnan ang lalaki sa may puno. "Kapitan, hanggang kailan tayo magtatago dito?"

Tamad na sumagot si Nameless Nie, "Hihintayin nating lumipas ang bawat araw~"

Dayuhan na taga-buhat ng bricks: "Ngunit hindi solusyon ang pagtatago…"

Bumuntong hininga si Nameless Nie. "Ay, Little Sweetie, sa tingin mo ba ay gusto kong nagtatago sa isang lumang lugar na binabalot ng mga libingan? Mas mainam nang kunwari wala akong signal para hindi madaling malaman ng Little devil na nagtatago ako sa isang lugar na wala talagang signal!"

Dayuhan na tagabuhat ng bricks: "..." Hindi iyon ang pinupunto ko, okay?

"Kapitan, hindi ba't nanghingi ka ng tulong kay boss Ye?"

Kaawa-awa siyang tiningnan ni Nameless Nie. "Sa tingin mo ba na ang ninuno ko ay maloloko lamang ng isang tatlo hanggang limang taon na bata?"

Dayuhan na tagabuhat ng bricks: "..." Totoo kaya ang sinasabi mo.

Nagpatuloy si Nameless Nie, "At tsaka, umaasa tayo sa plano na ito at ito na rin ang huli nating choice. Kung hindi, papatayin niya ako kapag nalaman niya kung sino ang tunay niyang ina. Pahahabain ko na lang ito hanggang sa abot ng makakaya ko at titingnan ko kung mahahanap ko ang tunay niyang ina. Kung hindi ko man mahanap ang tunay niyang ina, hahanapin ko na lang ang kanyang ama…"

Umiling ang dayuhan. "Pero halos apat na taon na tayong naghahanap…"

Dinura ni Nameless Nie ang dahon na nasa bibig niya at nagbuntong hininga siya. "Bakit ba ako minamalas?! Bakit kasi may ganoon akong pamangkin?! Tingnan mo yung pamangkin ng lalaki na tiga Mu family - napaka-cute niya at moe. Bakit yung bobong lalaking iyon may cute na pamangkin tapos ako wala! At yung apo rin ni president Ji - aiyo, ang sweet talker! Paano na ako - ang meron lang ako ay ang little devil! Tama ba ako, Little Sweetie?"

Nahikayat ang dayuhan at paulit-ulit siyang tumango. Naisip niya na tama ang sinasabi ng kanyang kapitan at may sasabihin pa sana siya ngunit nang tumingin siya sa taas, napahinto siya at lumaki ang kanyang mga mata...

Bigla niyang naisip ang "Speak of the devil!"

Biglang lumabas sa isang malapit na puno ang little devil na may kasamang dalawang bodyguards. Huminto ang tingin niya sa dayuhan at dahan-dahan na tumingin ito kay Nameless Nie, na nasa puno.

Takot na takot ang dayuhan nang makita niya si little devil at agad niyang sinabi, "Hindi… hindi hindi hindi! Kapitan, ang pamangkin mo ay cute at masunurin. Napakabuti niya at cute din - magugustuhan siya ng kahit sinong tumingin sa kanya. Wala na akong nakita na ibang bata na kasing husay at kasing bait ng pamangkin mo…"

Sa pagkakataon na iyon, kinailangan niyang banatin ang Chinese words niya na makakapagbigay puri sa isang bata.

Kinilabutan si Nameless Nie na nakaupo sa sanga ng puno, pero hindi niya ito masyadong inisip. Gulat niyang tiningnan ang miyembro ng kanyang team. "Leche! Little Sweetie, masyado na bang matagal ang pamamalagi mo dito sa buriall hill kaya sinapian ka na ng multo? Bakit mo sinasabi ang mga bagay na labag sa iyong konsensya?"

Balisang-balisa ang dayuhan na tagabuhat ng bricks. Agad niyang winagayway si Nameless Nie, pinapatigil niya itong magsalita.

Gayunpaman, hindi pa rin siya naintindihan ni Nameless Nie at patuloy niyang pinagsusumpa ang kanyang pamangkin...