Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 882 - Ako ang gumagawa ng mga patakaran

Chapter 882 - Ako ang gumagawa ng mga patakaran

Hindi ba't mamamatay na dapat si 9th master? Bakit nandito siya at mukhang maayos naman ang itsura niya?

Ginawa lang nila iyon sa babaeng itp dahil naisip nila na mamamatay na si 9th master at si Si Ming Li na ang mamumuno ng pamilya...

Ang atensyon ni Si Ye Han ay nasa isang tao lamang. Hindi niya tiningnan ang mga taong nasa paligid niya at lumapit lamang siya papunta sa babae...

Lumalim ang madilim niyang mga mata ng makita niya ang dark chamber.

Doon niya nakita ang babae na may suot na pulang bestida. Nakapatong ang itim niyang mga buhok sa kanyang balikat, napakaganda ng mapula niyang kutis at kulay cherry blosssom na labi. Sa nakakatakot at madlim na chamber, sita ay parang rose na namumukadkad - kakaiba ang kagandahan na nagsisilbing liwanag sa kadiliman...

Huminto ng saglit si Si Ye Han at tumayo siya sa harapan ni Ye Wan Wan. Bumibigat ang paghinga niya habang namumuo ang galit sa kanyang mga mata. "Bakit hindi ka pa rin umaalis?"

Ngumiti si Ye Wan Wan. Ang mga mata niya ay parang napakaraming bituin sa kalangitan. "Hinihintay kita! Paano kung nagising ka at hindi mo na ako nakita?"

Maliban kay Si Xia, may isang inaasahan rin na tao ang biglang dumating sa Jin garden ng gabing iyon at gusto nitong tangayin si Ye Wan Wan. Gayunpaman, nakapag desisyon na siya na manatili na lamang at hindi niya susundan ang taong iyon.

Sa pagkakataon na ito, nahikayat ni Ye Wan Wan ang taong iyon na mag-kompromiso… uh, mas mainam nang hindi alam ni Si Ye han ang tungkol doon...

Hinihintay kita...

Paano kung nagising ka at hindi mo na ako nakita...

Gumimbal ang puso ni Si Ye Han habang tinitingnan niya ang babaeng nakatayo sa harapan niya na sinasabi ang mga salitang iyon nang nakangiti. Sa oras na iyon, biglang lumamig ang simoy ng hangin...

Siguro dahil masyadong madilim ang kulungan kaya kinilabutan ang lahat ng nandoon.

*Swish* tinanggal ni Si Ye Han ang kanyang blazer at pumunta siya kay Ye Wan Wan upang ibalot ito sa katawan ng babae.

Nakakatakot ang itsura ni Si Ye Han; parang isang demonyo na lumabas sa impyerno. Niyakap niya si Ye Wan Wan at mahiyain na nagsalita ang babae, "Bakit ang tagal mo… sobra akong natakot dito…"

Guard A: "…"

Guard B: "…"

Torturer: "…"

Isang tao na nakahiga sa lapag: "..."

Tiningnan ni Si Ye Han si Xu Yi.

Mabilis na nilabas ni Xu Yu ang kanyang phone at lumapit siya kay Si Ming Li.

"AH— AH AH AH AH— DAD, SAVE ME! SAVE ME!"

"AH— AH AH AH AH— DAD, TULUNGAN MO AKO! TULUNGAN MO AKO!"

Maririnig ang nakakatakot na sigaw ni Si Yi Jie na nanggaling sa receiver.

"YI JIE!!!"

Kasing puti ng papel ang mukha ni Si Ming Li.

Nagpapagaling pa si Si Ye Han nitong kamakailan lamang kaya hindi na siya nakikipaglaban pa. Nakalimutan na jiya kung gaano ka-tapang ang lalaking ito.

Tinakpan ni Si Ye Han ang tenga ni Ye Wan Wan dahil ayaw niyang iparinig kay Ye Wan Wan ang mga nakakatakot na hiyaw ni Si Ye Jie.

Pagkatapos nito ay tiningnan niya ng masama si Si Ming Li. Ang mga mata niya ay walang emosyon. "Simula ngayong araw, tinatanggal ko na ang lahat ng tungkulin ni Si Ming Li at siya ay aalisin na sa family clan. Hindi siya pwedeng makasama sa family clan hanggang sa mamatay siya."

Nagulat ang lahat nang marinig nila ang sinabi ni Si Ye Han.

"A-ano!!!" Nag-iba ang ekspresyon ni Si Ming Li. "Bakit mo gagawin iyon?! Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo - hindi umaayon ang parusa na ito sa mga patakaran! Si Yie Jie na ang kumuha ng parusa na dapat ihahatol sa akin, 'di ba?"

Akala niya na ang pinakamalalang mangyayari sa kanya ay ang mapipilayan ang kanyang anak dahil sa status niya sa Si family, pero sinong mag-aakala na wala palang puso si Si Ye Han?

"Hipag…" tiningnan ni Si Ming Li si old madam na nasa gilid.

Hindi pinansin ni old madam si Si Ming Li at wala siyang pakialam dito.

"Kuya! Magsalita ka naman! Hindi ko makausap ng maayos si master. Bakit wala kang pakialam?!"

Mahigpit na sinara ni Si Ming Li ang kanyang kamao at nag-iba ang ekspresyon ng mata niya.

Si Si Ye Han ang master ng Si family ngunit hindi lamang siya ang nagko-kontrol sa Si family!

Umabante si Si Ming Rong at malalim ang kanyang boses nang magsalita siya, "Masyadong seryoso ang parusa, master. Walang parusa sa family rules!"

Si Ye Han: "Wala ba?"

Naramdaman ni Si Ming Rong ang basang pawis na bumabalot sa kanyang katawan nang dumapo sa kanya ang tingin ni Si Ye Han. "Oo…"

Tiningnan ni Si Ye Han ang lahat ng tao na handang depensahan si Si Ming Li, sumagot siya nang walang pakialam, "Meron na ngayon."

Mga patakaran?

Ako ang gumagawa ng patakaran ng pamilya.