Chapter 877 - Hindi siya patay

Sa labas ng ward:

Si Xu Chang Kun ay may mabigat na emosyon. "Kailangan nating mag-isip ng paraan - ito ay masyadong delikado para kay Miss Wan Wan na dalhijn ng mga tao ni Si Ming Li ng ganun. Ngunit may sakit ang old madam at ang kabuuan ng pamilyang Si ngayon ay kinikontrol ng mga matatandam ang aming aksyon ay minamanmanan din…

Nang marinig iyon ni Xu Yi, tumingin siya sa kanyang ama at nag-aalangan magsalita.

Simula ng sinabi ni Dr. Sun na mayroon na lang siyang anim na buwan para mabuhay, naghahanda na ang 9th master sa kanyang sariling "kamatayan" at inaasahan na mangyayari ang bagay na tulad nito.

Inaakala niya na mayroon lamang isang resulta… na si Miss Wan Wan mismo ay hindi nais na umalis…

Tangina! Bakit kailangan maging ganito ang mga bagay-bagay, ang kalusugan ng 9th master ay bumubuti...

Sa loob ng ward:

Pinikit ni Dr. Sun ang kanyang mata at nakapokus sa pagtingin ng pulso ni Si Ye Han. "Maghintay tayo ng kaunti..."

Ang chief specialist, na nakasuot ng puting coat, ay mukhang nagmamalaki habang siya ay nagsasalita na may pagsang-ayon na tono: "Old sun, kahit na ikaw ang top expert sa Chinesse medicine, wala pa ding duda sa kondisyon ni Si Ye Han. kailangan natin silang sabihan kaagad. Kung hindi, baka hindi na nila magagawang makita siya sa huling pagkakataon!"

Kapag nahaharap sa ekspertong tanong, si Dr. Sun ay kakaiba. Siya ay nagsisinungaling, "na may naiipong problema, siya ay natural na may mahirap na Qi at daloy ng dugo. Ang dugo ang nagdudulot ng barado sa ilalim ng kanyang puso sa matagal na panahon. Matapos dumura ng dugo si 9th master, kahit na ang kanyang katawan ay talagang mahina na at tila ang kanyang buhay ay nasa bingit na, ang katotohanan na ang kanyang mga kanal ay malinis na ngayon. Ngayon, siya lamang ay nattutulog ng mahinbing at kailangan ng oras upang mapabuti.

Nang marinig ng chief specialist si Dr. Sun, binigyan niya ito ng tingin ng pangmamata. "Old Sun, ang lahat ng ito ay iyo lamang palagay! Ngunit ang meron ako ngayon ay ang stats ni Si Ye Han na nagsasabi na hindi na siya magtatagal ng kalahating araw!"

Noon, siya ay matibay na tagapagtanggol para sa surgery, ngunit sa huli, pinili ni Sun Bai Cao na hayaang sumubok ang babaeng iyon. Mas mabigat ang mga sinasabi ni Sun Bai Cao kaysa sa kanya - ang old madam at ang master ay pinagkakatiwalaan siya at ngayon na naging ganitoo ang mga bagay bagay, siya ay talagang kumbinsido sa kanyang sariling palagay.

Pare-parehas lang ang sinabi ng ibang mga doktor. Siya ay mamamatay na, paano ito maituturing na pagtulog?

*Cough…"

Habang pinag-uusapan ni Dr. Sun at ang grupo ng eksperto ang kondisyon ni Si Ye Han, isang mahinang ubo ang kanilang narinig mula sa loob ng ward.

Ang lahat ng eksperto at doktor ay kaagad na bumalik sa kama ng ospital.

Ang kanilang nakita ay ang lalaking, na "nagsistensya ng kamatayan," dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata. Ang kanyang tingin ay hindi madilim at walang buhay tulad ng tao na mamatay na. Sa halip, ito ay maayos at masigla.

"Si… Mr. Si…"

Sa parehong oras, ang mga eksperto ay nagulat ng makita sa monitor, ipinakita dito na ang lahat ng vital signs ni Si Ye Han ay bumubuti na…

Sa may kama ng ospital, pakiramdam ni Si Ye Han na para bang siya ay nag lakad ng mahabang, mahabang kalsada. Pagkagising niya, maayos ang kanyang pakiramdam; ang kanyang buong katawan ay masakit.

Dahan-dahan niyang nilibot niya ang kanyang tingin sa paligid at sa wakas, ito ay huminto sa sinag ng araw na sumisilip sa pagitan ng mga dahon sa labas ng bintana

Akala niya na ang dulo ng kalsada ay ang kanyang magiging katapusan at hindi niya inaasahan iyon…

Hindi pa siya patay…

Wan Wan… ang lahat ng paghahanda ay nakaayos na…

Sa sandaling ito… dapat umalis na siya…

Nagkakagulo ang mga eksperto. "D-d-d-dali… sabihin ninyo sa mga matatanda…"

Sa labas ng ward, si Si Ming Li, na umalis upang ihanda ang lilibingan ni Si Ye Han sa hall ng punirarya, ay madaling bumalik at sinabi kay Si Ming Ruo, "second brother, hinanda ko na ang lahat. Ang lahat ay naka-ayos na!"

Tumango ng walang matamlay si Si Ming Rong. "Sige…"

Tila mayroong ingay na nagmumula sa ward saka binuksan ang pintuan at nag si labasan ang mga eksperto.

Nang makita niya ang chief specialist, na nagsabi sa kanila na maghanda ng libingan, siya ay napayuko, butil ng malamig na pawis ang nagsimula ng mamuo sa kanyang mukha.

Bumigat ang kanilang mga puso ng makita ng ekspresyon ng specialist. Maaring ang master ay… patay na…