Tumingin si Ye Wan Wan kay Si Ming Rong at sa grupo ng mga matatanda. "Ang ikalawang tito at ang lahat ang matatanda ay nandirito, sana lahat kayo ay kayang tiising saksihan kung ano ang sinabi ng ikaapat na tito."
Ang lahat ng mga matatanda ay may hindi magandang ekspreson at tingin ng isang pangmmata; hindi sila sumangayon sa iniiwasang pag-usapan ni Ye Wan Wan.
Tumingin si Si Ming Li sa gulo na kinakaharap ng pamilyang Si ngayon at nakaramdam ng panghihinayang - hindi niya dapat pinayagan ang master na gawain ang nais niyang gawin. Kung pinakisamahan nila ang babaeng ito una pa lang, wala sa sitwasyong ito ang mga bagay-bagay.
Kung nakumpleto nila ang organ transplant sa oras na iyon, mayroon pa sanang ilang taong pa na mabubuhay ang master.
Matapos magsalita, naglakad si Si Ming Li sa tabi ni Si Ming Rong at magalang na sinabi, "second brother, hindi maganda ang pakiramadam ng kapatid natin ngayon at kailangan mong ayusin ang mga bagay bagay sa ospital. Hayaan mo ankong makipag-usap sa ganitong maliliit na bagay! Sisiguraduhin ko na masusi kong titignan ang babaeng ito!"
Tumingin si Si Ming Rong kay Si Ming Li at hindi nagsalita - ito ay katumbas sa tahimik na pag-apruba sa mungkahi ni Si Ming Li.
Nang makita na hindi sumang-ayon si Si Ming Rong, kaagad na tumayo si Xu Chang Kun. kahit na hindi sumang-ayon si Miss Wan Wan sa operasyon, ginaw aniya lang ito para sa kapakanan ng kalusugan ng master at walang sinuman ang mag-aakala na magiging ganito. Paanong basta basta na lang namin aakusashan si Miss Wan Wan ng pinagplanuhang pagpatay ng ganun ganun lang! At saka, si master ay hindi…"
"XU CHANG KUN!" Suminghal si Si Ming Li at inabala siya, "paano ka nakakapagsabi ng mga bagay na kasuklam-suklam dahil lang sa niligtas ng babaeng ito ang iyong anak noon, huh?"
Xu Chang Kun: "nagsasabi lang ako ng totoo!"
"Ang totoo ay inakit niya lang ang aming master at pakikipagsabwatan laban sa buhay ni Si Ye Han, na nagdulot ng kaguluhan sa pamilyang Si! Ang babaeng ito ay gumawa ng krimen laban sa pamilyang Si; sino ka para depensahan ang isang kriminal?!"
"Ikaw, Si Ming Li…"
Humakbang si Ye Wan Wan at tinulak ang galit na galit na si Xi Chang Kun. si Ye Wan Wan ay hindi sang-ayon na tumingin kay Si Ming Li, na ngumingiti, ang sinabing, "kaya kong pumunta sa kulungan, pero sana naman, hindi magmakaawa ang fourth uncle na palabasin ako."
"Hahahaha, nakakatawa!" suminghal ng malamig si Si Ming Li, "Miss Ye, sa mga bintang na itom pinapangarap mo bang makalaya!"
"Dalhin siya!!!"
"Oo!"
Isang pares ng mahuhusay at dalubhasang bodyguards ang lumapit at pinalibutan si Ye Wan Wan, dinla siya.
Nang makita na sa wakas hawak na niya ang babae, nakaramdam si Si Ming Li ng lakas at ang lahat ng kanyang alinglangan ay napawi!
P*ta, ito ay napakasimple para sayo na isipin na magagawa mong makaalis sa kulungan ng pamilyang Si ng buhay!
Sa kasalukuyang kondisyon ni Si Ye Han, maari siyang mamatay kahit anong oras, ay ang lahat ng matatanda ay naghihintay sa loob ng ward. Hindi sila naglakas loob na umalis. Nagboluntaryo na si Si Ming Li na paghahanda para sa libingan…
…
Sa kulungan ng pamilyang Si:
Sa sandaling tumapak sa loob si Ye Wan Wan, isang malimig ang dumaloy sa kanyang likuran. Mayroong isang madugong amoy na kumakalat sa hangin, na may halong amoy panis at ang amoy ng kalawang ng bakal. Ito ay talang nakakasuka.
"Ah ah ah--" katakut-takot na sigaw ang nagmula sa kalaliman ng daanan.
Matagal na hindi narinig ni Ye Wan Wan ang lugar na ito. Ang mga tao na nakukulong dito ay mga traydor ng angkan ng pamilya at kasama ang mga nunal na patagong tinanim ng kanilang kalaban - ito ang pinakamadilim na lugar sa teritoryo ng pamilyang Si.
Siya ay napakamatatakutin na simula ng siya ay bata pa at siya ay takot sa dugo. Kung ito ay ang nakaraan, maaring siya ay takot sa kamatayn kung nasaksihan ang ganitong nakakakilabot na maduguang eksena. Gayunpaman, marahil sa gami ng kanyang pinagdaanan, hindi siya nababalisa sa sandaling ito.
Ang dalawang tao na sumama sa kanya at mga pinagkkatiwalaan ni Si Ming Lu. nang makita kung paano matuliro si Ye Wan Wan, inakala nila na siya ay natakot.
Ang isa sa kanila ay nagsalita sa pagbabantang tono, "ngayong mayroon kang lakas ng loob makipagsabuwatan laban sa pamilya, magiging ganito ka tulad ng mga taong ito!"