Chapter 869 - Gusto mo bang pumunta?

Mabilis na sumingit si Feng Yi Ping, "Old madam, napaka-importanteng kasosyo ng mga Mu sa Si Corporation - kailangan mas sanay na kasama ang dapat sumama kay master!"

Kahit na hindi binanggit ni Feng Yi Ping ang pangalan niya, halata naman na si Qin Ruo Xi ang tinutukoy niya.

Sumulyap ang old madam sa dalawa, "Sa nakaraang taon, mag-isa lang pumunta si Ah-jiu at maayos naman ang naging lagay, tama?"

Noon, hindi niya kasama si Ye Wan Wan pero ngayon kasama niya na ito, kaya paano ito magiging tulad ng dati?

Kung magdadala ng babaeng kasama si Si Ye Han sa ganitong klaseng kaganapan, magiging iba ang dahilan nito.

Mabilis na sabi ni Si Ming Li, "Ate, mag-isa lang pumunta noon si master, kaya syempre walang mga isyu. Nag-aalala lang ako na may hindi makaalam sa ugali niya at maging bastos ang pagtrato niya sa kilala nating bisita! Gayunpama, si Miss Ye ang kasintahan ni master sa sandaling ito, pero nobya niya pala ito - tingin ko hindi pa siya kwalipikado na salubungin ang importanteng bisita kasama ang ating master…"

Alam ng old madam ang iniisip nila Feng Yi Ping at Si Ming Li, pero kamakailan lang, nakita niya mismo kung gaano nagsikap si Ye Wan Wan para kay Ah-jiu at inalagaan niya itong mabuti. Masigasig din siyang mag-aaral at gusto na pagbutihin ang sarili, nagiging mas maasahan. Sadya niya itong sinusuportahan.

Lumingon ang old madam sa kanyang apo, "Ah-jiu, ano sa tingin mo?"

Si Si Ye Han, na pinapahinga ang kanyang mga mata, ay namulat at hindi sumagot. Sa halip, lumingon siya sa babaeng nasa tabi niya, "Gusto mo bang pumunta?"

Ye Wan Wan: "Uh…"

Anong klang tanong iyan? Kung pupunta ako, ayos lang at kung hindi, ayos lang din naman iyon...

Tulad ng inaasahan, nang makita nila Si Ming Li at Feng Yi Ping kung paano umakto si Si Ye Han, ngumiwi ang mukha nila sa galit.

Walang magawang umiling ang old madam at sumulyap sa kanyang apo. At direktang sinabi kila Si Ming Li at sa iba, "Sige, sige, maaga pa naman, may oras pa si Ye Wan Wan para matuto kung hindi niya alam protokol. Hindi naman malaking bagay. Maayos na ang bagay na ito!"

"Old madam…"

Gusto pa sanang magpatuloy ni Si Ming Li, pero sayang - mahigpit sina old madam at Si Ye Han dito at wala na siya sa lugar para magsalita pa.

Malumbay na umupo si Si Ming Li doon. Kumikibit ang mapayat niyang mukha.

Putek! Ang tagal na! Bakit hindi pa patay ang g*gong ito!

Hindi ba sinabi nila na hindi siya mabubuhay sa loob ng anim na buwan? Lagpas na ang anim na buwan!

Mula nang matanggap niya ang balitang mamamatay si Si Ye Han, pinigilan niya ang sarili at araw-araw nag-antay. Inaantay niya ang araw na mamatay si Si Ye Han, pero sinong mag-aakala na hindi inatake ng sakit ang kanyang mahahalagang bahagi at bilang resulta, sa halip ay bumubuti ang kalusugan ni Si Ye Han kada araw...

Hangga't nabubuhay ang bastardong ito, kailangan niya mamuhay na parang aso sa mga Si at patuloy na maging masunurin.

Tsaka, hindi niya pa nakukuha ang kanyang paghihiganti sa b*tch na si Ye Wan Wan sa pang pilay sa binti ng kanyang anak at nagawa niya na lang pigilan ang kanyang galit - ni hindi niya mahawakan ang isang hibla ng buhok mula dito...

Sabi ng old madam kay SI Ye Han, "Ah-jiu, kukuha ako ng guro para i-train siya sa pagtuon sa magandang asal, ayos ba?"

Si Ye Han: "Hindi na kailangan."

Madiin na sinabi ni old madam, "Kailangan ito - makakabuti kay Ye Wan Wan para mas matuto pa at magagamit niya ang mga husay niya sa hinaharap."

Sumagot si Si Ye Han. "Hindi na kailangan ng guro, ako na mismo ang magtuturo sa kanya.

Ye Wan Wan: "..." sinusubukan mo ding pakainin ang old madam ng pagkain ng aso, huh! Tama na iyan, eh!

"Ang batang ito.."

Tumawa ang old madam. Lumuwag ang kanyang loob nang makita kung paano magkasundo ang dalawang bata.

Kung pwede lang na mas bumuti pa ang kalusugan ni Ah-jiu...

"Tapos na ang pagpupulong."

Matapos na matapos ang kanilang pagpupulong, tumingin si Si Ye Han sa kanyang orasan at inanunsyo ang katapusan ng kanilang pagpupulong.

Nakinig si Si Ye Han sa old madam habang tumayo siya, pero nang tumayo siya, namutla ang kanyang mukha at nanigas ang kanyang katawan.

"Ah-jiu… ano 'yon?" nang mapansin nila na kakaiba ang kilos ni Si Ye Han, sabay na tumingin ang old madam at Ye Wan Wan sa kanya.

Inangat ni Si Ye Han ang kanyang braso na para sabihin na ayos lang siya, pero nang magsasalita na siya, sumuka siya ng dugo at mas namutla pa ang kanyang mukha. Matapos noon, isang malakas na "bang" ang narinig nang bumagsak siya...

"AH-JIU—"

"MASTER!!!"

Humapit ang mga mata ni Ye Wan Wan. Nagulat ang old madam at mga matatanda na naroroon at nagkagulo ang buong lugar...

Related Books

Popular novel hashtag