Chapter 867 - Gusto ko ‘yung adrenaline

Nang gabing iyon, niyaya ni Gong Xu ang mga pasaway niyang kaibigan sa bar para maglasing.

"Ah! I'll be a single dog forever, single and lonely. When the nights are dark and quiet, does anyone hear my cries…" niyakap ni Gong Xu ang mikropono at emosyonal na kumanta.

Hindi niya inaasahan na magiging ganito siya kahabag-habag na maabuso na siya ng dalawang lalaki!

"Ay, tama na nga iyan. Ganyan ba talaga ang mga lyrics?" Halos mabuga na ni Tang Xing Huo ang alak sa kanyang bibig dahil sa pagkanta ni Gong Xu. Niyapos niya ang braso sa mga balikat ni Gong Xu at hindi alam kung tatawa o iiyak. "Dog Balls Gong, single ka pa din? Ganoon ba talaga kaganda iyong candied plum o candied sweet?"

"Huwag mong insultuhin ang aking Little Candied Plum!" agad na tinignan siya ng masama ni Gong Xu na para bang batang lobo na pinoprotektahan ang pagkain. "Iron Pillar Tang, alam mo ba ang talagang hangarin ko sa buhay?"

Napaangat ang mga kilay ni Tang Xing Huo. "Ano iyon?"

Gong Xu: "Bakit hindi ako magkaroon ng…"

Napa-irap si Tang Xing Huo. "Kamuhi-muhi ka lang! Gusto mo ang ang saya!"

Naghinagpis si Gong Xu, "Ano bang alam mo, huh! Ano pang punto kung ganoon kasimple? Gutso ng kuya mo ang adrenaline!"

Tang Xing Huo: "Sana mamatay ka mula sa adrenaline balang araw!"

Matapos na makabalik siya nang gabing iyon, matamlay na dumaing si Ye Wan Wan.

"Kasalanan mo kasi pinagpapanggap mo ako bilang lalaki. Malapit na lang mababaliw na ako!"

Kaswal na sumulyap si Si Ye Han sa kanya. "Hindi ba ikaw ang naka-isip niyan?"

Napakurap si Ye Wan Wan. "Uh…"

Parang ako nga, oh….

"Pero dahil sa mga hindi mo makatwirang patakaran tulad ng walang mang-aakit sa mga lalaki at sa itsura ko, halos imposible nang magawa iyon…" daing ni Ye Wan Wan.

Ay, hindi solusyon sa akin ang pagsisinungaling, tama...

Kama-kailan lang, naka-isip siya ng ideya para umalis sa Jin garden para magtrabaho at dahil sa parte din siya ng mga Ye. Dahil sa mga nangyayari, kung pumunta siya para kitain si Chu Hongguang, hindi siya paniniwalaan basta-basta ng matandang soro na iyon.

Kaya sa labas, gamit ang pagkatao bilang si Ye Bai ay nakakabenepisyo sa kanya pero sa loob...

Madalas niyang nakakasama sina Gong Xu, Luo Chen at Han Xian Yu, at mga insidenteng tulad nito ay paniguradong mangyayari sa hinaharap...

Kung alam ni Han Xian Yu at Luo Chen ang totoo niyang pagkatao, hindi ito magiging malaking isyu dahil sa maasahan ang dalawang ito at hindi nila basta-basta ibubuka ang bibig nila. Hindi sila mga lalaking sasagpang sa sinumang magandang babae na makakasalubong nila, na nakapag-alis ng mga potensyal na pagseselos.

Ang totoong maligalig ay si Gong Xu...

Noong gabing iyon, sa labas ng kanyang apartment, nakapanlalaking suot pa siya at halos pasabugin na ni Gong Xu si Si Ye Han...

Sa una, akala niya na may panandaliang sigasig si Gong Xu at hindi magtatagal. Sinong mag-aakala na hindi siya susuko matapos ang matagal na panahon? Kapag nalaman niya na siya si Little Candied Plum...

Ang imahe… tsk tsk tsk...

Kaya naman, napagpasyahan ni Ye Wan Wan na si Gong Xu ang target kung saan kailangan niyang maging maingat.

Kinabukasan.

Pumunta si Mo Xuan sa Jin garden para i-check up si Si Ye Han.

Bago siya umalis, tinawag siya ni Ye Wan Wan sa gilid para kausapin siya.

"Dr. Mo, kamusta si Ah-jiu ngayon?" tanong ni Ye Wan Wan.

Nakikita niya ang pagbubuti ng kalusugan nito pero hindi siya sigurado sa psychological nito.

Tinignan ni Mo Xuan si Ye Wan Wan na may hindi mabasang ekspresyon. Nagbuntong hininga siya at sabi, "Miss Ye, ang tanging trabaho ko lang ngayon ay suriin siya kada buwan at kahit na madalas ito, malamig pa din ang pagtrato sa akin at pinapalayas sa loob ng limang minuto. Ngayon, nasa bingit na ako sa pagkawala ng aking trabaho, kaya ano sa tingin mo?"