Chapter 861 - Ang Pagmamayabang

Desedido na silang dalawa na magpakasal, pero dahil hininto ni Ye Wan Wan ang engagement sa kaarawan ng kanilang lolo, nagulat su Gu Yue Ze at napahiya siya kaya hindi na niya ito tinuloy.

Dali-dali siyang pinahinahon ni Ye Mu Fan dahil natatakot siya na baka maapektuhan ng balita si Ye Wan Wan, "Wan Wan, walang kwenta kung malulungkot ka sa lalaking iyon… kung nalulungkot ka, tutulungan kitang bugbugin siya!"

Walang magawa si Ye Wan Wan pero nalugod siya sa sinabi ni Ye Mu Fan, "Hindi na ako bata, ge…"

Napakurap siya at tiningnan niya si Ye Mu Fan. "Ge, narinig mo na ba ang kasabihan na: 'Parati mong naiisip ang ex mo dahil ang bago mong kasintahan ay…"

Napagtanto ni Ye Mu Fan ang pinaparating ni Ye Wan Wan nang marinig niya ang sinabi nito kaya agad siyang umentra ng may seryosong itsura: "Dahil hindi sapat ang bago mong kasintahan, 'di ba… hindi mo na kailangang magmayabang, okay? Naiintindihan ko na na ang bago mong kasintahan ay mas maayos kaysa sa ex mo…"

Tumawa si Ye Wan Wan. "Anong iniisip mo? Kailan pa ako nagmayabang? Gusto ko lang sabihin na nasira ang utak ko kaya parati kong iniisip ang ex ko noon, pero bumalik na ulit ang IQ ko! At siyempre, dahil gwapo ang baby ko at kaya niyang patumbahin ang buong siyudad ay isa sa mga mahalagang rason kung bakit ko siya mahal…"

Ye Mufan: "…"

Inikot niya lamang ang usapan namin, hindi ba't pagmamayabang ito!!!

Malalim na ang gabi sa Jin garden:

Nasa salas si Si Ye Han habang abala niyang inaasikaso ang mga tungkulin niya. Napansin lamang ito nang gamitin niya ang salas bilang silid ng pagta-trabahuan niya.

Maingat na nakatayo sa isang gilid si Xu Yi.

Nagiging maayos na ang kalusugan ni master. Maraming tumambak na trabaho sa kumpanya at dahil abala rin si Miss Wan Wan, hindi naging regular ang pagkikita nilang dalawa. Gayunpaman, parating pa rin inaalam ni Ye Wan Wan ang buhay ni master kay Xu Yi.

Matagal na tinitigan ni Xu Yi ang manhid at nakakatakot na mukha ni master hanggang sa hindi na siya nakapagtimpi at kanyang sinabi, "Master… pwede mo pong puntahan si Miss Wan Wan… may surpresa naman siguro kapag nagsama ang dalawang tao…"

Walang kaalaman si master sa dating kaya nababalisa si Xu Yi kapag pinapanood niya si master at si Miss Wan Wan.

Si Ye Han: "Surpresa…"

Paulit-ulit na tumango si Xu Yi dahil natatakot siya na baka hindi pa rin alam ni master kung ano ang dapat niyang gawin kaya dali-dali siyang nagpaliwanag, "Isipin mong mabuti - hindi ba, natuwa ka noong pinuntahan ka ni Miss Wan Wan sa kumpanya upang makipagkita siya sayo?"

Si Yehan: "…"

Kahit na manhid ang kanyang master, alam ni Xu Yi na masaya si master noong nangyari iyon, kaya pinagpatuloy niya ang kanyang sinasabi, "Kaya kung pupuntahan mo si Miss Wan Wan sa kanyang opisina at dadalhan mo siya ng dessert o munting regalo, hindi ba't masusurpresa siya doon?"

Kuminang ang mga mata ni Si Ye Han nang bigla niyang makita sa kanyang isip ang lalaking tinawag siyang "boring"...

Pumili ng mapalad na panahon ng pag-anunsyo si Ye Wan Wan sa pagsama ni Han Xian Yu sa kumpanya.

Tulad ng inasahan nila ang kinalabasan - nanahimik na lamang si Cai Yong Sheng at hindi na niya tinangkang lumaban sa kanila.

Nagpahayag ng opisyal na pahayag ang Worldwide at binati nila si Ye Bai sa kanyang bagong kumpanya. Pagkatapos ay pinuri nila si Han Xian Yu at nagbigay sila ng kanilang kahilingan sa artista, tulad ng "Umaasa kami na magkaroon siya ng maganda at matagumpay na kinabukasan" at marami pa - ito ay isang kakaibang ugali na pinakita nila kung ikukumpara sa paninira nila sa kumpanya ni Ye Bai noon...

Malinaw kay Chu Hong Guang ang nararamdaman ng publiko kaya wala silang makukuha kung susubukan nilang kalabanin sila Ye Wan Wan at ang kumpanya niya, kaya mas mainam nang magbigay lamang ng pagpupugay at blessings sa kanila.

Habang papunta sa kumpanya si Ye Wan Wan, bigla siyang napangiti nang makita niya ang Weibo post ng Worlwide.

Pinapakita ni Chu Hong Guang na kunwari, siya ay isang galanteng tao ngunit ang toto niyan, galit na galit siguro siya kay Ye Wan Wan at hinihiling niya siguro na mawala at maging bakrupt ang kumpanya, tama ba?