Chapter 843 - Maganda sa mata

Ha, hinihila ko pababa ang kagwapuhan nila?

Nagalit si Ye Mu Fan, "Hinila mo naman pababa ang IQ naming tatlo, pwede ba?!"

Bago pa sila makapag-away pa, lumapit si Ye Wan Wan at pinaghiwalay sila. "Sige, sige, dalian niyo at magpalit na kayo!"

Malamig na nanuya si Gong Xu at lumapit kay Ye Wan Wan, "Ye-ge, sabay na tayong magpalit!"

Hindi makaimik si Ye Wan Wan, "..." Nasa eskwelahan ka ba, bata?

Bakit kailangan sabay tayo...

Bago pa mas mainis si Ye Mu Fan, mabilis na sinabi ni Ye Wan Wan, "Mauna na kayo. May kailangan akong pag-usapan kay chief editor Chai."

Paano naman ako makakapagpalit kasama sila...

Maya maya, nakapalit na din ang apat sa kanilang mga suot at isa-isang lumabas sa dressing room.

Nang sabay sabay na lumitaw ang apat na tao sa harap ng lahat, napasingap ang lahat ng nasa studio...

Diyos ko! Ito… Masyado itong maganda sa mata, eh!

Totoo nga, mas gwapo ang lalaki kapag nakasuot siyang pangpormal.

Hindi naman mas mababa ang itsura nila Ye Bai at Felix sa dalawang artista. May sariling katangian ang apat nang magkasama na silang tumayo; mayabang at marilag si Gong Xu, si Luo Chen ay kalmado at mahiyain, si Felix naman ay talentado at kahali-halina habang si Ye Bai ay marangal at matamlay. Nang nakatayo silang apat na magkakasama na suot ang parehong suit, para itong isang pintura - nakakawili ito sa mata.

Nag-apoy muli ang dugo ni Xiao Yu Tong. Kinuha niya ang kanyang kamara at nagagalak na sinabi, "Gawin na natin ito - Mr. Ye, umupo ka sa gitna habang nasa kanan mo si Gong Xu at si Luo Chen sa kaliwa mo. Felix, atras ka kaunti… Mr. Ye, hindi mo kailangan baguhin ang itsura mo. lumubay ka lang at maging kaswal… oo, 'yan, 'yan… ganyan nga… perpekto…"

"Click" "click" Patuloy ang tunog ng pagpindot ng kamara at tuluyan ng nakatuon si Xiao Yu Tong sa kanyang trabaho. Sa una, gusto niya lang kumuha ng isang litrato pangpublisidad pero nagtagal siya sa pagkuha ng mga shot.

Pinakita ni Xiao Yu Tong ang mga litrato kay chief editor Chai at sabik na sinabi, "Chief editor, tignan mo ang mga 'to. Ano sa tingin mo?"

Mabilis na sinuri ni Chai Yong Li ang mga litrato sa kamara at nagulat. Mabilis siyang lumapit kay Ye Wan Wan, "Mr. Ye, pwede bang pumili kami ng ilan sa mga litratong ito at ilagay sa interview?"

Agad namang sumagot si Ye Wan Wan, "Ayos lang."

Libre natataguyod ang dadating nilang kumpanya, kaya bakit hindi?

Kasunod ng shooting, sumunod sila Luo Chen at Gong Xu sa VIVI magazine sa S City para sa shoot sa labas at maayos na natapos ang photoshoot para sa cover.

Ipinarehistro nila Ye Wan Wan at Ye Mu Fan ang kumpanya, nagrenta ng isang gusaling pang-opisina at naglagay ng pahayad sa pagkuha ng mga tao online para gumawa ng grupo.

Samantala, sinusubukang pigain ng Dazzling Media ang bawat halaga mula kay Gong Xu at Luo Chen; wala silang ginawa para sa publisidad ng dalawang tao at sumubok ng iba't ibang mga paraan para mapabagsak sila. Sinabi nila lahat sa industriya na huwag magtrabaho kasama sila at pinagbawalan ang mga artista mula sa Worldwide na makasama sila sa anumang paraan.

Bilang isa sa mga namumuno sa industriya na kasing tatag ng Emperor Sky, madaming tao ang tumingin sa Worldwide. Bilang resulta, nalagay na mahirap na sitwasyon ang kumpanya sa sandaling naayos ito at hindi pa nakakuha ng isang trabaho hanggang ngayon. Ang tanging proyekto nila… ay isang sanitary towel advertisement…

Umupo si Gong Xu sa sofa at iginalaw-galaw ang kanyang mga binti. Wala siyang pakialam. "Bakit ang lungkot niyo? Trabaho pa din naman, 'di ba? Anong problema sa isang sanitary towel ad? Gagawin ko! Sinong may sabing mga artistang babae lang ang pwedeng tumanggap ng sanitary towel advertisement!"

Sumulyap si Luo Chen kay Gong. "Ako gagawa…"

Tinignan siya ng masama ni Gong Xu. "Tumabi ka! Buti pa ang young master nakatulong nang bumili ng mga ganoon noon sa mga girlfriend ko. Isa ka lang birhen - paano mo naisipang mag-endorso sa isang sanitary towel ad? Alam mo ba kung ano magiging itsura mo? Nandadaya ka ng mga mamimili, alam mo ba?