Dahil sa istress, tila bang iritable si Chai Yong Li. "Anong binubusisi niyo dyan? Mag-ayos na kayo!"
"Opo!"
Nagkalat na parang mga ibon ang mga tao.
Ang photographer, na si Xiao Yu Tong, ay nakasuot ng malinawag at komportableng dry-fit na shirt at naglakad sa kanyang maliit na puting sneakers. "Boss, anong style theme ang ishoot nating ngayon?"
Kinurot ni Chai Yong Li ang kanyang mga kilay at naghagis ng mga dokumento kay Xiao Yu Tong. "Sundan niyo na lang ito!"
Tinignan ito ni Xiao Yu Tong - isang modernong istilo na nakaayon sa pamantayan ng lipunan.
Lumapit si Ye Wan Wan at magalang na sinabi, "Teacher Xiao, chief editor Chai, pwede ko po kayong kausapin dalawa?"
"Ano iyon?" pagkunot ng mga kilay ni Chai Yong Li.
Sabi ni Ye Wan Wan, "Naniniwala ako sa propesyonalismo niyong dalawa, pero bilang isang manager, tingin ko wala nang mas makakaintindi pa sa mga artista ko. Ito ang ilang mga tema na nagawa ko base sa mga istilo nila Gong Xu Luo Chen. Dinesenyo ni Felix ang mga damit at kung tingin nila chief editor Chai at teacher Xiao na nababagay ito, baka pwede natin 'tong subukan?"
Tinignan ni Chai Yong Li si Ye Wan Wan at kinuha ang dokumento mula sa kanya.
Sa una, mabilis niyang sinuri ang mga pahina, pero nang makarating siya sa mga huling pahina, nanigas ang kanyang itsura at maigi niyang sinuri ang mga nilalaman. "Ito…"
Kailangan niyang aminin na dahil sa presyon mula sa Beauty at dagdag pa nito ang biglang pag-alis ng artista, alam niya na matatalo na siya, kaya hindi na siya masyadong nagsikap sa tema. Gayunpaman, sa sandaling ito, nakita na pinaghirapan ni Ye Bai ang minumungkahi nito.
Hindi sila minadali ni Ye Wan Wan at tahimik na nakatayo lang sa gilid.
"Yu Tong, tignan mo 'to." pinasa ni Chai Yong Li ang dokumento sa photographer.
Tinignan ito ni Xiao Yu Tong at nagliwanag ang kanyang mga mata. "Interesado ang disenyong ito. Siguro pwede nating subukan…"
Lumingon siya kay Ye Wan Wan at humingi ng paumanhin. "Mr. Ye, pasensya na po. Dahil sa limitadong oras, hindi kami nakapaghanda ng maayos."
Hindi naman nag-abala si Ye Wan Wan at sabi, "'Wag kang mag-alala. Kung hindi dahil sa mga artistang hindi tumutupad sa usapan, hindi tayo magiging maswerte na makuha ang tsansa na mapunta tayo sa cover."
Gumaan ang pakiramdam nila Chai Yong Li at Xiao Yu Tong nang marinig ang sinabi ni Ye Wan Wan.
Matapos mapag-isipan, sabi ni Chai Yong Li kay Ye Wan Wan, "Mr. Ye, doon na lang tayo sa temang plano mo!"
Ye Wan Wan: "Maraming salamat, chief editor Chai!"
Matapos na maayos nila ang tema, pumasok sa dressing room sina Luo Chen at Gong Xu para maghanda.
Inaayos ng mga trabahador ang senaryo at inaayos naman ng photographer ang lighting habang nag-antay sa sofa sina Ye Wan Wan at Ye Mu Fan.
Mukang nabahahala si Ye Mu Fan. "Wan Wan, dalawang lalaki na magkasama sa cover - gagana ba talaga 'yon?"
Kahit na malaki ang tiwala niya sa mga disenyo niya para sa dalawa, kung iisipin, hindi maikukumpara ang lalaki't babae sa cover kaysa sa dalawang lalaki, 'di ba?
Hindi na nagpaliwanag pa si Ye Wan Wan. "Tignan natin kapag lumabas na ang resulta."
Ye Mu Fan: "Siguro…"
Matapos na mag-antay sila, lumabas si Gong Xu mula sa dressing room.
Nang makita nila si Gong Xu, kumislap ang kanilang mga mata.
Pansamantalang may kulay na pula ang buhok ni Gong Xu. Nakasuot siya ng marangyang kahel na leather flight jacket at may suot din na Dr. Martens boots. May ilang mga dugo ang nakaukit sa gilid ng kanyang labi at sa maputi niyang mukha, may makikita na maliit na nakauslong na ngipin sa gilid ng kanyang bibig.
Kasunod nito, lumabas na din si Luo Chen sa dressing room...