Natigil ang lalaking nakasuot ng itim na colllar ng makita niya si Si Ye Han.
Ilang sandali lang ang nakalipas, lagi niyang pinaniniwalaan na talagang walang babae na makatatanggi sa kanyang karisma.
Inakala niya na ang babaeng ito ay hindi nasiyahan sa kanya dahil lang sa hindi niya pa ito nasusubukan...
Ngunit ng makita niya ang lalakin sa may pintuan, naintindihan na rin niya sa wakas ang pagkakaiba ng langit at lupa...
Hindi nakakapagtaka na ang babaeng ito ay walang pagbabago sa kanyang itsura ng makita niya ito.
Ang limang mercenary ay paiyak na. Sa simula, gusto nilang makakuha ng brownie points at curry favor sa kanilang bagong master, pero sinong mag-aakala na makakakuha sila ng "huli sa akto" ng pangunahing asawa.
Habang sila ay nagmamanman mula sa kusina, iniisip nila bakit ang maalamat na Black Widow, na kilala sa hindi pag didiskrimina sa pamigat ng kahit anong lalaki, ay biglang isang vegetarian.
Ngunit ngayon, ito ay biglang tumatak sa kanila na hindi siya isang vegetarian, ngunit… siya ay "dominado ng asawa"?
Totoo, ang kasabihan, "ang lahat ay may kahinaan"...
Sinong mag-aakala na ang Black Widow, na hindi nakukulangan sa mga lalaki, ay naunang mahulog sa lalaking ito?
Sa may sala, ang lima sa kanila ay nagpatangay sa kani-kanilang isipan.
Walang pakialam si Ye Wan Wan sa kung ano ang iniisip nila. Tinignan niya ang bawat isa sa kanila at sinabing, sabihin ninyo sa akin kung sino ang taong ito at bakit biglang nasa loob ng bahay?"
At sa sandaling ito, pinigilan ni Ye Wan Wan ang kanyang galit. nagdidilim ang kanyang paningin at mas nakakatakot pa siya kaysa kay Si Ye Han.
Nanginginig ang kanilang mga paa sa sobrang takot; sila ay nagtinginan at hindi na tinangkang magsalita pa.
Nagtago sa likuran ng matandang housekeeper ang munting Lolita. "Mmmm-master… Wala akong alam…"
Piningot ng mataba ang kanyang tenga at kinamot ang kanyang pisngi saka sinabing, "master, siya… siya ang bagong katulong na kinuha namin!"
Sumigaw ang balbas-saradong lalaki, "Master, siya ay isang assassin!"
Ye Wan Wan: "…"
Maaari bang magkasundo kayong dalawa sa inyong sinasabi bago kayo magsalita? Ito ang magiging dahilan ng akin pagkamatay, okay?
Sa totoo lang, hindi naman na kailangan ni Ye Wan Wan na isipin kung ano ang nangyayari. Sa wakas, matapos niyang pisilin ang kanyang kilay, siya ay sumenyas sa kanila. "Paalisin mo ang lalaking iyon."
Dali!
Ang lalaking naririto ay para bang may hawak ng isang orasan ng bomba. Dali at paalisin ninyo siya sa harapan ni Si Ye Han.
Ang matabang lalaki at ang balbas-saradong lalaki ay tumango saka kaagad na tumayo at pinaalis ang lalaki...
"Bilisan mong umalis, sige na, sige na…"
"Dali, dali, dali…"
Pinulot ng lalaki ang kanyang damit mula sa lapag at dahan dahang tumayo saka naglakad patungo sa may pintuan.
Nang banggitin niya ang nangyari kay Ye Wan Wan, tumingin siya kay Si Ye Han saka tumingin kay Ye Wan Wan at marahang sinabi, "madam, hindi nakapagtataka kung bakit hindi ka natuwa sa akin. Aaminin ko na hindi ako talaga maikukumpara sa kanya pagdating sa itsura, pero…"
Pero ano?
Napakunot si Ye Wan Wan. Bigla siya nagkakaroon ng pakiramdam sa kanyang susunod na sasabihin na ito ay hindi maganda.
Huminto ang lalaki, tumawa, saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Pero madam, hindi mo mahuhusgahan ang isang lalaki sa kanyang itsura. Kung siya ay boring, siya ay wala lang maliban sa isang dekorasyon. Hindi ka ba sumangayon, madam?
Ye Wan Wan: "..." Sumangayon mo papa mo!!!
Mabilis na nagpakita ng hindi siguradong ngiti ang lalaki at binabaan ang kanyang boses, ngunit naririnig parin siya ni Si Ye Han. "Madam, kapag nagbago ang isip mo, tawagan mo lang ako. Para sayo, ibibigay ko ito ng libre oh~"
Ye Wan Wan: "…"
Matapos magsalita ng lalaki, siya ay lumingon pakaliwa. Ang limag mercenary ay sobrang nanginginig na nagsimulang kuskusin ang kanilang mga kamay. Bwisit, bakit biglang lumamig?
Mabilis tumakbo kaysa sa kuneho, kaagad na umalis ang limang tao.
Sa wakas, si Ye Wan Wan na lang ang natira sa may sala hinaharap ang great devil na walang lakas ng loob tignan...
Tang*na, napunta sa gulo kahit na nakaupo lang ako sa bahay nagiisip…