Chapter 834 - Maghanda ng malaking piging

Ganap na hindi makapagsalita si Ye Wan Wan - siya ay nagtanong ng isang katanungan si Ye Wan Wan sa kanila ngunit walang sino man ang sumagot, pero ng siya ay nagpadala ng pulang pakete, ang bawat isa sa kanila ay mabilis na kumuha ng isa...

[Famous Ye:…]

Nagpadala ng isang ellipsis sa group chat si Ye Wan Wan.

Matapos nila kunin ang pulang pakete, bigla ulit tumahimik na para ba itong isang patay na grupo.

Hindi ito binili ni Ye Wan Wan at nagpadala ulit ng panibagong pulang pakete sa group chat.

Ito ay mabilis pa din nakuha...

Habang tinitignan ang record ng limang taong kumukuha ng pulang pakete, hindi makapagsalita si Ye Wan Wan.

Halos maghahapunan na ng makita iyon, binaba ni Ye Wan Wan ang kanyang telepono, umakyat sa taas upang mag shower at nagpalit ng damit.

Nang siya ay bumalik sa baba, nakahanda na ang lahat ng pagkain.

Umupo si Ye Wab Wan at kumagat. Sa kanyang pagkakagulat, ito ay masarap.

"Master, ka… kamusta?" Nautal si Heidi at tumayo sa may hilid, natatakot na baka ipaalis ng black widow ang pagkain kapag hindi niya ito nagustuhan.

Kung siya ay gwapo, may pagkakataon na siya ay kanyang magiging boy toy, ngunit sa kanyang itsura, tanging tinatrato lang siya ng black widow bilang isang pataba [1].

"Hindi na masama."

"Heh heh, ayos, ayos. Sa totoo lang, dati akong chef pero matagal na panahon akong hindi nakakapagluto. Nawalan na akong pagsasanay. Huwag ka mag-alala master, paghuhusayan ko ito!" Ginawa lahat ni Heidi upang ipakita ang kanyang katapatan. "Hindi ko muna guguluhin ang master -

Sa may kusina:

Limang tao ang nagsisiksikan sa loob, nagts-tsismisan.

Sumilip ang munting Lolita kay Ye Wan Wan, na nasa may sala, at napasigaw, "Wow, ang ganda ni master kapag siya ay nakapang damit na babae at mukhang magara naman kapag nakadamit bilang isang lalaki. Mukha din siyang madaling pakisamahan!"

Tumingin sa kanya ang mataba. "Tangang babae, anong alam mo? Pakitang-tao lang iyan - pumapatay siya ng tao na para bang nagtatabas ng lino, naliligo sa dugo ng tao at pinapakain ang buto ng tao sa mga aso! Madaling pakisamahan? Katapusan na ng mundo mo kapag siya ay nagalit!"

Tuloy-tuloy na tinango ng balbas-saradong lalaki ang kanyang ulo. "Tama!"

Nag-aalala ang lalaking may mahabang buhok. "Ay, nakatira tayo sa iisang bubong. Paano tayo titira kasama siya…? Paano kung isang araw hindi maganda ang mood ni master… hindi ba iyon na ang katapusan para sa ating lahat?"

Ang balbas-saradong lalaki at ang mataba ay nagtinginan saka nagpakita ng nangangambang tingin. "Huwag na kayong mag-alala diyan; napaghandaan na na namin ito ni taba!"

"Ah? Handa? Anong hinanda ninyo?" hindi naintindihan ng lalaking may mahabang buhok.

"Anong hinanda, anong hinanda?" siyasat ng munting Lolita.

"Tabi, naghanda kami ng isang malaking piging para sa binibini" ngumisi ang mataba.

Lalaking mahaba ang buhok: "Piging…?"

Little Lolita: "…???"

Sa may sala, kumakain si Ye Wan Wan.

Sa una, niyaya niya si Si Ye Han na pumunta para tignan ang kanyang bagong bahay, ngunit mayroon siyang kailangan gawin at kailangan pumunta sa isang business trip kaya hindi siya makapunta.

Nang paalis na sana siya papuntang trabaho matapos niyang kumain, mayroong mga yapak sa may pintuan.

"Pasensya sa abala, hel-hello…" Isang lalaki ang lumabas sa may pintuan.

Ang lalaki ay gwapo ay mayroong magandang pigura. Ang kanyang karisma ay maihahalintulad sa isang superstar.

Maingat na tinignan ni Ye Wan Wan ang lalaki at bahagyang nagliwanag ang kanyang mga mata - kung ang 10 marks ang full score, ang puntos ng lalaking ito ay nasa siyam.

Matapos iyon, kahina-hilang tumingin si Ye Wan Wan sa may estranghero. "Ikaw si?"

Mukhang bahagyang kinakabahan ang lalaki at dahan-dahang anglakad papunta kay Ye Wan Wan na para bang siya ay nakakatakot na halimaw. "Ako.... ako…"

Sumimangot si Ye Wan Wan. "Ano?"

Tinikom ng lalaki ang kanyang mga labi at hindi nagsalita. Basta-basta na lang niya inalis ang kanyang coat at nagpakita ng isang hindi inaasahang aninag ng shirt sa loob, at mayroon din isang itim na kwintas sa kanyang leeg…

Saka yumuko ang lalaki at lumuhod sa harap ni Ye Wan Wan. "Andito ako para pagsilbihan ka, madam… Pakiusap, madam, masiyahan kayo…"

Ye Wanwan: "…?!"

HUH?

WHAT THE HE**?!  

Related Books

Popular novel hashtag