Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 830 - Ikaw ang dahilan kung bakit kasing ganda mo ang isang bulaklak

Chapter 830 - Ikaw ang dahilan kung bakit kasing ganda mo ang isang bulaklak

Hindi aprobadong tumingin si Ye Wan Wan sa comment at maindayog na kinatok ang kanyang mga daliri sa coffee table.

Matapos niyang umalis sa Dazzling, ang kanyang unang punto ng paharang ay ito...

Ang shoot para sa magazine cover...

Aasa ako dito upang… baligtarin ang opinyon ng publiko!

Sundan ang pagsasaayos ng Internet, Maraming malalaking media platforms ang nagsama at ang malalaking kumpanya ay wala ng kakayahan upang kontrolin ang direksyon ng opinyon ng publiko maliban kung ginamit nila ng awtoridad ng gobyerno ng bansa. Isinaalang-alang ang estado ng Worldwide, wala pa sila sa level na iyon.

Gayunpaman, kung gustong ng Worlwide na kontrolin at palitan ang opinyon ng publiko o tanggalin sila mula sa balita tungkol sa industriya, sila ay hindi masisiyahan.

Ito ang panahon kung saan ang lahat ay may pagkakataon upang maging isang star.

Kahit pati ang isang taga benta ng beancurds sa daan ay sasabog sa katanyagan mula sa isang litrato lang; nakadepende sa kung sino ang may alam kung paano i-operate at sunggaban ang oportunidad na iyon...

"Ah ah ah ako si fuming! Maglo-log ako sa Weibo at mumurahin ko ang bastardong iyon hanggang sa mamatay ngayon! Ama (I) sa halip mas gugustuhin ko pa ang isang baboy kaysa sa pangit na freak na iyon!" Si Gong Xu ay sobrang galit na ang kanyang manggas na itinaas ay muntikan ng mapunit.

Napasimangot si Luo Chen at sinabi, "Sa mga ibinigay na insidenteng iyon, wala itong gamit kahit na subukan mo pang patunayan na ikaw ay inosente. Sa halip, sa sandaling tumapak ka lalo lang lumala ang mga bagay-bagay at sa kasalukuyan nating sitwasyon, walang sino man ang maniniwala sa kahit anong sasabihin natin."

Tumango si Ye Mu Fan. "Tama, Gong Xu, kumalma ka. Si Cai Yong Sheng ay nagkakandarapa upang labanan mo sila ngayon!"

Namula ang mata ni Gong Xu sa galit. "Uupo na lang ba tayo at walang gagawin? Nandidiri ako sa tuwing nakikita ko ang aking pangalan kasama ang babaeng iyon!"

Ang tatlo sa kanila ay sandaling nag sagutan sa galit bago sila kusang lumingon sa lalaking nakaupo sa gitna ng sopa...

Nakita nilang lahat na si Ye Bai ay nasa elegante at kalmadong sitwasyon. Halos wala siyang kahit isang kunot sa kanyang noo at hinuhusgahan ang kanyang ikinikilos, tila siya ay mayroong hinihintay.

Tumingin si Luo Chen sa mata ni Ye Bai at ito ay para bang nakatingin sa langit na puno ng bituin at ang pagkabalisa na nararamdaman niya sa kanyang puso ay kaagad na kumalma...

"Ye-ge, magsalita ka. Hindi natin kayang gawin ito o iyon - hindi na talaga ako maka-isip ng kahit anong solusyon ngayon…"

"Huwag ka magmadali, mangyayari din iyon." Tumingin si Ye Wan Wan kay Gong Xu at tumawa, "sa iyong IQ, hindi mo na kailangan pang mag-isip ng solusyon para sa ganito ka komplikadong problema. Ikaw ang dahilan kung bakit kasing ganda mo ang isang bulaklak."

Sandaling na blangko si Gong Xu saka siya namula at ang dulo ng kanyang mga tenga ay nag-aapoy sa init. Pati ang estado ng pagka-depressed ng kanyang pag-iisip ay nawala at siya ay sumunggab kay Ye Bai sa kanyang gwapong mukha. "Ye-ge ge, pakiusap pakasalan mo na ako!"

Isang malakas na pakiramdam ng seguridad, tama!

Ang mukha ni Ye Mu Fan ay naging itim tulad ng ilalim ng isang paso. Sumugod siya na parang isang pana at muling pinigilan si Gong Xu...

Hinawakan ni Ye Mu Fan si Gong Xu, na nanigaw ng malakas, hinigpitan hanggat maaari at siya ay tumitig sa kanyang nakababatang kapatid ng masakit ang ulo. TAMA NA 'YAN! Magpakita ka ng pagpipigil?! Talaga bang gagawin mo siyang bakla kung magpapatuloy kang ganito!

Habang sila ay nagkakagulo, tumunog ang telepono ni Ye Wan Wan.

Tumingin si Ye Wan Wan sa caller ID at sinagot, "hello, chief editor Cai?"

Ang inaantok na boses ng lalaki ang lumabas mula sa tawag: "Vice president Ye… hindi, pasensya, ibig kong sabihin Mr. Ye, sinabi mo na may paraan ka upang mapunta ang aming VIVI magazine sa mataas na sales volume kaysa sa Beauty - totoo ba iyon?"

Ye Wan Wan: "Siyempre."

Mayroong katahimikan sa kabilang linya saka sinabi niyang, "wala ng punto pa para isama si Gong Xu sa aming cover. Inaamin ko na dahil sa insidente ni Lucy Yang at ang pag-alis ni Gong Xu mula sa Worlwide, umunlad ang kanyang kasikatan, ngunit hindi ito sapat upang makuha ang aming sales volume upang malagpasan ang Fashion!"

Ye Wan Wan: "Hindi ko sinabing si Gong Xu lang."

Nagulat si Chief editor Cai. "Anong ibig mong sabihin? Sinasabi mo ba na na magso-shoot din tayo ng duo? Pero… sino ang magiging babaeng artista? Kung sino man siya, hindi siya magkakaroon ng maraming atesyon kaysa kila Gong Xu at Lucy Yang ngayon, diba? gayon pa man, napakadali lang ito para sa mga bagay upang gawin ang kabaligtaran ng ninanais na epekto…"

Ye Wan Wan: "Babaeng artista? Syempre hindi."

Chief editor Cai: "Kung gayun sino…"

Ye Wan Wan: "Luo Chen."