Chapter 822 - Selos mo pwet ko!

Sa lumipas na tatlong araw na wala si Ye Wan Wan, hindi mapigilan si Cai Yong Sheng at kinuha niya ang lahat ng nakuhang resources ni Ye Wan Wan sa ibang mga artista. Ang masaya pa doon, binigay niya ang lahat ng ito kay Lucy Yang at sobrang niyang tinapakan si Gong Xu at Luo Chen.

Kahit na nangunguha lamang ng pabor si Cai Yong Sheng, marami pa rin siyang nakukuha na benepisyo sa nanggaling sa HQ tulad ng pagpapasok niya sa loob ng training school, nakakuha rin siya ng tsansa upang mag-aral sa abroad, at nakakuha pa siya ng role sa production team. Makukuha niya ang ma ito kapag binigay na niya ang kanyang mga "offerings."

Alam ng lahat sa sasailalim sa malaking pagbabago ang Dazzling at naghanap sila ng oportunidad upang makaraya dito. Noon, sa management ni Ye Bai, amg mga artista na may kakayahan ay pwedeng manatili at umaasa ang lahat sa kanilang abilidad upang makakuha ng resources. Ngunit ngayon, nagpapakahirap magisip ang mga talentadong artista kung paano makakuha ng pabor sa bagong direktor ng talent recruitment.

Empleyado pa rin si Ye Bai, kahit na mahusay siya, habang si Cai Yong Sheng naman ay ang pamangkin ni Chu Hong Guang. Siya malamang ang mamumuno ng kumpanya sa hinaharap.

Makalipas ang tatlong araw.

Live recording na ng Imperial City sattelite TV na "Totally In Love."

Dinala ni Cai Yong Sheng ang maganda na si Lucy Yang na naka-high heels at sinamahan siya ng kanyang assistant, make-up artist, stylist, at halos walang bodyguards na nakasunod sa likod niya - ito ang tunay na palabas ng kadakilaan.

Nakakapanliit ang pananalita ni Cai Yong Sheng nang ipinaalalahanan niya si Ye Mu Fan, "Head stylist Felix, ito ang pinakaunang variety show na nakasama si Lucy. Gawin mo ng maayos ang trabaho sa pag-style sa kanya; mataas ang inaasahan ko sayo!"

Tsk, anong vice chairperson ng Fashion Association? Sa huli, empleyado pa rin siya ng Worldwide!

Pinapahirapan siya ni Cai Yong Sheng dahil alam niya na magkamag-anak si Ye Wan Wan at Ye Mu Fan - tinanggihan niya ang lahat ng assignments ni Ye Mu Fan at pinapunta siya dito upang i-style si Lucy Yang.

Lumiit ang mga mata ni Ye Mu Fan at tiningnan niya ang oras sa kanyang phone, pinilit niya ang sarili niya na kumalma.

Patapos na siguro si Wan Wan… sa ginagawa niya..

Kalahating oras ang inabot ng makeup ni Lucy Yang. Sampong minuto na lamang ang natitira noong aayusan na sila Gong Xu at Luo Chen. Buti na lang at maganda na kutis ng dalawa kaya light makeup na lamang ang kailangan nila, nalamangan kaagad nila ang mga baguhan.

"Okay, ladies ang gentlemen, welcome. Sa ngayon, sasabihin ko lang sa lahat ang programa nitong linggo!" Lumapit ang direktor.

Ang programa na ito ay may pagkakataon ang mga artista na maging malayang maipakita ang ugali nila sa oras na iyon, ngunit ang buong programa ay scripted. Kung paano sila aarye, kung anong sasabihin nila, kung anong mga parte ang nakakatawa at napagdesisyonan na rin ang first, second at third place winners.

Sinimulan na ng direktor ang mahirap na preparasyon at inayos sila sa iba't ibang grupo. Pagkatapos niyang magsalita sa mga naunang mga grupo, bigla siyang humarap kayla Luo Chen, Gong Xu, at sa iba.

"Luo Chen, magiging team kayo nila Lucy Yang at Gong Xu, ka-team mo so Xiao Ying. Para makuha natin ang atensyon ng mga manonood, kailangan natin simulan sa isang nakakapanabik na labanan. Ang nakalagay sa script ay may gusto si Luo Chen at Gong Xu kay Lucy Yang, ngunit ang taong kakampihan ni Lucy Yang ay si Luo Chen, Gong Xu, kailangan mong ipakita ang pagkaselos at galit…"

Gong Xu: "…"

What. the. f*ck?

Selos mo pwet ko!

Nagpatuloy ang direktor, "Ayon sa ating script, si Luo Chen at Lucy Yang ang mananalo sa laro mamaya. Lalapit sj Lucy Yang kay Luo Chen at yayakapin niya ito. Magagalit ng sobra si Gong Xu kaya susugurin niya si Luo Chen at magkakaroon sila ng malalang labanan…"

Tumawa ng malakas si Gong Xu, "Bakit ang bobo ng script na ito? Gaano ka-bobo ba si young master (ako) para gawin ito? Bakit ako magkakagusto sa isang ugly freak at bakit ko kakalabanin ang lalaking ito?"