Sumugod si Gong Xu dahil sa sobrang galit niya. Dinuro niya ang ilong ni Cai Yong Sheng at sinigawan niya ito, "Papa mo tataas! Sumisiksik ka sa kasikatan ko, pero pinaparating mo pa na ako ang nakakalamang sa sitwasyon na ito! Balit napaka-walang hiya mo?! Ito ang sasabihin ko sayo - gamitin mo na ang mga bala mo dahil hindi ka hihintayin ni young master (ako)! Gusto mong makalamang sa akin? Alamin mo muna kung gusto ko o hindi!
Pinahiya ni Gong Xu si Cai Yong Sheng sa harap ng maraming mga tao kaya ngumiwi ang mukha ni Cai Yong Sheng. Sumagot siya nang mababa ang boses niya, "Gong Xu, tingin mo pa rin na ikaw ang great young master ng Gong Xu family, huh? Importanteng kolaborasyon ito, sa tingin mo ba ay pwede kang humindi dito? Ito ba ang asal ng mga artistang hawak mo, Vice-president Ye?"
Nag-iba ang ekspresyon ni Gong Xu. Ang pinaka-kinainisan niya ay ang sinabi ni Cai Yong Sheng na "tingin mo ba na ikaw pa rin ang great young master ng Gong family?" Uungol na sana siya sa sobrang galit nang biglang hinawakan ni Ye Wan Wan ang braso niya at humarap ito kay Cai Yong Sheng. "Walang karapatan ang mga outsiders na mag-komento sa kalidad ng artistang hawak ko."
Nanigas si Cai Yong Sheng. "Ikaw…"
Sa oras na ito, biglang nag-ring ang phone ni Ye Wan Wan at nakita niya sa caller ID na si Chu Hong Guang ang tumatawag sa kanya.
At video call pa nga ito.
Natuwa si Cai Yong Sheng nang makita niya ang phone ni Ye Wan Wan.
Kumonekta sa tawag si Ye Wan Wan. "Chairman Chu."
Sa video call, nakaupo si Chu Hong Guang sa isang malaking leather chair at seryoso siyang nagsalita, "Ye Bai, kapapasok pa lamang ni Yong Sheng sa kumpanya at baka may mga taong hindi siya papakinggan. Kailangan niya ang tulong mo sa maraming mga bagay. Naiintindihan mo naman ang sinasabi ko, 'di ba?"
Tulad ng inaasahan, tumawag siya upang balaan si Ye Wan Wan.
Sinadya niyang mag-video call upang ipakita sa lahat ng susuportahan niya si Cai Yong Sheng.
Tumayo sa isang gilid si Cai Yong Sheng at ngumiti siya, sumagot siya ng may nakakaawang boses, "Chairman Chu, sinusuportahan ni vice-president Ye ang artista niya at tumatanggi silang makipag-trabaho sa akin - lalo akong nahihirapan…"
Sinabi ni Ye Wan Wan, "Opo, Chairman Chu. Hindi magandang ideya para sa akin na magkasama ang dalawang tao sa cover ng issue at okay lang kung gusto mo itong mangyari, kailangan ko lang paalalahanin ang isang bagay kay Director Cai."
Lubhang sumigla si Cai Yong Sheng sa oras na ito at bigla niyang naisip. Hindi ba't mayabang ka na kanina? Kailangan mo pa rin na makinig sa akin sa huli!
Umangat si Ye Bai sa kumpanya dahil inayos niya si Luo Chen, ano naman kung may kakayanan siya o abilidad? Hindi ko kailangan ang mga bagay na iyon - basta't matibay ang suporta ko, kahit baliw ay kaya kong pasikatin!
Hihintayin ko ang araw na lilikha siya ng isang A-lister, pagkatapos ay kukunin ko ang lahat ng resources ni Ye Bai at gayundin sa mga artista niya. Panigurado na mapapa-sakin ang Dazzling kapag nangyari 'yon...
Tumango si Chu Hong Guang. "Ano iyon?"
Biglang sumabad si Cai Yong Sheng, "Haha, ano ang kailangang ipaalalahan sa akin ni vice-president? Sabihin mo na lang kasi."
Ye Wan Wan: "Kung ipipilit ni Director Cai na magsama si Gong Xu at Lucy Yang sa iisang cover, kailangang dalhin ni Director Cai ang mga kahihinatnan kapag lumabas na ang issue na ito - may problema ka ba doon, Director Cai?"
Kahihinatnan? Ano bang kahihinatnan ang sinasabi mo?
Nagagalit lang ang lalaking ito kasi sa akin napunta ang papuri sa kanyang trabaho, kaya gusto niya akong takutin at balaan, huh!
Alam ko na ang panlilinlang na ito.
Tinago ni Cai Yong Sheng ang pagka-inis sa kanyang mga mata at sinabi niya, "Siyempre, vice-president Ye. Ako kaya ang nakapag-close ng deal! Malamang, ako ang hahawak ng susunod na mga tungkulin sa kolaborasyon na ito!"
Ye Wan Wan: "Sige, dahil sumang-ayon na si Director Cai at Chairman Chu, hindi na ako tututol."
Pinakinggan ni Liang Chong ang usapan sa pagitan ni Ye Wan Wan, Chu Hong Guang at Cai Yong Sheng, at hindi siya tumutol dito. Sa halip, umarte siya na naaayon sa iminungkahi ni Cai Yong Sheng dahil alam niya na sinusuportahan ni Chu Hong Guang si Cai Yong Sheng.
Para bang nanalo si Cai Yong Sheng noong humarap siya kay Gong Xu. "Sumang-ayon na ang manager mo, Gong Xu - ipagpapatuloy mo pa rin ba ang pag-skandalo mo?"
Sumabog sa sobrang galit si Gong Xu, nang makita niyang sumangayon si Ye Wan Wan, "Ye-ge, bakit ako sasama sa isang cover na kasama ang ugly freak na ito? Ayokong gawin ito! Hindi sapat ang sahod dito para bayaran ang psychological damage na maidudulot nito!"
Ngumiwi ang mukha ni Lucy Yang nang marinig niya iyon. Ugly… ugly freak…?
Ngumiti si Ye Wan Wan. Napaka-sahol magsalita ng bastadong ito.
"Uutusan ko si Dong Zai na dalhan ka ng candied plums, pagkatapos ng shooting," sinabi ni Ye Wan Wan.
Gong Xu: "AYAW KO! Hindi ako madadala ng isang box ng candied plums mo! Isang box ng candied plums lamang ba ang halaga ng integridad ko, huh? Ano ba ako sayo?"
Ye Wan Wan: "Dalawang boxes."
Gong Xu: "... Saan na ang photographer, dali na! Huwag niyong sayangin ang oras ko!"
Ye Wanwan: "…"