Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 815 - Para sa maayos na kooperasyon

Chapter 815 - Para sa maayos na kooperasyon

Lumaki ang mga mata ni Liang Chong habang pinapakinggan niya si Cai Yong Sheng, Parang napanalunan na ni Cai Yong Sheng ang interes ni Liang Chong.

Kamakailan lang, ang karibal na magazine ng Beauty, ang VIVI, ay mahigpit ang kapit sa industriya kaya na-pressure si Liang Chong sa labanan na ito. Kung hindi, hindi niya rin naman kukunin ang artista na si Gong Xu na sikat nga pero walang reputasyon - normal lang na nakapangliliit ito.

Gayunpaman, Si director Ye ng Dazzling ay magaling makipag negosasyon kaya nilutas nito ang problema ni Liang Chong.

Hindi niya lang inasahan na biglang magbabago ng director ang Dazzling kaya ngayon, minumungkahi sa kanya ni Cai Yong Sheng na ipagsama ang dalawang tao sa cover niya. Kahit na hindi pa sikat at wala pa masyasdong reputasyon ang baguhan, gusto pa ring gamitin ni Cai Yong Sheng ang oprtunidad na ito para ipakita sa mundo ang artistang hawak niya. Malamang tataas ang sales volume ng magazine kung gayun.

At tsaka, nalutasan na ang problema niya dahil kay Gong Xu; wala namang magbabago kung gagamitin niyang panglutas ng problema niya ang baguhan para sa kanyang sales volume...

Kinikindatan ni Cai Yong Sheng ang babaeng artista na katabi niya, nang makita niya na nag-iisip isip na si Liang Chong.

"Chief editor Liang, gagawin ko ng maayos ang trabaho ko…" nagsalita si Lucy at nilagay niya ang kanyang kamay sa hita ni Liang Chong.

Matagal nang nasa industriya si Cai Yong Sheng at marami na siyang nakuhang benepisyo sa sarili niya, kaya hindi lang ang pagtaas ang sales volume ng Beauty magazine ang kaya niyang gawin, kaya bakit tatanggi si Liang Chong sa kanya?

Pinag-isipan ito ng mabuti ni Liang Chong, kaya sinabi niya, "Hindi naman lalabag sa kasunduan namin na magsama ang dalawa sa cover..."

Tuwang-tuwa naman si Cai Yong Sheng. "Napaka-diretso desisido mong tao, chief editor Liang. Kahilingan ko ang maayos na kooperasyon nating dalawa!"

Liang Chong: "Para sa maayos na kooperasyon!"

Kinaumagahan, mabilis na tumkbo si Ye Mu Fan patungo kay Ye Wan Wan.

"Wan Wan, sinabi ko na sayo noon pa man na ang sakim na si Chu Hong GUang, ay walang mabuting intensyon! Dinala niya si Cai Yong Sheng sa kumapanya upang kunin ang pinaghirapan mo!"

"Isang araw pa lamang siya sa kumpanya pero pinagsasabi na niya sa lahat na nakuha niy ang cover ng Beauty magazine! Punyeta, hindi ba't ikaw ang nakipagsunduan para sa cover na ito? Niyaya niya lang naman na kumain ang chief editor pero sa kanya napunta ang lahat ng credit?"

Lubhang nagalit si Ye Mu Fan sa tuwing iniisip niya ito. "Sinusuportahan ni Chu Hong Guang ang lalaking ito at lalo lang siyang magiging mayabang kapag nagpatuloy pa ito sa hinaharap. Mas mainam nang umalis at mag-resign kaysa manatili dito at magtimpi sa masamang ugali niya!"

Naglakad si Ye Wan at bumuhos siya ng isang basong tsaa para kay Ye Mu Fan at tinitigan niya ito. "Huwag kang magmadali. Hindi pa ngayon ang tamang oras."

Dali-daling sumagot si Ye Mu Fan, "Punyeta, muntikan ko nang makalimutan na hindi mo pa binabayaran ang bahay na nanggaling kay Chu Hong Guang - magkano ba kailangan mo? May pera ako dito - kunin mo na itong lahat!"

Kahit gaano pa kalaki ang kinikita ng stylist, wala ito kung ikukumpara sa kinikita ng artista o manager; at tsaka, hindi pa siya matagal sa trabaho na ito kaya hindi rin siya makakapag-ipon ng malaki.

Kasalanan niya ito dahil loko loko siya noon. Hindi sana naghihirap nang mag-isa si Ye Wan Wan kung mas maaga lang sana nagtrabaho si Ye Mu Fan.

Ang pinaka-kinakatakutan niya ay kapag nag-resign sila, saan sila mapupunta...

Hindi madali na magsimula kaagad at sumama sa ibang kumpanya...

"Hindi na - umaangat ka na rin at kailangan mo ang pera mo para sa ibang aspeto. Makakapag-ipon ako para mabayaran ko na ang bahay kapag nakuha ko ang salary ko itong buwan. Oo nga pala. Ano na ang nangyari sa isyu na sinabi kong ayusin mo?" tinanong siya ni Ye Wan Wan.

"Inoobserbahan ko ito ng mabuti - wala pang balita tungkol sa Imperial Sky shooting ng movie na binanggit mo sa akin, "sumagot si Ye Mu Fan at ngatataka siya nung tinanong niya, "Bakit mo inaalam ang tungkol sa shooting ng Imperial Sky?"

Biglang napaisip si Ye Wan Wan - sinisigurado niya lamang na ang mga bagay ay naaayos pa rin sa nangyari sa una niyang buhay.