Sa liblib na parte ng grove sa Jin garden:
Nag-iba ang mga itsura ng Dark Team guards nang marinig nila ang malayong pag-ungol ng tigre. "Uh, anong tunog iyon?"
Bumulong si Eleven "Si Slaughter yata ang umungol…"
"Tunog miserable ang pag-ungol ni Slaughter - anong kayang nangyari?"
"Nadakip kaya siya ni Miss Wan Wan?"
"Uh, nakaka… awa naman siya…"
Nagkatinginan silang lahat habang binabalot sila ng takot. "Hindi niya na lang pinabayaan ang tigre… siya ay isang… isang… halimaw…"
Kawawang Slaughter...
Biglang kinilabutan ang mga guwardiya nang marinig nila ang paulit-ulit na ungol ng tigre, habang nagtatago sila sa dilim...
Kailangan nating magtago ng maayos! Hindi tayo pwedeng mahanap ni… Miss Wan Wan...
…
Sa oras na iyon, kaharap ni Si Ye Han ang isang babae at isang tigre.
Si Ye Han: "Wan Wan, pakawalan mo si Slaughter."
Hindi niya pinakinggan ang mga sinabi ni Si Ye Han. Ipinagpatuloy niya lamang na kamutin ang balahibo ng malaking pusa. "Tsk tsk tsk, ang lambot, ang lambot! Ang sarap mo sa pakiramdam baby…"
Ang sarap sa pakiramdam…?
Dumilim ang mga mata ni Si Ye Wan Wan at nanlilisik sa lamig niyang sinabi, "Pumunta ka dito, Wan Wan."
Niyakap ni Ye Wan Wan si Great White at hindi niya ito pinakawalan. "Hindi. Hindi! Gusto kong kasama si Great White! Gusto kong kasama siya matulog!"
Magkasama silang matutulog...
Tinitigan ni Si Ye Han ang babae na nakadikit sa puting tigre at tinatrato niya ito na parang sanggol, ngunit biglang lumamig ang hangin na pumapalibot kay Si Ye Han.
Gayunpaman, walang napansin si Ye Wan Wan at tuwang-tuwa siya habang kinakamot niya ang malaking pusa.
Matagal na niyang gustong hawakan si Great White at ngayon na kaya niya nang gawin ito, hindi niya hahayaan na makawala siya ng madalian sa piling ni Great White!
Inudyok na naman siya ni Si Ye Han, "Wan Wan, ito na ang huling pagkakaton mo."
Nararamdaman niya na ang epekto ng alak kaya lalo nang nahihilo si Ye Wan Wan. Narinig niya ang boses na nasa loob ng kanyang tenga, naiirita siya sa boses na ito habang tuliro siya. Bigla niyang tiningnan ng masama ang mga anino na nasa likod ng mga dahon, "Sino ka... ang ingay mo… ginagambala mo kami ni Great White…"
Si Yehan: "…"
Biglang pumasok ang hangin kaya tinangay nito ang ilang mga dahon.
Nilamig si Ye Wan Wan kaya bigla siyang napa-bahing.
Sa oras na iyon, ang kanina'y gumagambala kayla Ye Wan wan at Great White ay biglang lumabas ng dilim at dahan-dahan na naglakad patungo sa kanila...
Walang makakapantay sa magandang manhid na mukha ng lalaking ito, para bang itinakwil siya ng langit at bigla siyang nagpakita sa harap ng moonlight. Ang background ay parang ink-and-wash painting.
Parang umuusok ang kanyang mga kilay. Mataas ang kanyang nose bridge, nanliliskk sa lamig ang kanyang mga mata at kulay cherry blossom ang kanyang mga labi niya, habang nakatitig siya ng masama kay Ye Wan Wan, na para bang galit na galit siya sa kahit sinong nabubuhay na nilalang…
Nabighani sa kanya si Ye Wan Wan habang tinititigan siya nito. "..."
Biglang huminto si Si Ye Han noong limang hakbang na lamang ang layo niya kay Ye Wan Wan, biglang hinawakan ng mahabang manipis niyang mga daliri ang kanyang kwelyo. Gumalaw ng kaunti ang kanyang mga daliri at biglang may "click" - tinanggal niya sa pagkakabutones ang itim niyang butones...
Una...
Pangalawang butones...
Pagkatapos niyang tanggalin ang mga butones, hinila ni Si Ye Han ang kanyang kwelyo kaya makikita ang maliit na parte ng kanyang collarbone...
Ang maingat niyang pagkatao ay biglang naging kakaibang kalidad ng pang-aakit...
Hindi kumurap si Ye Wan wan habang tinititigan niya ang nakaka-akit na lalaki na nasa harap niya. Hindi niya magawang ilayo ang paningin niya sa lalaki.
Nang matanggal ang pangatlong butones ni Si Ye Han, biglang umangat ang kanyang paningin. Kuminang sa madilim na gabi ang kanyang mga mata na para bang bituin at buwan. Humarap siya kay Ye Wan Wan at bigla niyang binuka ang manipis niyang mga labi at sinabihan niya muli ang babae, "Pumunta ka dito."
"Swish—"
Pagkatapos magsalita ni Si Ye Han, pinakawalan kaagad ni Ye Wan Wan ang puting tigre at mabilis siyang tumayo, kaya mabilis rin siyang tumungo sa gwapong nilalang.