Chapter 802 - Napakagaling

Nag-umpisang umiyak si Ye Wan Wan. "Si tita, hina… hinagis niya pa ang purselas na binigay ko sa kanya at sabi na ayaw niya sa mga mumurahing bagay at nandidiri sa pagsusuot pa lang - binili ko 'yon para sa kanya gamit ang buong buwan na sahod ko kaya sobrang nagalit ako at hinarap siya, pero sa huli, tinulak niya ako…"

"Huwad! Ikaw… ginagawa mo lang 'to!" nagalit si Liang Mei Xuan. Agad siyang lumingon sa dalawang matanda at nagpaliwanag, "Papa, mama, paano ko magagawa 'yon? Hindi ko siya tinulak! Siya ang sumampal sa akin ng dalawang beses!"

May mga luha ng tumulo sa pisngi ni Ye Wan Wan. "Tita, magsalita ka naman na may konsensiya. Kung hindi ka sumosobra sa mga sinasabi mo, kung hindi… kung hindi mo sinabi na mamatay sila lolo at lola balang araw - bakit ako magagalit ng sobra na nasampal kita?"

"Tsaka, kung hindi kita tinulak, edi binagsak ko ang sarili ko sa sahig? Kung hindi ikaw ang naghagis ng purselas, edi ako pala ang naghila no'n at hinagis sa sahig? Tita, mapang-api ka na talaga!"

"...!" sa sobrang galit ni Liang Mei Xuan. nanlaki ang mga mata niya at halos magsuka na siya ng dugo mula sa galit.

Hinulog niya ang sarili niya sa sahig at siya nga ang humila sa purselas ko at hinagis sa sahig, okay!

Tinawag niya lang naman itong 'mga bastardo', pero nakagawa na ng madaming mga kwento si Ye Wan Wan at gumawa ng kalang sa pagitan niya at ng dalawang matanda sa bawat salita.

Hindi naniniwala ang dalawang matanda sa sinasabi ni Ye Wan Wan sa una, pero sa pakikinig sa puntong ito at sa nakitang mga nakakalat na mga butil ng jade sa sahig, halos 70% na silang kumbinsido.

Kung si Ye Wan Wan ito sa nakaraan niyang buhay, hinding-hindi paniniwalaan ng dalawang matanda ang sinasabi ni Ye Wan Wan pero dahil sa maganda ang mga asal ni Ye Wan Wan kamakailan lang at natutuwa sila dito ngayong gabi, kaya mas kapani-paniwala ang mga sinasabi niya.

Mahigpit na tinignan ni Ye Hong Wei si Liang Mei Xuan.

Sa mga nakaraang taon, may malaking kapangyarihan ang malaking pamilya at nagiging arogante na sila, na parang wala ng mahalaga sa kanila.

Hindi pa ako patay, eh. Paano niya nasasabi na siya ang may salita sa bahay? Sino ang nagbigay ng awtoridad na ito sa kanya?!

Kahit na ang napalawak na pamilyang ito ang magmamana sa bahay na ito kapag dumating ang panahon, nagalit pa din si Ye Hong Wei...

"Papa, mama, 'wag kayong maniwala sa sinasabi ng huwad na ito. Sinusubukan akong pabagsakin ng huwad na iyan - pangako hindi ko sinabi ang mga bagay na iyon…"

"Tama. Lolo, lola, kaya kong patunayan iyon!" mabilis na sabi ni Ye Yiyi.

Pinunasan ni Ye Wan Wan ang kanyang mga luha at tumayo. Lumuhod siya at isa-isang pinulot ang mga butil ng jade sa sahig. Hindi na nagtangka pang magpaliwanag si Ye Wan Wan. Bagaman, sinabi niya, "Lolo, lola, pasensya na po, gumawa na naman ako ng gulo sa inyo. Akala ko na tahanan ko ito at talagang nagsusumikap akong magbago para maging angkop sa pamilyang ito. Pina… pinakawalan ko pa ang mahal ko sa buhay… pero ngayon, siguro nagkakamali ako…"

"Ge, tara na…"

"Ah? Oh…" nang tinawag siya ni Ye Wan Wan, nagising na ang diwa ni Ye Mu Fan at tulirong sinundan ang kapatid.

Nang maka-alis sila sa dating bahay.

Sa sandaling bumalik sila sa kotse, bumalik si Ye Wan Wan sa kanyang matamlay at kaswal na ugali na para bang ang maliit na kawawang babae, na nagdusa at naapi, ay imahinasyon lang ni Ye Mu Fan.

Napalunok si Ye Mu Fan. "P*ta… akala ko magaling akong aktor at tuwang-tuwa sa ginawa ko noong nakaraan, pero matapos na mapanood 'yung sa 'yo, ngayon alam ko na ang lebel ng husay ng pag-arte ng isang movie queen! Napakagaling! Nagulat ako at hindi handa talaga. Dapat binalaan mo man lang ako eh…"

Hinagis ni Ye Wan Wan ang mga butil ng jade na nasa palad niya at walang bahalang sinabi, "Pinatpatikim ko lang sila ng sarili nilang mga gamot."

Mahilig sa pag-arte ang mag-ina, 'di ba?

Tignan natin kung sino ang mas magaling na aktor.

Related Books

Popular novel hashtag