Kinabukasan, sa Dazzling Media:
"Tapos ka na din magsaya?" angal ni Ye Mu Fan.
Ngumiti si Ye Wan Wan, "Nagdala ako ng regalo para kay papa, mama at sa 'yo."
Bahagyang nagbago ang itsura ni Ye Mu Fan at bumulong, "Buti naman may konsensya ka!"
"Pupunta tayo sa dating bahay mamayang gabi, 'di ba?" tanong ni Ye Wan Wan.
"Oo…" nang binanggit ito ni Ye Wan Wan, nagdilim ang itsura ni Ye Mu Fan. "Pwede bang hindi na lang tayo pumunta? Maayos naman ang mga bagay sa atin? Bakit kailangan nating bumalik at maapi?!"
Tinignan siya ng malamig ni Ye Wan Wan. "Sinabi ko na sa 'yo 'to noon - kailangan mabalik mo ang mga Ye! Nakalimutan mo na ba kung paano nila tinrato sina mama at papa?"
"Oh…" napahiya si Ye Mu Fan nang tignan siya ng masama ni Ye Wan Wan at hinaplos ang kanyang ilong, "Syempre gusto ko din no'n, pero sa kakayahan natin ngayon at pagsira sa atin ni lolo't lola, kasing hirap 'to sa pag-abot sa langit…"
Tinignan siya ni Ye Wan Wan, "Tingin mo masyadong malaki ang tiwala nila lolo't lola sa kanila na hindi ito masisira?"
…
Kinagabihan sa dating bahay ng mga Ye:
Narinig ng dalawang matanda ang paglahok ni Ye Mu Fan sa pelikula at ang pagpanalo niya ng madaming award. Nalaman din nila ang pagiging bise presidente nito sa Fashion Association.
Kung hindi, hindi sila gagawa ng ganitong bagay tulad ng pag-imbita nila sa dalawa para sa hapunan.
Pagsalu-salo ng mga Ye ngayon, madaming mga kaibigan ang kamag-anak ang dumalo.
Sa sandaling dumating sina Ye Wan Wan at Ye Mu Fan, naka-akit sila ng kaunting atensyon.
Sa itsura nila, makatakaw-tingin ang dalawang magkapatid kapag magkasama sila.
Tinignan ni Tan Yilan ang magkapatid na nakawili-wili sa paningin, at nasiyahan ang kanyang itsura.
"Lola!" matapos na magising ni Ye Wan Wan, patuloy na naging maingat si Ye Mu Fan at lumapit sa dalawang matanda.
"Lola, may regalo po ako sa inyo ni lolo - tignan niyo po at sana magustuhan niyo!"
"Sapat na at narito ka. Bakit dinalhan mo pa kami ng regalo?!" kahit na 'yon ang sinabi ni Tan Yilan, nasiyahan pa din siya.
Binalot ni Ye Mu Fan ang kanyang braso sa braso ni Tan Yulan, "Naka-ipon akong pera, kaya syempre ang una kong gagawin ay bilhan kayo ng regalo!"
Nakahinga ng maluwag si Tan Yilan ng marinig iyo at sabing, "Mu Fan, nagiging matino ka na ngayon sa wakas. Kamakailan lang, hindi na masama ang mga ginagawa mo at nang makasalubong ko si chairman Mu, pinuri ka pa niya."
"Pinuri niya ba ako dahil sa magandang genes na nakuha ko kay lola - ang magaling mong panlasa sa fashion?"
"Oh, ikaw ah…"
Nang makita na masaya si Tan Yilan sa pansisipsip ni Ye Mu Fan sa kanya, nangalit ang ngipin ni Liang Mei Xuan.
Lumapit si Liang Mei Xuan at sabi, "Mama, dinig ko stylist si Mu Fan sa maliit na kumpanya ng Worldwide? Paano naman nagawang magtrabaho ng mga tauhan natin sa Emperor Sky para sa Worldwide? Kung lumabas ito, ano na lang iisipin ng mga tao…"
Nangutya si Ye Mu Fan, "Tita, masyado kang mababaw, huh? Tulad nga ng mga sabi-sabi, 'Matuto sa mga dayuhan para makakuha ng atas sa kanila.' Kailangan alam natin ang sarili at ang kalaban, para matagumpay tayong makakatayo - nagtatrabaho ako sa Worldwide para may malaman pa ako sa kanila at maintindihan kung paano sila magtrabaho."
Sa likod niya, lumapit ang old master Ye at tumango. "Makatwiran naman ang sinabi ni Mu Fan."
Wala nang masabi pa si Liang Mei Xuan. Puno ng paghinagpis ang mukha niya.
Hindi niya ito matiis at gustong magpatuloy nang may maliit na kamay ang humablot sa kanya, at pinipigilan siya.
May suot na magandang asul na evening gown si Ye Yiyi at lumapit kay Tan Yilan, "Lola, may maganda po akong balita - nakipagsunduan na po tayo sa Splendid Pictures para makipagtulungan para sa TV serye natin ngayong taon…"
Nang marinig iyon ni Tan Yilan, tinuon niya ang lahat ng atensyon niya kay Ye Yiyi. "Talaga?"
Ang Splendid Pictures ang pinakamalaking production company sa bansa, katumbas nito ang salitang "MALAKI".
Nang marinig ito ni Ye Mu Fan, lumumbay ang kanyang mga mata. Habang naghihirap siya sa maliit na kumpanya, nakaabot na si Ye Yiyi sa lebel na hindi niya makakamit...