Chapter 796 - Espesyal at talentado ako

Napahawak si Ye Wan Wan sa kanyang ulo. Bakit madami akong nakakasalubong na kakaibang mga tao simula nang mamuhay ako ulit?

Gayunpaman, simula nang mamuhay siyang muli, naging malakas ang kakayahan niya; para bang ibang tao siya, baka malito na ang sinumang tao at tuluyan nang mabaliw.

"Wala kang WeChat? Ano naman kung QQ?!" agad namang binigkas ng mabilis ng lalaki ang numero niya sa QQ.

Nilabas ni Ye Wan Wan ang kanyang telepono at walang nagawang ilagay ang QQ number ng lalaki.

Nang in-add nila ang isa't isa bilang friends. Nakita ni Ye Wan Wan na ang alyas nito ay "Lonely Top Dog" at ang litrato nito ay ang sarili niya. Kung hindi dahil sa maganda niyang itsura,

Mahirap ipaliwanag ang byograpya niya ng ilang salita lang: "Gaano kalungkot ang pagiging masupil, gaano kawalang saysay ang pagiging masupil, mag-isa sa tuktok kasama ang pag-ungol ng malamig na hangin, sinong makakaunawa sa aking kalungkutan"...

Ye Wanwan: "…"

Pinadalhan siya ni Ye Wan Wan ng $100 gamit ang app nang wala ng sinabi pa.

Ngumiti ang lalaki at tinanggap ang pulang pakete. Tinignan niya si Ye Wan Wan at nagtanong, "Miss, sinong nagturo sa 'yo ng mga galaw na 'yun?"

Sumulyap si Ye Wan Wan sa kanya at sumagot, "Natutunan ko lang sa sarili ko. Bakit?"

Kamakailan lang, madalas na lumilitaw sa isip niya ang mga iba't ibang galaw at diskarte.

Nang marinig iyon ng lalaki, napaangat ang kanyang mga kilay. "Sigurado ka hindi ka tinuruan ng isang gwapo at magaling na eksperto?"

Ye Wan Wan: "... tingin ko dahil sa espesyal ako at talentado."

Nahirinan ang lalaki. "Miss, hindi ka talaga mahinhin…"

Ye Wan Wan. "May iba pa ba? Kung hindi, kailangan ko ng umalis at ipaayos ang kotse ko."

"Ah, bigla kong naalala na may kikitain ako para makipaglaban. Mauuna na ako! Miss, kung gusto mo talaga akong pasalamatan, tulungan mo na lang ako sa QQ membership level ko! 'Yung may annual fee!" sumulyap ang lalaki sa malaking yupi sa kotse at natakot na baka maningil ulit si Ye Wan Wan, kaya dali-dali siyang kumaway at tumakbo.

Ye Wan Wan: "…"

Kung gusto niyang umakto bilang eksperto, kakayanin niya ba hanggang dulo?

Hindi siya nagsusumikap dito...

Hindi na maganda ang manatili pa roon. Matapos na umalis ng lalaki, umalis na din si Ye Wan Wan at buti na lang, hindi nasira ang makina, kaya kaya niya pang imaneho ang kotse.

Base sa galaw ng tatlong lalaki kanina, masasabi niya na may makapangyarihan itong mga isponsor.

Gayunpaman, mukhang natatakot ang mga lalaki at hindi nagtangkang lantaran siyang atakihin.

Sino naman ang gustong bawian ako ng buhay...

Yung mga matatanda ng mga Si o si Qin Ruo Xi? O may iba pa sa likuran namin na hindi ko alam sa dalawa kong buhay?

Sa nakaraan niyang buhay, nakanakasagupa na din siya ng ganitong pag-atake. Matapos no'n, namatay siya. Hindi niya man lang alam kung paano siya namatay, kaya wala siyang alam.

At saan galing ang lalaking may puting buhok na ito na biglang lumitaw at nawala? Nakakalito talaga...

Sa mga iniisip ni Ye Wan Wan, nag-u-turn siya at dumeretso siya patyo sa labas ng Beijing.

Pinatipon na ni Ye Wan Wan kay Fu Xuan Yi ang mga trabahador galing sa Myanmar at pinatira sila sa isang lugar.

Sa lagay niya ngayon, nasa tamang oras na para gumawa ng kanyang hukbo.

Nang dumating si Ye Wan Wan, nagtipon ang mga ilang tao, pinag-uusapan tungkol sa bago nilang boss.

Hinawakan ni Little Lolita ang mukha niya. "Hindi ko inakalang sobrang ganda ni Black Widow; mas maganda pa siya kaysa sa mga paglarawan sa kanya sa tsimis…"

Umiling ang mataba. "Syempe maganda siya - umiinom siya ng dugo ng mga batang babae na tulad mo para mapanatili ang ganda niya, eh!"

Sabi ng lalaking may mahabang buhok, "Bakit sa tingin mo gagawa ng ganitong pagkatao ang Black Widow at magtatago sa mga Si?"

Sumulyap ang lalaking may balbas sa kanya at sabi, "Baby, ang bobo mo - kailangan mo pa bang magtanong, Syempre, para sa lalaki. Alam ng lahat na mahilig ang Black Widow sa mga gwapo! Sabi sa tsismis, kahit na brutal at marahas ang master ng mga Si, sobrang gwapo niya. Tsk tsk tsk… pumasok ang boss sa mga Si na may sikretong pagkatao - ano pa bang rason ang mayroon doon bukod sa ikama siya, huh…"

Ye Wan Wan na nakatayo sa may pintuan: "..."