Chapter 793 - Panloloko sa aksidente

Sa sandaling ito, tinignan niya ang lalaking may puting buhok na umabot hanggang bewang niya. Mukhang hindi naman siya tulad ng iniisip ni Ye Wan Wan...

Natataranta si Ye Wan Wan sa sitwasyon at hindi siya makapag-isip ng maayos.

"Tao ako, hindi multo," marahang pagtawa ng lalaki.

Nabigla si Ye Wan Wan, "Binangga ba talaga kita ngayon lang?"

Tinitigan ni Ye Wan Wan ang lalaki at mas nalito pa. Malaki ang sira ng kotse, pero buhay pa din siya?

"Medyo masakit naman." daing ng lalaki at tumango.

"Ayos… ka lang ba talaga? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" pagkunot ng mga kilay ni Ye Wan Wan.

"Ayos lang ako, 'wag kang mag-alala." ngiti ng lalaki.

"Ayos pala," sabi ni Ye Wan Wan at tumango, "Bayaran mo na ako."

Nang marinig ang sinabi ni Ye Wan Wan, nagulat ang lalaki. "Binangga mo ako, ta's babayaran kita?"

"Iyon 'yung sabi ko! Kahit na ako 'yung nakabangga sa 'yo, ayos ka lang naman pero 'yung kotse ko… hindi!" binuksan ni Ye Wan Wan ang pintuan at hinila palabas ang lalaki. Tinuro niya ang sira niyang kotse. "Tignan mo 'to - ang laki ng sira ng kotse ko dahil sa 'yo, hindi ka pwedeng umalis hangga't hindi ka nagbabayad."

"Miss, mababaw na bagay lang ang swerte at kayamanan. Hindi mo sila madadala sa kamatayan mo, kaya 'wag ka masyadong sakim. Tsaka wala ako ni isang sentimo." umiling ang lalaki.

"Wala akong paki. Ang laki ng sira ng kotse ko - kailangan mong magbayad!" pagpilit ni Ye Wan Wan.

"Saan mo natutunan ang ganyang ugali mo?" nanatiling nakatayo ang lalaki at mapaghinalang tinignan si Ye Wan Wan.

Bago pa makapagsalita si Ye Wan Wan, biglang humiga ang lalaki sa tabi ng paanan ni Ye Wan Wan. "Sinu… sinugatan mo ako. Kailangan mong magbayad ng mga panggamot ko…"

"Kailan pa kita binangga?" gulat na sabi ni Ye Wan Wan.

"Kanina lang, sa kotse… sinuntok mo ako… dali bayaran mo ang mga panggamot ko. Hindi ko na kaya…" para bang malubhang nasugatan ang lalaki.

Ye Wan Wan: "…"

Nagulat ako sa may kotse kaya ko siya nasuntok, pero kalahating oras na ang nakalipas no'n. Ngayon lang siya sumisigaw sa sakit - parang natagalan…'yung panang tumama sa akin, huh!

"Tama na, 'wag kang magkunwari. Iuurong ko na lang ang pagbabayad mo sa kotse ko." paghinga ng malalim ni Ye Wan Wan.

"Ngayon ko lang napagtanto na hindi naman ganoon kasakit 'yung suntok mo at medyo bumuti na ang pakiramdam ko." dahan-dahang tumayo ang lalaki.

"Haha…" tawa ni Ye Wan Wan. "Pinepeke mo lang, huh? Kailangan mo pa ding magbayad sa sira ng kotse ko."

"Ay… hindi ko na kaya 'yung sakit. Tingin ko ang lakas ng pagkakasuntok mo sa akin… dali bayaran mo ang mga gamot ko…" para bang nasugatan muli ang lalaki at humiga ulit sa sahig.

Ye Wan Wan: "..." bakit hindi na lang siya namatay sa pagkakabangga ko sa kanya...

Sa huli, nakipagsundo si Ye Wan Wan sa lalaki; wala sa kanila ang makakakikil sa isa't isa.

Matapos sumang-ayon ng lalaki, tumayo siya.

"Aalis na ako kung wala na." papasok na si Ye Wan Wan sa kanyang kotse.

Nang makita ito, hinablot ng lalaki si Ye Wan Wan at pinigilan siya. "Kailangan mo pa akong bayaran!"

"Ano?" nagulat muli si Ye Wan Wan. Hindi ba nagkasunduan na kami? Bakit nanghihingi ulit siya ng pera?

"Inayos natin 'yung sa suntok pero hindi sa aksidente; kailangan mo pang magbayad." madiin na sabi ng lalaki.

"Hindi ba ayos ka lang?" pagkibot ng mga labi ni Ye Wan Wan.

"Ay… hindi ko na kaya. Muntik na akong mamatay sa aksidenteng ito… kailangan mo akong bayaran ngayon…" para bang nanghihingalo sa sakit ang lalaki at muling humiga sa sahig.