Feng Yi Ping: "Ikaw…"
Gayunpaman, matibay na nakatitig si Si Ming Li kay Ye Wan Wan at sinabi niya, "Sige, makikipagpustaha ako sayo, pero kapag natalo ka, kailangan mong umalis ng kumpanya!"
"Sige. Kapag nanalo ako, kailangan niyong gawin ang sinabi ko at kapag natalo ako, iiwan ko ang kumpanya at hindi ko na papakialaman ang mga tungkulin ng kumpanya." Hinampas ni Ye Wan Wan ang lamesa at tinapos na niya ang kasunduan.
"Sige, sasama ako sa pustahan na ginawa mo!" sabi ni Feng Yi Ping.
Walang alam sa pakikipagsugalan ng mga bato ang babaeng ito pero ang tapang niya para sabihin ang mga walang kwentang bagay na iyan - pinapahiya niya ang sarili niya!
Kahit ang pinakabatikan sa eksperto ng jade trade ay hindi nagmalaki at ipinagmayabang na kikita siya, paano pa kaya ang isang baguhan?
Gayunpaman, kailangan ng 30% abilidad o kakayahan at 70% na swerte sa kalakalan ng jade.
Sa oras na ito, gulat na gulat sila Hou Maofeng at Xue Li.
Hindi nila inakala na hindi kayang kontrolin ng board of directors ng Si family ang babaeng ito…
Gayunpaman, katatawanan ang lahat ng ito sa paningin ni Hou Maofeng. At tsaka, pinapahiya ng Si family ang sarili nila - wala siyang kinalaman sa kaguluhan na ito.
"Xue Li, huwag mong ibababa ang video call. Gusto kong mapanood kung paano mananalo si Miss Ye."
Ngumisi ang isang mataas na opisyal ng Si family na nasa video call.
"Sige po." Tumango at sumang ayon si Xue Li.
Sa ngayon, parami ng parami ang mga tao na nakapalibot. Punong-puno na ng tao ang Hui Cui Workshop.
Malapit na malapit na nakatayo sila Spray of Flowers, ang deboto, at ang iba kay Ye Wan Wan. Para bang may papatay sa kanya dahil sa posisyon ng mga ito.
"Boss Wan, gusto ko ang tumpok ng mga bato na ito. Kaya na nating makipagkalakalan ngayon?" Humarap si Ye Wan Wan kay Wan He Yun.
"Ah… Miss Ye, ayaw mo bang pag-isipan muna ng maigi…?" Bumunotng hininga si Wan He Yun.
Kahit sinabi ni Wan He Yun na gusto niyang kumita ng pera dito. Mababayaran na niya ang mga high-interest loans niya kapag binenta niya ito sa orihinal na presyo nito at baka may matira pang pera para sa operating fund. Dahil dito, magiging matatag ang operasyon nang halos dalawang taon o mas matagal pa...
Ngunit nakikita ng maigi ni Wan He Yun ang sitwasyon na kinalalagyan ni Ye Wan Wan.
Kahit na hindi mataas ang pag-asa niya sa tumpok ng mga bato na ito, maliban pa sa tingin ng mga top management at mga nakatatanda ng Si family. Sa totoo lang, mas mababa ang itsura at kalidad ng mga bato na ito kung ikukumpara ang mga bato sa Hui Cui Workshop...
"Hindi ko na kailangan na pag-isipan pa. Posible ba tapusin na natin ang proseso ng kalakalan ngayon?" Tanong ni Ye Wan Wan.
"Oo…" tumango si Wan He Yun.
Dahil sumangayon na si Ye Wan Wan, ayaw na niyang sayangin ang oras niya mabilis niyang tinapos ang proseso ng kalakalan kay Wan He Yun.
Matapos ang isang minuto, tapos na ang transaksyon ng tumpok ng mga bato.
Para naman kay Huang Shi Xin, dumeretso na siya na pagbili ng mga bato sa Hui Cui Workshop - ang mga nireserba noon na mga bato ni Qin Ruo Xi ay binili na ni Huang Shi Xin.
Humarap si Hou Maofeng kay Ye Wan Wan at ngumisi siya, "Matapang ang loob mo, Miss Ye, huh? Biyakin mo na lang sa store ko ang mga bato - pwede kong alokin sayo ang gemcutter ng stlre ko. Gusto kong makita ang nakakabighani na mga nilalaman ng mga batong ito na binili mo kay Wan He Yun!"
"Sige, walang problema, pero ayokong hiramin ang gemcutter ng Hui Cui Workshop. Baka hindi mo pa ako kayang bayaran dahil hihiwain nito ang mataas na kalidad na materyal na meron ako." Tumawa si Ye Wan Wan.
"Haha… sa tingin mo, makakakuha ka ng mataas na kalidad na materyal sa basura na ito… Miss Ye, hindi ka yata nakatulog ng maayos kagabi kaya nagpapantasya ka ngayon." Galit at poot ang nakikita sa mga mata ni Hou Mou Feng.
Hindi naaabala si Ye Wan Wan kay Hou Maofeng kaya humarap na lamang siya kay Wan He Yun. "Boss Wan, pakitawag naman dito ang gemcutter."