Chapter 76: Not a fight... but a date!
Nanahimik ang tatlong babae, "..."
Gayun din ang pagkatahimik bigla ng buong klase, "..."
Maging si Ye Wan Wan ay nabigla rin.
Nagtinginan ang tatlong babae at sandaling nakabalik sa kanilang mga ulirat. Saka muling nagpumilit——
"Dong...Kuya Dong...anong sinasabi mo?"
"Anong ibig mong sabihin na isa na sa mga tao mo si Ye Wan Wan?"
"Dong, nagkamali ka ata?"
Lalo lang nauyamot si Ling Dong, "Paninindigan ko kung ano ang sinabi ko. Ye Wan Wan is one of my people; walang sinuman ang pwedeng humawak sa kanya! Hindi ba kayo nakakaintindi ng Ingles? Kung naintindihan niya, edi magsilayas na kayo!"
Tatlo sa kanila ay mga taong sunud-sunuran ni Cheng Xue at gayun din na mga malalapit kay Ling Dong. Ito ang unang beses na sumagot ng ganito sa kanila si Ling Dong at parang unti-unti silang naluluha nang marinig ang tono ng paninigaw sa kanila. Sa umpisa, gusto nilang lumaban pa pero nang makita nila ang nakakatakot na ekspresyon sa mukha ni Ling Dong, hindi na nila ginawa at tumakbo na lang papunta kay Cheng Xue.
Nang umalis na ang tatlo, tumingin naman ulit si Ling Dong kay Ye Wan Wan; ang nakakatakot niyang ekspresyon ay unti-unting nawala at naging seryoso.
Matapos magdalawang-isip sa umpisa, umikot si Ling Dong, kinuha ang malaking bag ng mga pagkain at ibinigay iyon kay Ye Wan Wan saka nagsabi, "Para sa'yo."
Tinignan ni Ye Wan Wan ang mga pagkain, naguluhan siya sa ekspresyon niya at saka nagpatuloy sa pananahimik, "..."
Nakatayo si Ling Dong sa harap ng mesa nang walang intensyon na umalis. Nagaalangan pang magsalita at sa bawat oras na ibubuka niya ang bibig para magsalita, nauuwi na lang sa pagkalunok niya ng mga salita. Paulit-ulit itong nangyari saka siya huminga ng malalim at nagsalita na parang nauutal, "Ye Wan Wan..may...may libre ka bang oras mamayang gabi pagkatapos ng klase?"
"Mamayang gabi?"
May kung anong salitang naalala bigla si Ye Wan Wan. Isang paalala ng karamihan na palagi nilang sinasabi kapag gusto nila ng away: "Don't leave after school."
Naghahanda ba siya para saktan ako pagkatapos ng klase?
Napansin agad ni Ling Dong na hindi siya naintindihan ni Ye Wan Wan kaya agad siyang nagsabi, "Meron...Meron kasing bagong bukas na barbeque shop malapit sa school...gusto mo bang sumama? Sagot ko!"
Nagulantang ang mga estudyante sa paligid na nakarinig: "....!!!"
Damn! Bakit parang habang tumatagal lalong ang hirap maintindihan?!
Itinaas ni Ye Wan Wan ang kanyang kilay, anong nangyayari?
Hindi 'to away kundi...isang date?
"Sandali, sandali lang… Sorry, Ling Dong, hindi ko maintindihan lahat--anong kalokohan 'to?" diretsong tanong ni Ye Wan Wan.
Kahit maging ang lahat sa paligid nila ay hindi rin iyon naintindihan. Mas madali pang maintindihan kung ayaw ipahawak kanino man ni Ling Dong si Ye Wan Wan dahil kay Zhao Xing Zhou eh, pero ito, hindi naman niya kailngang sabihin pa na si Ye Wan Wan is one of his people, diba? At ngayon, nagtatanong pa siya kung libre ang babaeing ito para sumabay sa kanya kumain mamayang gabi?
Ano ba talagang nangyari sa dalawang araw na walang pasok?
Nang marinig ang mga salitang iyon kay Ye Wan Wan, nagiba bigla ang mukha ni Ling Dong at malungkot na sumagot, "Hindi 'to pangtrip lang!"
Ngumiti lang si Ye Wan Wan, "Ling Dong, ang mga prankang tao ay hindi basta-basta nagpaparamdam lang. Ano bang iniisip mo? Sabihin mo na!"
Napatindig lang si Ling Dong at napatitig sa kanya, natikom ng mahigpit ang kanyang kamao at saka unti-unting nanlambot.
Nang aakalain ni Ye Wan Wan na sasaktan siya ng binata, narinig niya ang mga sinabi nito——"Ye Wan Wan, gusto kita!"
Nagulat si Ye Wan Wan: "..." Huh?
"Puff… uhoo..uhoo..uhoo.." Si Xia naman na nanonood sa kabilang gilid, hindi na napigilan pa ang sarili. Nasamid na at napaubo ng matindi.
Lahat ng mga estudyante ay halos napaubo rin at nagtinginan na parang nakakita sila ng multo.
"Damn! Tama ba narinig ko? Umamin si Dong ng nararamdaman niya para sa pangit na halimaw na si Ye Wan Wan!!!" napanganga na lang ang kaibigan ni Ling Dong.
May isang lalaki naman ang nagsalita matapos magulat sa narinig, "Dong, nababaliw ka na ba?"