Isa sa mga malalaki at mga lumang minahan ang Hui Ka. Kakaunti lang ang reserves nito ngayon kaya mas naging katangi-tangi ang malaking boulder na meron sila.
Hindi lang ang itim na mga butas ang katangi-katanging karakter ng boulder, pero may kakaibang kuyaly berde na python belt ang nakapalibot sa loob nito.
May isang kasabihan na sinasabi: 'Bagay ang itim at berde,' ang ibig sabihin nito ay ang mga bato na may mga itim na butas ay mas malaki ang tsansa na may berdeng jade ang looban nito.
At ang "python," karamihan sa mga materyak na ito ay gawa sa jade minerals na may jadeite. Kaya, madalas na umaangat ito at pumoporma na isang belt na may iba't ibang kulay.
May iba't ibang klase ng sinturon ng python at ang bawat isa ay naaayon sa lalabas na klase ng jade. May jadeite sa loob basta't may makikitang python na sinturon.
Nagmamalaki si Hou Maofeng nang tinuro niya ang mga pinagpatong-patong na bato na nakalagay sa itim na buhangin at masaya niyang pinaliwanag ito, "Maraming pera ang ginastos ko para linisin ang tumpok ng itim na buhangin. Makikita mo ang maliit na bintana sa malaking ito at hindi ko na kailangang ipaliwanag ang ibig sabihin nito sa mga nakakaalam. Pwede niyo na itong tingnan - ito ay isang kamangha-manghang bato na nanggaling sa Hui Ka, gawa ito sa mga magagarang materyales! Kung hindi lang dahil kay Miss Qin, itatago ko na lang ito!"
Sinapo ni Xue Li ang mga kamay niya dahil nagpapasalamat siya kay Hou Maofeng. Nagtanong na siya dahil natatakot siya na baka malasin pa sila, "Salamat, boss Hou! Boss Hou, sabihin mo sa amin ang presyo ng bato, at aasikasuhin kaagad namin ang kabayaran namin!"
Nag-atubiling tinanong ni Huo Maofeng ang kanyang shop assistant para dalhin ang account book at makipag negosyohan siya sa magiging presyo na babayaran nila Xue Li at ng grupo ng mga eksperto.
Biglang nagpakita ang deboto sa harapan ni Ye Wan Wan. Lumapit siya dito at sinabi, "Boss, hindi ka yata nila pinapansin!"
Spray of Flowers: "Boss, turuan ba namin sila ng leksyon? Nananapak ako sa halagang $88!"
Umubo si Nameless Nie kaya mabilis na nanahimik at nagtago ang dalawa.
Nagsalita si Nameless Nie, "Famous Ye, sabihin mo sa amin kung may kailangan kaming gawin. Hindi man kami pwedeng gumamit ng armas at hindi rin man pwedeng maging bayolente, may ibang paraan pa kami para maghiganti sa kanila."
Natawa si Ye Wan Wan. "Ha, okay lang, salamat."
Hindi nila ako pinapansin? Imposibleng mangyari 'yon.
Hindi ito mababayaran kung wala ang pirma niya.
Natapos na sila matapos ang matagal na negosasyon.
Dinala ni Xue Li ang bill kay Ye Wan Wan at sinabi niya, "Miss He, naayos na po ang lahat. Kailangan mo lang pumirma dito!"
Sa likod niya, mukhang ayaw pa rin ni Hou Maofeng si Ye Wan Wan. "Sumangayon akong gawin ito para kay Miss Qin; hindi ko muli itong pahihintulutan kapag may dinala ka naman na ibang tao!"
"Walang problema, boss Hou! Walang problema!"
"Pakibilisan, Miss Ye! Mataas na kaledad na bato ito. Patas lang ang presyo kaya maraming mga tao ang interesado dito, pero hindi pa rin ito binenta ni boss Hou!"
Humigop ng tsaa si Ye Wan Wan at dahan-dahan niyang nilapag ang teacup sa lamesa. Bigla niyang tiningnan sila Xue Li at ang iba na nagmamadaling ibigay sa kanya ang bill, gayundin ang nag-aatubili na si Hou Maofeng. Walang pakialam siyang sumagot sa kanila, "Pirmahan? Pirmahan ang ano?"
Nainis si Xue Li. "Malamang, para sa pambayad ng mga mamahaling bato!"
Kumunot si Ye Wan Wan. "Sinong nagsabi na… bibilhin ko ang mga batong ito?"
Nabigla silang lahat sa sinabi ni Ye Wan Wan.
Dumilim ang buong mukha ni Xue Li. "Miss Ye, ano ang ibig mong sabihin? Hindi mo ito bibilhin?"
Ngumiti si Ye Wan Wan at dahan dahan niyang sinabi, "Simula pa pang nung una, kayo ang may gustong bumili nito at ikaw, deputy director Xue, ang nagpumilit na nagpapunta sa akin dito sa store na ito. Sinunod lang kita para makita ko ang mga bato. Sinong nagsabi na gusto kong bumili sa store na ito?"
Hindi makapaniwala si Xue Li. "Ikaw…"
Nag-iba ang itsura ni Hou Maofeng. "Xue Li, anong gusto mong iparating?! Sa tagal ng oras na nandito kayo, nakikipag lokohan ka lang pala sa akin!?"