Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 745 - Ang dakilang tiga-pagsanib ng grupo ng anim na tao

Chapter 745 - Ang dakilang tiga-pagsanib ng grupo ng anim na tao

Nameless Nie: "Anong gagawin namin ngayon, boss? Ibaba mo yan, Godly Rod."

"Sige!" Hukay ng hukay ang deboto pero wala siyang mailabas na libro. Pinalitan niya na lamang ito ng dilaw na talisman. "Uh, nakalimutan kong magdala ng pen…"

Patagilid siyang tinitigan ni Spray of Flowers tapos inabutan siya nito ng eyeliner pen.

Umubo at kumibo ang gilid ng labi ni Ye Wan Wan. "Magkakaroon tayo ngayong araw, ng spekulasyon ng mga manahaling bato. Kailangan niyong sumunod sa akin at magkukunwari kayong bodyguards ko; hindi niyo na kailangang isulat ang sinasabi ko."

Nangako si Nameless Nie kay Ye Wan Wan, "Huwag kang mag-alala, famous Ye. Kami nang bahala sa lahat - sisiguraduhin namin na hindi dadapo sa balat mo ang kahit ang isang hamak na langaw!"

Tiningnan niya ang iba niyang kasamahan. "Alam niyo ba kung anong gagawin natin ngayong araw?"

Sabay-sabay na sumagot ang apat, "Opo."

Nameless Nie: "Ano ang slogan natin?"

Sabay na sabay na nagsalita ang apat: "Si Boss Famous ay kasing ganda ng bulaklak, ganda ganda ganda, napaka-ganda ganda ganda!"

Muntikan nang sumuka ng dugo si Ye Wan Wan nang marinig niya ang slogan ng grupo...

Hindi niya inasahan na darating ang araw na maririnig ng kanyang mga tainga ang nakakahiyang slogan na ganyan...

*Cough cough cough* "Salamat sa kabutihan niya, pero magtrabaho na lang tayo nang walang slogan…"

Nasa gitna si Ye Wan Wan ng limang iyon nang biglang may narinig na papalapit na mga hakbang sa likuran niya. Si Eleven at Feng Xuan Yi at naglalakad patungo sa kanila.

*Swish swish swish* mabilis na umabante sa harap ni Ye Wan Wan sila Spray of Flowers, dayuhan at ang deboto. Maingat nilang binantayan si Ye Wan Wan. Sinipa ni Nameless Nie ang taong yelo upang maging tao na pangsangga ni Ye Wan Wan.

Spray of Flowers: "Sino ka?!"

Nagsalita ang dayuhan na tagabuhat ng bricks: "Mapanganib ang dalawang taong ito! Dito ka sa likod, boss!"

Deboto: "Saan kayo nanggaling, mga masasamang tao?!"

Halos mabaliw si Ye Wan Wan sa kanila. "Kumalma kayo, mga tauhan ko sila…"

Mabilis na sumahot si Spray of Flowers, "Boss, sabi nga sa kasabihan, 'Hindi mo pa rin malalaman ang tunay na ugali ng tao, kahit matagal mo na siyang kilala' - kataka-taka ang lalaking nakasuot ng pula na may singsing sa kanyang daliri!"

Humarap si Ye Wan Wan kay Feng Xuan Yi. Madilim na pula ang kulay ng uniporme ng punong kapitan at may suot rin siyang Vermilion bird ring.

Kaawa-awang sumagot si Ye Wan Wan, "Siya ang disipulo ko. Ako ang nag-ayos sa kanya - huwag kang ma-paranoid!"

"Sino ang mga taong ito, Miss Wan Wan…?" Sinuri ni Eleven ang nakakapagtakang limang tao na nasa harap niya.

Naguguluhan at hindi maintindihan ni Feng Xuan Yi ang nangyayari.

"Sila ang… personal bodyguards na naatasan ko..." Nahihirapan si Ye Wan Wan na aminin na siya ang kumuha sa mga tao na ito.

Suminangot si Eleven nang marinig niya iyon. "Mga bodyguard?"

Lumipad papunta sa ibang bansa si Eleven at Feng Xuan Yi para protektahan si Miss Wan Wan, pero naghanap pa rin siya ng personal bodyguards - wala ba siyang tiwala sa kanila?

Napansin kaagad ni Ye Wan Wna kung ano ang iniisip ni Eleven, kaya nagpaliwanag na siya, "Huwag mong isipan ng mali ang ginawa ko - alam mo kung anong kinalalagyan ko ngayon. Magmumukha na ginagamit ko ang malalakas na koneksyon sa tao ni Si Ye Han para takutin ang iba. Mag madali ang ganitong paraan at may mga personal pa akong aatupagin sa mga susunod na araw - mahihirapan ako kapag sumama pa kayong dalawa."

Simple lang ang pinaliwanag sa kanila ni Ye Wan Wan. Pagkatapos ay pinakilala niya na ang lima kay Eleven at Feng Xuan Yi.

Biglang na-bulol si Feng Xuan Yi boong pababa pa lamang ng hagdan sila Ye Wan Wan at ang grupo, "Wan… Wan… Miss Wan Wan…"

"Ano 'yon?" Tinanong siya ni Ye Wan Wan.

Feng Xuan Yi: "Kai-kailangan… ko… kong pumunta sa… kubeta…"

"Sige lang. Magtitipon na lang kami sa mat lobby," sumagot si Ye Wan Wan.

"Opo…" mabilis na sumugod sa kubeta si Feng Xuan Yi.

Sa tapat niya, tumawa ng malakas si Nameless Bie. "Aiya, boss, bigla kong naisip na kailangan kong pumunta rin ng kubeta. Please excuse me. Pasensya na, pasensya na."

Sumunod rin sa kanila ang deboto. "Kailangan ko rin na pumunta sa kubeta!

Mabilis silang hinabol ni Spray of Flowers. "Ako rin, ako rin!"

Sumagot dayuhan na tagabuhat ng bricks, "Ah, sasama na rin pala ako."